Rick's POVHindi ko alam kung ano ang uunahin ko, nataranta ako. Excited ako na kinakabahan.
Ano ang kaya ang sasabihin ko, paniguradong magugulat ito na kasama ako sa pagsundo sa kanila. Would she mind?
Ano ang sasabihin ko?
Hi?
Hello? How are you?
Mali, ang baduy, parang bata...
Nagpabalikbalik ako sa paglalakad sa loob ng silid ni Julianne. Ano na ang itsura nito?
Sira! Limang buwan lang kayo hindi nagkita. Saway ng aking isipan.
Ahhh! Ano ba itong nangyayari sa akin.
Umiling iling ako upang iwaksi ang pinag iisip. Nagluto ako ng almusal at naligo Pagkatapos kumain.Nireplyan ko si Amber na sasama ako sa pagsundo dito. Kinakabahan ako, paano kung may ibang buhay na ito? America yun, ang daming opportunities at syempre mga bagong tao na posibling magugustuhan niya.
Nanlumo ako sa isiping iyun.Paano kung iba na ang gusto niya? Ahhh! Nakakastress naman o.
I went to a barber shop, nagpagupit ako dahil limang buwan narin itong buhok ko mahaba na. Pinatanggal ko din ang balbas kong kumapal na din, tinutukso na nga ako ni Chiky na Santa Claus kasi may kahabaan na rin ito. Wala kasi akong ganang mag ayus sa sarili ko dahil mag isa lang ako, nakakalungkot kaya sa bahay at trabaho lang ang ginagawa ko.
Lumiban ako sa trabaho at bumili ng mga damit. Hindi ko alam pero gusto kong maayos ang itsura ko pag nagkita kami uli. Hindi na ako makapaghintay,gusto ko na ngang hilain ang oras. Ang sabi ni Amber ay 5pm pa ang arrival nila. Ang layo pa ng oras dahil tanghali pa.
Kaya naman ay inaliw ko ang sarili ko sa pag aayos ng bahay, nag mukha na kasi itong bodega at dump site. Nagkalat ang mga bote ng beer, mga madudumi kong uniform at kung ano ano pang mga kalat. Nag pa laundry ako, at nag pa room service ng hindi ako makuntento sa paglilinis ko.
Nag grocery din ako dahil wala na talagang laman ang kusina ko.
Humigop ako ng hangin at ibinuga ng marahan Pagkatapos maglinis ng room boy, maaliwalas na ang buong kabahayan at masigla na rin itong tingnan ng pinapalitan ko ang mga kurtina ng kulay cool mint green kahit blue naman yung paborito namin ni Chiky. Wala lang, for a change.
Alas tres palang ay naghanda na ko. Inilabas ko ang box na naglalaman ng stiletto at cellphone niya dati, dito ko uumpisahan ang pagpapaliwanag ko sa kanya tungkol sa nakaraan.
Iniwan ko ito sa center table sa salas bago umalis, alas kwatro pa lang ay pumunta na akong NAIA.
From: Mrs.Arizona
Ang aga mo naman, maya maya pa kami.
Mensahi nito sa akin, pinaalam ko kasi sa kanya na nandito na ako sa airport. Buti maaga kesa mahuli
Habang papalapit ang oras ay hindi ako mapakali, kinakabahan ako para na nga ako magkaka LBM nito.Bawat eroplanong dumadating ay mas lalo akong kinakabahan, bakit ba? Ano bang meron? Pinagtitinginan na ako ng ibang taong nandoon dahil hindi ako mapirmi. Nahiya naman ako kaya umupo nalang ako at naglagay ng earphones sa aking tenga at nakinig ng music.
Maybe this time
by Sarah GeronimoNananadya yata itong estasyon na ito, pero sige pakikinggan ko parin.
Naisip ko, paano kong naging kaibigan nga kami dati? Ano na kaya kami ngayon? Hindi siguro mangyayari ang paghihirap niya dahil sa akin. Hindi sana nawala yung baby namin. Nalungkot akong nalaman yun, nagiguilty at nagagalit ako sa aking sarili. Kaya pala minsan ko siyang nakita na nagsisindi ng kandila sa krus ng mga unborn child noong minsan kaming nagsimba.
I startled when someone tap my shoulder, at ng tingalain ko ay si Dwight pala kaya tumayo ako at tinanggal ang earphones sa aking tenga.
We shake hands. Nandoon din ang mga kaibigan ni Julianne. I nod to them pero kakaibang ngiti ang sumilay sa kanilang mga labi, kinakanchawan yata ako ng mga ito dahil ang aga ko.
"Hi sir." Panunudyo sa akin ni Toni, ano ba ang meron?
I smiled awkwardly.
Nahihiya tuloy ako sa kanila, mga kaibigan niya ito e ako? Ni hindi ko nga dala si Chiky para sana may excuse ako, pambihira."Naku, may medics ba dito? Parang may sasakluluhin mamaya..." Narinig kong sabi ni Amber na nagpipigil ng ngiti.
"Meron sissy, wag kang mag alala marunong naman ng CPR si Lian kung sakaling mahimatay." Sagot ni Toni.
"Magandang palabas ito, kailangan ko ng popcorn... Hon, pwede pabili ng popcorn?" Paglalambing naman ni Amber Kay Dwight.
Ano ba ang meron sa mga pinagsasabi nila? Wala talaga akong maintindihan.
"Hon, hindi ito movie House. Walang popcorn dito." Natatawa namang sagot ni Dwight.
Nakaupo narin ang mga ito sa mga katabi kong upuan kaya umupo nalang ulit ako.
"Wag ka mga sis, ayos na ayos si Cardo. Pinaghandaan talaga e ano?" Sabi ni Osang.
Napahigit ako sa aking hininga, ako nga ang pinag uusapan nila.
Awkward.
Hindi nagtagal ay may lumapag na ang eroplanong posibling sakay si Julianne at ang mga magulang niya.
Hindi na naman ako mapalagay, bumalik na naman yung kaba ko.
Nagsitayuan na ang mga kaibigan ni Julianne kaya tumayo na rin ako. Sumunod ako sa kanila. Walang dalang mga bata ang mga kaibigan niya kung kaya ay hindi sila nahirapang makipagsiksikan sa ibang sumalubong din.
Na excite akong may nakitang mga lumalabas na tao sa arrivals hallway. Bawat taong lumalabas ay sinusuri kong mabuti kung si Julianne ba o hindi.
The horse inside my chest race when I saw her mother beside her father at tulaktulak ang mga bagahe.
"Nay Diday!" Impit na sigaw Nina Toni at Amber, malapad na ngiti naman ang iginawad ni Osang. Ang mga asawa naman nito ay nakatayo lang sa kanikanilang likuran.
Napangiti akong mabuti na ang nanay nito, makikita mo sa mga ngiti nila na ayus lang ang pag uwi nila.
I'm waiting for her to come out,but to my surprise ay si Topher ang nakita ko na may inalalayang babae, hindi ko makilala ang babae dahil nakabalot ang ulo nito ng sarong at may malaking sunnies. And the woman is pregnant, I think. Naka floral flow dress ito at flats. Pero hindi maalis ang paningin ko sa kanya, my heart beat so fast that it's hard for me to breath.
"Sissy!!!"
Sabay sabay nilang sigaw ng makalapit na sina Topher at ang babae.
Sissy?
The lady's head turn to me, kung hindi lang ito naka shades malamang nagkatinginan kami.
"Rick?"
Yumanig sa akin ang boses niya ng makilala ko.
"Julianne?"
I said in horror. Tinanggal naman nito ang kanyang sunnies at doon ko napatunayan na siya nga.
Ngunit buntis ito kaya nagpalipatlipat ang tingin ko sa kanila ni Topher na ngayon ay nakatingin lang din sa amin.
Bigla naman akong natakot sa maaring sagot nito. Sumasakit na yung dibdib sa kaba at takot."Nagkasabay lang kami sa eroplano?"
Patanong na ni Topher sa amin. Nagkibit balikat ito ng makita ang reaksyon naming lahat.Awkward na tawanan ang narinig ko,
Ngunit ng mag sink in sa akin na buntis ito ay nanigas akong nakatingin sa tiyan niya. I want hold it but my hands were freeze.Halos mawalan ako ng balanse sa ideyang iyun.
❤5.24.2017
Myghad, nahihirapan akong isulat ang nararamdaman ni Rick.
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...