kabanata 2

51.7K 1.3K 16
                                    


Isang Inn ang pinasukan namin.
"OK na ba kayo dito?"
Anang lalaki.

Tumango ako at kinuha sa balikat nya ang bata. "Thank you so much."

"Walang anuman, alis na ako." At lumabas muli ang lalaki at nawala, good Samaritan.

Lumapit ako sa reception.
"Isang silid nga."
Sabi ko sa kanya.

"Overnight po ba ma'am? O 24 hours?"
Magalang nyang sabi.

"Overnight nalang siguro, hanggang kailan kaya ang ulan? May bagyo ba?"

"Low pressure lang po ma'am... Paki fill up lang po." Ibinaba ko muna si Chiky upang makapag fill up, tahimik lang naman ito.

Pagkatapos ko sa reception ay bumili muna ako ng makakain sa canteen nila.

Nang magtungo na kami sa room namin ay napansin kong nanginig si Chiky,medyo nabasa pala ito.

"OK kalang ba Chiky?" Yumuko ako upang pumantay sa mukha nya.

"I'm freezing cold."
Sagot nya sa nginig nitong tinig.

"We'll change when we get there, may damit pambata naman dito kaso panlalaki."

Tumango naman ito.
Nanghuminto na ang elevator ay dali dali ko itong pinapasuk sa silid. Agad kong binitawan ang bag na dala ko at hinubaran si Chiky, dinala ko ito sa banyo at binanlawan. Pagkatapos ay tinuyo ko na sya at binihisan ng damit na nabili ko kanina.may hitter sa silid kaya nagpakulo ako ng tubig,nakabili naman ako ng miniral water,sachet na gatas at biscuit. Pinainom ko muna para mainitan naman ng kunti ang tyan nya upang maibsan ang lamig na kanyang nadama. Pagkatapos ay pinahiga ko ito sa Kama upang makapag pahinga.

Agad naman nakatulog ang bata. Naglinis din ako ng sarili bago tinabihan si Chiky sa Kama,maaga pa naman para sa hapunan its still 4pm pero ang dilim na sa labas.

I brush Chiky's hair with my fingers and stared at her face. She has soft features, matangos ang kanyang ilong at pink ang kanyang mga labi.

Mitchica Martinez

I remember my schoolmate Enrique Martinez way back college, he's a Criminology student and a bad boy.

A bad boy that captured my young heart.
Gwapo,matikas at basagulero. Ang ganda ng mga mata nya parang nagkikislapan lage.

Palagi itong sangkot sa mga gulo pero kailan man ay hindi ako na discouraged sa kanya. Palagi akong nakamasid sa kanya, hindi ko alam pero para syang subject na hindi dapat e miss. I know that I'm a stalker, alam ko ang schedule nya kahit ahead sya sa amin. Natawa nalang ako,ganoon pala ako ka in love sa kanya dati.

Saan na kaya sya ngayon? For sure police na ito. Galit pa kaya sya sa akin? Paano kung magkita kami uli,kilala pa kaya nya ako?

How are you related to the Martinez I knew baby girl.

May kunting damdamin ang nadama ko sa mga sandali na ito. Mahal ko pa kaya sya? Sana hindi na kasi ang sakit ng huli nyang binitawang salita sa akin.

"Ikaw ang kahuli hulihang babae na gusto kong makita."

Para akong mamatay sa sakit noon, ilang buwan ko iyung pinagluluksaan ng mag isa,kasi lumabag ako sa rule naming magkakaibigan e 'bawal ipilit ang sarili sa iba.'

Bakit kahit hindi naman naging kayo pero kailangan mong mag move on?

Nakatulugan ko ang pag-iisip noon naalimpungatan lang ako ng parang may humahaplos sa aking pisnge.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay si Chiky pala. "Hi" bati ko.

She smiled sweetly. "Can I call you mommy?"
Nabigla naman ako sa sinabi nya.

"Bakit?nasaan ba ang mommy mo?"

Nagkibit balikat ito "ever since, its just me and Dad, if I asked Dad about mom he won't tell." Malungkot nitong sabi na halos maluha na. Kawawa naman sya,ang bata pa nya para problemahin ang mga iyan.

"Bakit ka ba naglayas?" Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard at pinaupo ito sa hita ko.

"I don't need a nanny, I need a mommy and dad is busy to find me a mommy."

Natawa ako sa reason nya.
"Hindi naman kasi madali maghanap ng mommy, kung sino yung nagluwal sayo sya yung mommy mo." Sabi ko.

"Wala naman kasing sinasabi si dad about Kay mommy ko, kahit pangalan nya hindi ko alam."

Ano bang klasing magulang ang meron ang batang ito. Ang mommy nya na pinabayaan lang sya at ang daddy naman nya dinamay ang alaala ng mommy nitong bata,hayy naku. Nahihirapan tuloy akong analisahin si Chiky, ramdam ko kasi ang hirap ng kanyang kalooban sa murang edad.

"Sige, dahil ako ang kasama mo ngayon you can call me mommy pero kapag naka balik kana sa daddy mo hindi na pwede ha." Gusto kong pawiin kahit sandali ang paghihirap ng bata kahit sa ganitong paraan man lang.

"Yes!!!thanks mommy." at niyakap nya ako ng pagkahigpit. Ramdam ko talaga ang pangungulila nya. Balang araw kung magkakaanak man ako ay hinding hindi ko ito iiwan.

Yumakap ako pabalik, she's so sweet ang swerte sana ng mga magulang nya sa kanya pero mga tanga.

"Wait! I don't know your name yet,mommy." Bumitaw ito sa pagkayakap.

Tumawa naman ako ng mahina.
"I'm Julianne Salvation, Lian for short."
At kinurot bahagya ang ilong nya.

"Mommy Lian.... I love you mom."
Yumakap ito uli. Ang sarap sa pakiramdam, may instant baby girl ako hihi.

"Sandali, gutom kana ba? Its dinner na"

"Upo mommy."

"Halika baba tayo baka may makakain sa baba, medyo humupa na naman ang ulan e hahanap tayo ng kainan."

Inayos ko ang magulo nyang buhok at sakin din saka kami bumaba. Wallet lang ang dala ko.

Nang makababa na kami ay walang pagkaing panghapunan sa canteen nila puro instant at chichirya. Kaya nagtanong ako ng may pinakamalapit na kainan. Meron daw Grill malapit lang sa Inn kaya nanghiram ako ng payong at sumuong kami sa ambon. Nakita naman namin yun sa di kalayuan.

"Kumakain kaba ng inihaw?"
Patay baka masira ang tyan nito.

"Never pa po mommy." Sagot nito.

Nagtanong ako kung meron ba silang hindi inihaw at laking pasalamat ko ng may bulalo.

Kumain naman ito, first time nya daw makakain ng ganoong pagkain at nasarapan ito. Natuwa naman ako sa reaksyon nya. Ang gana nyang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa Inn at nanood ng TV.

Nagkwentuhan din kami ng kung ano anong mga movie na napanood nya na alam ko, ang tagal nyang makatulog sinulit nya talaga ang panahon na may mommy sya.

At ako naman ay ginagantihan ko iyun sa abot ng aking makakaya.

Kinabukasan ay maghihiwalay din kami dahil ibabalik ko na sya sa daddy nya.
At kakausapin ko talagan yun para sa bata.







❤pem

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon