kabanata 8

49.7K 1.2K 12
                                    


Nakahiga ako ngayon sa aking mahal na Kama na kanina ko pa gustong yapusin! Hmmmm.nakakapagod ang araw na ito.

Inihatid ako ni Rick sa aming building pagkatapos niyang ilahad sa akin ang mga set up namin.

You will be moving at our place.

You will be doing the mother things to Chiky.

Lastly

Privacy to each other.

Privacy talaga ha,hindi parin ito nagbago katulad parin ito ng dati. Hindi nalang ako makikialam, bahala siya.

Madali lang naman e pero bakit kailangan ko pang lumipat sa kanila?

Syempre paano mo aalagaan si Chiky kung magkaiba kayo ng bahay?
Oo nga pala, ang bobo lang.

He allow me to work, of course di ko naman kailangan maging baby sitter ni Chiky may mga working moms nga diba?

Ano kaya kahihinatnan nito. Tama kaya na pumayag ako gusto niya? Nakalimutan na kaya niya yung nangyari noon? Siguro nga dahil nakaya na niya akong makita,ang huli kong alam ayaw ako makita bakit huli na ba ako sa mga babae niya? Patay!

Mukha naman siyang successful ngayon ah kaso hindi bilang ama. I'll work about it.

Gagawa ako ng paraan para mapalapit sila ng anak niya, hindi naman ako ang kailangan ni Chiky, ang pamilya niya panakip butas lang ako.

I heave a sigh before closing my eyes.

Bago pumasok sa trabaho ay dumaan muna ako sa hospital upang kumustahin si Chiky at noong dumating ako ay magana na itong kumain.

"Wow,may improvement na sa face mo oh. Hindi na maputla. Kaya magpalakas upang makauwi na tayo."sabi ko dito.

Napabaling ito sa akin.
" tayo po?" Tanong nito.

Bumaling ako Kay Rick na nagbalat ng apple sa kabilang side ng higaan ni Chiky. "Oo,tayo."

Nagliwanag ang mukha nitong bumaling sa ama." Yes baby, sa bahay na titira si Miss Salvation." Nakangiti nitong sabi sa anak.

"Yehey! Ang saya. Akala ko hindi totoo yung dream ko last night. Ang saya ko dad,thank you po." Nagtatalon ito sa kanyang higaan.

"Tama na baka dudugo yang kamay mong mga dextrose." Saway naman ni Rick at hinawakan ito upang pumirmi.

"I'm happy dad, ngayon kahit hindi ka madalas umuwi hindi na ako malungkot, kasi andito na si mommy."

Ay ganoon? Wala syang time sa anak niya? Naku Rick hindi tama yan.

"I'm happy that my princess is now smiling again. Kaya magpalakas kana ha." Saad niya na niyayakap ang anak.

"Malakas na po ako dad, kumain at umiinom na po ako." Pagmamalaki nito.
Napangiti naman ako sa sweetness niya sa anak, hindi ko akalain na may ganito syang side.

Matapos kung magapaalam Kay Chiky ay nagpaalam na rin ako Kay Rick at sa yaya ni Chiky na si aling Lorna.

"Ihahatid na Kita.'' He said.

Nabigla naman ako doon.
" hindi okay lang may mga taxi naman."

"I insist miss Salvation."

Ang pormal naman niya,nanay na nga ako ng anak niya Miss Salvation parin.
"Julianne o Lian, hindi mo ako kailangan tawagin sa family name ko. Hindi ako komportable."

Napakurap naman ito.
"Okay Julianne, ihahatid Kita tutal on the way naman yung opisina ng CIDG sa building niyo."

Hindi na ako kumintra upang hindi na kami matagalan, late na kasi ako at may kailangan pa akong asikasuhin. Pabor naman ito sa akin.

Wala kaming imikan sa byahe, privacy nga diba? Mapanis na ang kung anong mapanis basta privacy,tahimik Lian.

Nadatnan ko si Toni at Osang sa may showroom at may kinakausap na tao.
Si Amber ay minsan nalang pumapasok at nag a-update,may mga tauhan kasi ito dito. Kinarer niya kasi ang pagiging mommy sa anak niya.

Hinintay ko silang matapos at sumabay na sa kanila papuntang 3rd floor sa mga opisina namin.

"Guys I have something to tell you."
Habang na sa elevator kami.

"May boyfriend kana Lian?"
Excited na hayag ni Toni. Matagal na kasi niya akong tinutukso sa brother in law niya na si Topher.

"Hindi noh!"
Nalungkot ito sa sagot ko.

"E ano? Buntis ka? Kungsabagay ay nasa taming edad kana."
Untag ni Osang.

"Susmaryusep!! Ano ba kayo? Talagang pinagkanulo na ninyo ako noh?"
Sabay naman silang tumawa. Pinagkakaisahan talaga nila ako.

Nang makarating kami sa tamang palapag ay umupo muna kami sa sofa doon sa may receiving area.

"Oh sige, ano yun? You lost your virginity last night?" May tawang tanong ni Osang.

"Sumusubra kana ha!"
Nagtawanan uli silang dalawa. Nakakainis naman oh. Masaya yata sila ngayon ah.

"Remember Chiky?"
Pagsisimula ko.

"Yung batang sumakay sa kotse mo?"
Si Toni.

"Oo, he's father offer mi a job."

"Bakit? Hindi kaba kuntento sa Kita natin dito?" Si Osang.

"Of course not!" Agap ko.

"Anong trabaho naman?"
Si Toni.

"As Chiky's mom."

At hindi na sila nakapag salita.

"O ano? Wala kayung sasabihin?"
Reklamo ko.

Lumunok naman si Toni.
"Totoo?"

"Yeah."

"So instant wife Karin? Naku Lian mabibiyagan kana." Pagbibiro naman ni Osang.

"Wag ka nga!! Siryuso ako."

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan,mukha kang desperada. Maganda ka sissy,wag ganyan."
Si Osang yun.

"Hindi nga ako nagbibiro! Siryuso."
Natahimik uli sila.

"I'll be chiky's mom from now on, kailangan niya lang kasi ng figure mom at hindi yun maibigay ng tatay niya. Since magaan ang loob niya sa akin at tinatawag niya akong mom kinuhang pagkakataon ito ng daddy niya upang punan ang pagkukulang sa anak."

Inexplain ko pa sa kanila ng mas malinaw upang maintindihan nila. Kaya tumagal kami doon.

"So,okay lang yun sayo?" Si Toni.

"Gusto kong makatulong sa bata."
I said.

"Paano kung dumating na yung nanay?"
Sabi ni Osang na may pag alala.

"E di,end of contract." Sagot ko.

" talaga lang ha."
May pagdududa sa boses ni Toni.

"E paano ang tatay?"

"Anong meron sa tatay?"
Nangunot ang noo ko.

"Diba gwapo yun? Hindi ka kaya mainlove doon?"

Pak! Sapol. Sana lang hindi na bumalik yung feelings ko sa kanya.

"Hindi naman siguro."
Mahina kung sabi.

Sabah silang tumayo at bahagyang tinapik ang aking balikat.

"Good luck sissy."
Sabi nila bago pumasok sa kanilang mga opisina.

Hindi pwedeng mahulog uli ako, ayoko ng pagdaanan uli yung kalukuhan ko dati.

Solution: boy hunting.










❤pem
Off to Guadalupe.

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon