"En.ri.que!!!!!!"Sumigaw ako sa sakit ng aking tiyan at pumutok ang aking panubigan.
Ang aking paghinga ay ang bilis na, ang sakit na talaga I think the baby is coming.
"RICK!!!!!!"
I shout like a lion roaring in pain.Nandito ako ngayon sa balkonahe at nagpapahangin, si Rick ay umalis sandali dahil may tawag ito mula sa opisina nila. Last check up ko kasi ay sabi ng doctor ko anytime soon ay pwede na akong manganak kaya nagleave na si Rick sa trabaho niya ng isang buwan.
Si Nana Lorna ay kinuha namin uli bilang katuwang namin dito sa bahay ngunit wala siya ngayon dahil day off niya. Kaya kaming dalawa lang ni Rick ang nandito.
I saw Rick running towards me and when he saw my situation, he immediately pale.
I'm almost lying on the floor. Wala na akong pakialam sa itsura ko ngayon, ang gusto ko lang ay mailabas itong anak ko.
Tinulungan niya akong tumayo.
"O Jesus Christ! hold on Honey"
Nilalakasan nito ang kanyang loob ngunit halata ang takot nito.Binuhat niya ako at hinablot ang bag na naglalaman ng mga kakailanganin ko sa panganganak, last month pa namin ito hinanda at nilagay sa mas madaling makita at makuha kapag nagkagipitan na.
I'm panting in pain, really. Ang lalaki na ng pawis ko sa noo dahil sa sakit,ganito pala manganak para mang pinapatay.
"Ahhh!!!!"
I shouted in pain when we get to the hospital.
"Don't leave me Rick!! Sumama ka sa loob." I said in gritted teeth in pain, its unbearable.
Hindi magkamayaw si Rick sa pag hawak at pagpunas ng pawis ko sa loob ng delivery room. Almost an hour na akong umeeri pero hindi pa lumalabas ang baby ko, nauubusan n ako ng lakas.
Ang hirap!
''Doc, tulungan niyo naman ang asawa ko! Hirap na hirap na siya." Medyo tumaas na ang boses Rick, kanina pa ito reklamo ng reklamo. I know he is just worried about me and the baby pero sa tuwing lalabas na ang ulo ng bata sa aking pwerta ay babalik naman agad kapag pinutol ko ang pag tulak ko, syempre nauubusan ako ng hininga kaya hindi ko talaga matagalan.
"Sir, malaki po ang baby niyo kaya po nahirapan si misis na ilabas ito, kapag kasi malaki ang baby ay hindi ito masyadong makabwelo sa paglabas niya dahil malaki siya kaya po tayo medyo natatagalan pero don't worry ininduced na po namin siya." Paliwanag ng doctor.
"Wala na bang ibang option?"
May galit na talaga sa boses niya."Meron po sir, CS po."
"No!!" Sigaw ko, ayokong hiwain yung tiyan ko tulad Kay Toni,nakakakilabot.
"Kaya ko ito doc, I'll try harder this time."
Pilit kong tinapangan ang boses ko kahit nanghihina na talaga ako.Rick look at me softly and kiss my forehead. "I won't get you pregnant anymore,I can't stand watching you like this mas nahihirapan ako sayo." Bulong nito sa akin at pilit na inaayos ang nalulukot kung mukha sa sakit.
"Pinagdadaanan ito ng isang Ina,Rick."
Pagpapalakas ko ng loob sa kanya, sa kanya na nga lang ako kumukuha ng lakas nanghihina la siya sa kalagayan.I saw how Amber labored his twins, mas mahirap pa yun kaysa sa akin. Nag labor siya ng 12 hours, at ako nakakadalawang pa lang kaya hindi ako susuko,ilalabas ko si baby.
When I feel na parang lalabas na uli siya ay binuhos ko na lahat ng natira kong lakas, hindi ko pinutol ang aking pag eri,para namang hinukay ng doctor yung tyan ko dahil sa tinulak niya yung baby ko. Then when I feel na lumabas ang ang kalati ng kanyang katawan ay binunut na ito ng doctor.
"Hah!" Napahagilap agad ako ng hangin matapos ng mahabang pigil. Lupaypay agad ako, parang nawala yung kaluluwa ko sa aking katawan sa relief na nadama. Pumikit agad ako sa pagod.
"Hon!" Niyugyug ako ni Rick, but I'm too tired to open my eyes.
"Doc, ang asawa ko?" Nataranta nitong boses.
Then I heard my baby cry.
"Its a very healthy baby boy." I heard my OB said. "Congratulations parents."
"Sir, okay lang po ang misis niyo nagpapahinga lang siya." I heard another voice, maybe a nurse.
I can still feel Rick hands busy wiping my sweats all over my face down to my neck. "I'm so proud of you hon..." Bulong nito." And I'm sorry for causing you again the pain." At Naramdaman kong hinalikan niya ang noo at ang labi ko.
"Its all worth it Rick, hearing our sons cry, its all worth it." I manage to say before I passed out.
---
After the night of revelation and proposal ay tumulak kaming Laguna kinabukasan hingin ang kamay ko sa aking mga magulang. Sinabi na din namin sa kanila na Rick lang din pala ang tatay ng pinagbuntis ko at hindi ang ibang taong inakala ko, aba tinawana lang ako ng mga magulang ko.
Gusto ko sanang makasal Pagkatapos ko manganak ngunit hindi pumayag si Rick, gusto niyang bago ako manganak ay isa na akong Martinez, kaya nagpa civil kami nangako naman siya ng church wedding after I'll give birth.
Noong araw pa lang umalis ako ay yun yung araw na pinuntahan nila ang puntod ng daddy ni Chiky at ipinakilala ito sa kanya. Madali naman daw natanggap ng bata ang mga magulang niya Kay ito sumama sa Cebu sa kanyang mommy upang makilala pa ang mga kamag anak nila.
Muli kong hinalikan ang lahat ng nangyari sa amin ni Rick dati. Mula sa paging hero niya sa kin minsan,sa paghanga ko sa kanya, sa pagiging stalker at noong nakatanggap ako ng msakit na salita mula sa kanya hanggang sa naglasing ako na kamuntikan ng mapagsamantalahan ng ibang tao kung hindi lang ako nailigtas ni Rick mula sa manyak na Bruce na yun. Ang pagkabuntis ko ng walang nakakaalam at ang aksidente. Ang muling pagkikita namin ni Rick at ang magiging hired mommy sa kanyang anak anakan na si Chiky.
Masasabi kong pinaglalaruan yata kami ng tadhana. Kasi pareho pala kami ng nararamdaman ngunit kakailanganin pa namin yung pagdaanan upang mas lalong masigurong para kami sa isa't isa.
----
I slowly open my eyes Pagkatapos ng mahabang pag tulog ko.
"Welcome to motherhood!!!"
Sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan kong may dala pang balloons, cake at party popper.
I smiled to them, nandito din ang pamilya ko except sa mag ama ko.
Nasaan sila?Lumapit ang mga kaibigan ko at yumakap sa kin,they even took a picture of us, naku nagmumukha akong may sakit sa itsura ko.
"Caption...mothers!"
Sabi mi Toni na parang ipo-post na niya sa kanyang Facebook at instagram."E tag mo kami." Sabi naman ni Amber.
"Syempre!...o ayan posted na." Ipinakita pa niya ito sa amin.
Nakita ko si Nanay na nakangiti sa aming magkakaibigan Kay ngumiti din ako sa kanya. Si tatay ay ganoon din sa kanyang tabi.
Bigla namang bumukas ang pinto.
Rick is carrying our baby carefully. Ang ganda niyang tingnan na may hawak itong baby, amang ama ito. Hindi naman maalis sa mukha nito ang ngiti.
My friends give way to the two.
Tumulo ang luha ng masilayan ang aking anak.
"Ang gwapo niya, kamukha mo."
Madamdaming sabi ko Kay Rick na tumabi sa kin sa Kama Pagkatapos niyang ibigay sa kin ang bata."Thanks for giving me him, pamilya na tayo."
"Basta para sayo,ibibigay ko."
"I won't asked for more,sapat na kayo sa akin...I love you hon." At walang hiyang hinagkan ako sa harap ng aking mga kaibigan at pamilya. Namula naman ako.
Me too, wala na akong mahihiling pa.
"I love you too."
❤5.29.17
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...