Gumawa ako ng mga sketches ng damit ng gabing iyun at inabot ako ng madaling araw,hindi ko namalayan ang oras hanggang sa mesa na ako nakatulog. Kinabukasan ay inumaga ako ng gising kaya late ako sa trabaho.Ang daming kailangan asikasuhin kasi may mga bagong accounts at payroll pa.
Hindi ko nagawa ang mga damit sa araw na iyun kaya noong sumunod na araw ay kahit ginabi ako sa building namin ay pilit kong tinapos ang isang disenyo ko.Dark blue dress, si Chiky ang nasa isip ko ng ginawa ko ang damit na ito. Na mimiss ko na talaga ang batang yun.
I heave a deep sigh.
Around 9pm na ako natapos, at nililigpit ko na ang mga gamit ko pati ang damit dadalhin ko muna ito sa bahay. Naisipnkong ibigay ito Kay Chiky pag nakita kami,ito ang una kong nagawa simula noong huminto ako sa pagtatahi kaya ibibigay ko ito sa kanya dahil sya ang insperasyon ko nito.
Then the phone ring. Si manong guard siguro, baka itatanong nya kung anong oras ako uuwi.
"Hello, Lian speaking."
"Ma'am Lian, may naghahanap po sa inyo."
Nangunot bigla ang noo ko, sino naman mahahanap sa akin? At sa ganitong oras pa.
"Baba na po ako manong!"
"Sige po ma'am." Binaba ko na ang telephone at sinabit ang bag sa braso,bibig ko din ang paper bag na nandoon ang damit na gawa ko.
I off the office's light at sumakay na ng elevator. Palaisipan parin sa akin kung sino ang taong naghahanap sa akin.
Kumulo na rin ang tyan ko,hindi pa pala ako kumain. Ang malas naman oh gutom na ako.Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa ground floor na ako ay nahulog naman yung susi ko sa bahay nang bumukas na ang elevator. Pinulot ko ito ngunit may itim na sapatos akong nakita malapit sa pintuan ng elevator kaya agad ko itong tiningala.
"Miss Salvation."
Rick?
Mabilisan kong kinuha ang ang susi at umayos ng tayo. Anong ginagawa nya dito? Bigla kumalabog ang dibdib ko.
"Ahm...anong ginagawa mo- dito R- ...Mr. Martinez." I still manage to say kahit para akong tinatakasan ng aking puso. Ano ba?
"I need your help." Siryuso nyang sabi.
He guide to the lobby, oo nga pala nasa elevator ako.
Umayos uli ako at pilit pinakalma ang sarili.
"What help Mr.Martinez?"
Pinatigas ko ang boses ko.Hindi kami umupo, we're just standing opposite.
"Si Chiky..."
Bigla ako kinabahan dahil nakita ko ang pag alala sa mukha nya. May nangyari ba Kay Chiky.
"Anong nangyari sa kanya?" Medyo may taas ang boses ko sa kabang nadama ko.
"Nasa ospital sya ngayon." Mahina nyang sabi.
"Ano?" Tumaas na talaga ang boses ko at nanlaki ang mga mata.
"Ayaw nyang kumain, hinahanap ka nya. She's suffering dehydration." Natatakot nitong sabi.
Diyos ko, kawawa naman ang bata.
"Pwede ko ba syang makita?"
Pakiusap ko. Nag alala na talaga ako."That's why I came here. Kanina pa ako naghihintay doon sa condo building mo kaso ang tagal mo kaya tinanong ko na Kay Amber kung saan ka nagtatrabaho sa pagbabakasakaling nag OT ka and thanks God nandito ka nga, hindi ka kasi makuntak ni Amber hingin ko sana ang number mo sa kanya." Mahaba nyang paliwanag.
Lowbat na naman siguro ako.
Nahiya naman ako sa paghihintay nya, pero bakit?
"I'll take you to her."
Hindi na ako nagsalita at sumunod nalang ako sa kanya,nang lumagpas ako Kay manong guard ay kakaiba ang kanyang ngiti inakala siguro nyang manliligaw ko ito. Umiling iling nalang ako.
Sumakay kami sa Ranger nya,sakto wala pa akong sasakyan pinatalyer ko ito kahapon tinawagan ko yung kapatid ko at pinapuntahan ang sasakyan doon sa pinag iwanan ko.
Hindi nya ako pinagbuksan ng pintuan, how gentleman Mr.Martinez.
Sa aming byahe papuntang ospital ay hindi ko maiwasang itanong kung bakit ayaw kumain ni Chiky.
"Bakit ayaw nyang kumain?"
Sumulyap ito bahagya sa akin at umiling.Parang alam ko na ang dahilan pero bakit naman iyun gagawin ni Chiky?
Kailangan na ba nya ng professional help?Hindi naman kalayuan ang ospital kaya nakarating kami agad. Nagmamadali akong magtanggal ng seatbelt pero hindi ito matanggal,ano ba ito?
Nakalabas na si Rick ng sasakyan kaya
sinubukan ko uli pero ayaw talaga matanggal.Ahhh!!!
Biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko kaya napaigtad ako sa gulat.
"What took you so long?" Tanong nito.
I bit my lips,tanga lang. Seatbelt na nga ayaw pang matanggal.
"Ahm...ayaw matanggal e." Tukoy ko sa seatbelt. Napatingin naman sya dito at may pinindot sa dulo ng seatbelt at bumukas ito.Shit! Yun lang pala.
Namula naman ako,baka isipin nito pabebe ako kainis.
Nagmadali akong lumabas ng sasakyan at sumunod dito dahil hindi talaga ito gentleman, bad boy nga ito for the record. Siya na nga nanghingi ng pabor iniiwan pa ako.hmmmp.
Ramdam ko ang paghurmintado ng tyan ko,gutom na talaga ako. Nanunubig na yung bibig ko sa gutom at uhaw. Naku mga alaga kong bulati malilipasan pa yata kayo ngayon.
Habang nasa elevator kami ay walang kibuan, hindi parin talaga ito nagbago walang pakialam sa ibang tao.
When we reach the right floor ay giniya na nya ako,pinauna nya ako. Sa wakas naisip nya rin na kasama nya ako.
Nang nasa harap na kami ng isang pintuan ay naririnig ko ang sigaw sa loob kaya napatingin ako sa kanya at malungkot itong tumango sa akin kaya walang sabi sabi kong binuksan ang pinto at nakita ko si Chiky na umiiyak at nagwawala kasama ang isang nurse at may edad na babae, pilit nila itong pinapakain.
"Baby!" Nag alala kong sabi dito.
Nang bumaling ito sa akin ay naawa ako sa itsura nya. Maputla at mahina ito kahit nagwawala ay maawa ka sa luhang tumutulo sa kanya ng mga pisngi.
"Mommy!!" Sigaw nito sa akin kaya agad ko itong tinakbu at niyakap ng pagkahigpit.
"Mommy your here!" Umiiyak parin nyang sabi.
"Yes baby I'm here...stop crying,okay?"
Pagpapakalma ko sa kanya at hinahaplos ang kanyang likuran."I'm miss you mom, so much...." Hikbi nito.
"He's still not telling me" umiingos na ito.
I knew it.
❤pem
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...