kabanata 31

40.9K 1K 17
                                    

"What did I told you before?"

Dinala ko si Chiky sa chapel ng ospital upang kausapin. Ipinapaalala ko sa kanya ang napagkasunduan namin dati na magiging mommy lang niya ako pansamantala habang wala pa ang tunay niyang mommy. But the time na dumating ito ay hindi na niya ako pwedeng tawaging mommy.

"Mom, masaya naman tayo kahit wala siya diba? Ayaw niya sa akin." She said crying.

"Sino bang may sabing ayaw niya sayo?"
Pinalis ko ang mga luha sa kanyang pisngi dumaloy at inayos ang kanyang buhok na nagulo sa kanyang pag iyak.

"Lahat ng mommy love ang kanilang mga baby, kaya sigurado akong may matinding reason ang mommy mo kung bakit ka niya iniwan sa daddy mo... Can you give her a chance to explain?"
Dahan dahan kong sabi sa kanya.

She sob.
"What if She'll lie."

Napakunot ang noo ko.
"Bakit naman siya magsisinungaling?"

"I don't know" she shrugged.
"Maybe, just to get me easily... Mom I don't know her." She insisted. Bakit nag iba ang gusto nito? Diba atat na atat itong makita ang mommy niya? Is it a bad idea na dumating ako sa buhay nila?

"That's why you give her a chance, the two of you. Para magkakakilala kayo."
Naawa ako sa kanya ngunit mas naawa ako Kay Madeline. Sa ideyang ayaw ka ng anak mo ay ang sakit non.

"Mom, ikaw lang ang gusto kong mommy. Please mom, ayoko ko sa kanya." She cry.

"Chiky, kung ako yung mommy mo masasaktan talaga ako sa sinabi mo...gusto mo ba yun? Na nasasaktan yung mommy mo?"
Lumuha kong sabi. Masakit naman talaga.

She stare at me at muling nahulog ang malaking butil ng luha sa kanyang mata.
Umiling ito. "Ayokong nasasaktan ka mom, I love you po." She hugged me so tight. "I'm sorry mom, I'm sorry..."

We stayed in hug for a while before we pulled each other.

"Does it mean your giving her a chance?"
I asked.

"If I give her a chance, aalis kana ba?"
She sob again and it melted my heart.
"I don't wanna lose you mom."

Pinahid ko ang tumulong luha sa aking mata at tinatagan ang loob.
"Kahit naman wala na ako sa bahay niyo...Im just a call away. Just asked your dad. Hindi ako mawawala anak, andito lang ako yung nga lang ay sa ibang bahay na ako." Nahihirapan kong sabi dito.

"You stay mom, kahit ilang araw lang. Masakit dito." Tinuro niya ang kanyang puso. Alam kong nahihirapan na ito at nasasaktan ako doon kaya kailangan ko ang mga tamang salita na hindi masyadong nakakasakit sa kanya.

Tumango ako upang mapatahan ito. Hindi naman siguro ipagkakait ni Rick ang ilang araw na pananatili ko sa kanila.

Bumalik kami sa silid ni Rick at nakasalubong namin sa pinto ang doctor. Ngumiti lang ito at tumuloy na.

Naabutan namin na nagliligpit na si Nana Lorna ng mga gamit ni Rick.
Makakalabas naba si Rick? Kakaopera lang niya kagabi.

"Bakit nagliligpit si Nana Lorna?"
Tanong ko Kay Rick na natigilan sa pagpapalit ng damit, wala doon si Madeline nasaan kaya ito.

"I'm going home..." He answered.

"Pero kakaopera mo lang," nag alala kong sabi.

"Mom, dad is strong." Sumabat naman si Chiky na ngayon ay nakangiti na.

"That's my girl." Ginulo ni Rick ang buhok nito na nakapit na pala sa ama.

Kinakabahan parin ako sa gusto nitong mangyari.

"Naku iha, wag kang mag alala ganyan talaga yan. Yung doctor na nakasalubong mo? Kaibigan niya iyun at hinahayaan lang siyang magpaggaling sa bahay." Sabi ni Nana Lorna.

"Magkakasakit ako lalo dito, Julianne."
Sabi nito na tapos ng magbihis.

Everything is pack and we'll go home.

"Wait, where is Madeline?"
I asked.

"Nasa CIDG susunduin natin siya, may mga katanungan pa kasi sa kanya patungkol sa mga negosyo ni Gamulo. Nakapangalan kasi sa kanya."

Naiintriga talaga ako sa babaeng yun. Bakit hindi galit si Rick dito? Ipinagpalit sila sa isang drug lord ngunit parang wala lang ito Kay Rick, masaya pa niya itong ipinakilala. Ganoon ba niya ito kamahal? Na kahit anong pagkakamali nito ay handa siyang magpatawad?

My heart pound. Ang swerte ni Madeline,walang effort niyang napaibig si Rick.

I insist to drive, hindi pwede Rick sariwa pa ang mga sugat nito. Ang ford niya ang gamit namin, babalikan ko nalang ang kotse ko. Siya sa shutgun seat at nasa likod naman si Chiky at Nana Lorna.

"Kumusta ang pag uusap niyo?"
Tanong nito sa akin na alam ko na agad kung ano ang ibig nitong sabihin.

"Oo," I simply answered.

"Ano sabi niya?"

"She wants me stay for a couple of days habang i-aadjust niya ang pakikitungo nya sa mommy niya. Okay lang ba yun sayo?" Sabi ko ng hindi inalis ang tingin sa daan.

"Wala namang nagpapaalis sayo, Julianne. You can stay as long as you want." He said.

Okay lang ba siya? iinggitin ba niya ako?
How dare you! Wala ka talagang ibang ginawa kundi ang saktan oko Rick.

"Mas kailangan niyo ng panahon Rick bago ka ulit maging busy sa trabaho. Wag kang mag alala, tutulungan ko na magkalapit su Madeline at Chiky... Of course with your help also." Hindi pa rin ako lumingon dito kahit saglit man lang.

Ginagap nito ang kamay ko sa manibela at dahil stop naman ay hindi ko na bawi, baka iisipin niyang umiiwas ako sa kanya.

"Marami akong gustong sabihin sayo ngunit gusto ko munang unahin si Chiky at Madeline." Sabi nito. Nakita kong naglalaro si Chiky sa kanyang tablet mula sa rearview mirror.

Naguguluhan ako sa turan niya, ano ba ang sasabihin niya?

I sigh, sige hihintayin ko yang sasabihin mo kahit pa ito ay ang pagpapaalis sa akin.

Sinundo namin si Madeline sa opisina nila Rick, hindi na ako sumama sa loob kahit pa pinipilit ako ni Chiky. Paano ito masasanay kung palage niya akong kasama? Aalalay lang ako, ayaw ko rin namang inggitin si Madeline sa closeness namin ni Chiky, masakit yun.

"Basta wag kang hard sa mommy mo ha? Give her a chance,okay?" Hinalikan ko ito sa noo bago siya tumango.

Rick held her hand at pumasok na.

Sasanayin ko din ang sarili kong wala na sila.












❤5.13.2017

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon