kabanata 17

43.4K 1.2K 6
                                    


Nakatulog na si Chiky sa byahe pauwi galing party. Kaya naman kakargahin ko nalang ito paakyat sa unit nila,babalikan ko nalang bukas yung mga prizes na nakuha niya sa games kanina at ang souvenirs namin.

When I'm about to carry Chiky ay may humarang na kamay.

"Ako na Julianne, alam kong pagod ka."
Aniya.

Hinayaan ko ito na kargahin ang anak at napansin kong naka white t-shirt at pajama na ito.

"Kanina ka pa?" I asked.

"Mga thirty minutes, hinintay ko talaga kayo kasi hindi makontak ang cellphone mo susunduin ko sana kayo e baka mag iwas lang tayo." Sabi nito nang makapasok kami sa elevator.

Naku nakalimutan ko na naman e charge yung cellphone ko. "Lowbat yata, kahapon pa kasi yun 15% ang batt e."
Yumuko ako nang mapahiya.

He chuckled. "Nasabi nga ni Amber sa akin na hindi ka raw fan sa cellphone,kaya naintindihan ko. Pero sana next time kapag kasama mo si Chiky ay magtira ka ng battery sa phone mo, in case of emergency."

Oo nga naman,ang tanga ko lang kasi.
"Di bali, e che-check ko na lage yun. Tama ka, in case of emergency." Paulit ulit Lian? Ganyan ba talaga ang epekto niya sayo?

Jusko,ito na naman ang kalabog sa aking puso. Masasanay na ba ako nito? Hanggat kasama ko si Rick hindi magiging normal ang heartbeat ko, kailangan ibaling ito sa iba. Hindi pwede si Rick, masisira ko ang pilit na binubuo niya na pamilya nila ni Chiky, hinahanap nga niya ang nanay nito diba.

Si Topher!!

Pero handa na ba ako sa relasyon? Hindi ko maiwasan isipin na ang dumi ng tingin ko sa sarili ko. I gave myself to someone na hindi ko lubusan kilala at ngayon ano ang maibibigay ko sa taong pwedeng kong mahalin in the far future. Hayyy... Far future talaga?

Oo, ano nalang ang sasabihin ng magiging hubby ko kong sakali na kung kani kanino ako nagpapagalaw? Naku wag nalang kaya, hayaan na maging matandang dalaga.

"Hey!..." Pukaw sa akin ni Rick. Bukas na pala ang elevator at nasa labas na ito samantalang nakatayo parin ako sa loob.

Nagmadali akong lumabas nang papasara na ang pinto ng elevator.

"Pagod ka siguro...ako na ang bahala Kay Chiky, magpahinga kana." Sabi niya.

I open the door for him.

"Sigurado kang ikaw na ang bahala sa kanya?" Tukoy ko Kay Chiky, pagod na rin kasi ako at ang bigat ng gown ko.

"Yeah,don't worry...ahm.. You look gorgeous." Nakangiti niya akong tinalikuran at pumasok sa silid ng anak.

Hindi ko namalayan na hindi pala ako humihinga ng ilang sandali. Para akong malulunod sa bilis ng pintig ng aking puso sa sandaling makabawi.

I'm really fallen again. Damn it!

Nagmadali akong pumasok sa aking silid at nag bihis. Hindi mailap sa akin ang antok dahil sa pagod kaya mabilis akong nakatulog.

Kinabukasan ay sa tagaytay naman ang celebration ng birthday ni Thea kaya ay naghanda na naman kami ni Chiky. Rick is going with us kasi linggo naman. Nagdalawang isip pa itong sumama kasi hindi naman daw siya imbitado pero kinumbinsi ito ni Chiky at pumayag naman.

Parang bakasyon lang, summer vacation dahil sa init ng araw pero hindi naman summer dahil may pasok pa.

Nagconvoy ang ford ranger ni Rick sa van nina Amber at Toni. Sina Osang at Jared ay sumabay kina Amber. At ang bongga dahil may mga bodyguards, ang bongga talaga ng mga kaibigan importante masyado.

"Good thing you come dude." Rinig kong sabi ni Dwight Kay Rick na makarating kami sa tagaytay. Napakamot naman ng batok si Rick.

"Ang kulit kasi ni Chiky, hindi ko matanggihan. Alam mo naman na bumabawi ako sa kanya ngayon."
Saad ni Rick.

"Dapat lang, kahit gaano ako ka busy sa trabaho I have always time for my kids and Amber. Who knows it'll be our last." Dwight replied.

Tumango lang ito at parang naging siryuso bigla.

Iniwan na naming mga babae ang mga lalaki para makaligo na sa Beach.

Private beach resort ito ng mga Arizona.

I assist Chiky sa paglangoy langoy nito sa dagat. Ang mga anak din ng kaibigan ko nag eenjoy din. Gumawa kami ng mga sand castle at inilibing namin ang aming mga paa.

We took our lunch together at my blow the candles para Kay Thea. May mga gift again at kunting mga kulitan mula sa pamilya. Si Tina ay nag dala ng mga friends kaya ay dumami kami, pati na din si Topher ay dinala ang ka banda kaya ang saya namin.

Around afternoon ay nakatulog ang mga bata kaya real talk muna ang mga matatanda. Nahati naman kami sa dalawang grupo, ang mga babae at lalake. Syempre trabaho at negosyo ang mga topic nila at ang ibang guys staff na sila lang ang nagkakaintindihan. Kami namang mga babae ay may sarili din topic.

Nang magising ang mga chikiting ay ang mga lalake naman ang nakipaglaro dito sa dagat. Ang ganda nilang tingnan, mga responsible dad. I took lots of pictures nina Chiky at Rick,ang saya nilang mag ama. I'm sure Chiky is so happy too.

Si Rick din ang nag asikaso sa kanya noong hapunan na at ito din ang nagpatulog.

May kunting party para sa amin at inuman kaya hindi namin pinalampas iyun. I still wear a bikini at pinatungan lang ito ng see through. Ganoon din ang mga kaibigan ko, we all have figures na hindi dapat tinatago.

Tumugtug ang banda nina Topher at nag inuman naman kami. Si Rick ay kanina ko pa napapansin na ang talim ng tingin nito sa akin. Ano ba ang ginawa ko.

"May I have this chance to dance with the beautiful lady over there, wearing a blue bikini..... Lian!" Sabi ni Topher habang papalapit ito sa akin.

Namula naman ako ng inilahad niya ang kanyang kamay. Wearing a sando and a trunks, o my ang gwapo niya.

My friends cheer at us kaya naman ay pinaunlakan ko.

"Hindi ito sweet music, actually this is for everybody... Guys! Crack it." Anunsyo ni Topher, hindi naman kasi bagay sa mga itsura namin.

Pumailanlang ang Shape of you at lalo uminit ang mukha ko sa kantyaw ng mga kaibigan ko.

Topher guide me to dance kaya sumabay narin ako, parang sayaw lang din sa mga club na minsan naming pinupuntahan dati. Natanggal ang hiya ko ng sumabay na ang iba sa amin at dahil nakainom ako ayun ang lakas ng loob ko upang rumampa lalo. I shake it off, HAHAHA.

But then when my eyes caught Rick's, kinabahan ako sa talim at lamig ng kanyang tingin.

"I'm in love with the shape of you!!!"
Sabay sabay naming hiyaw sa huli nitong tugtug.








❤4.28.17

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon