kabanata 27

41.4K 999 9
                                    


Rick's POV.

"Hindi niya ako naalala ng gabing yun!"
I said after I finished the third bottle of beer.

"So anong problema? Ayaw mo noon walang kaso?" Paulo smirked.

"Hindi mo ako naintindihan."
I looked at him with annoyance. Paano niya nasabi yun e siya pa nga ang tumulak sa akin upang hanapin si Julianne at kausapin ito pagkatapos niya akong takasan.

"Hindi talaga Kita maintindihan bro, matagal na yun at hindi ka niya na alala kaya okay lang yun wala siyang galit sayo kundi sa Bruce na yun."

Binuksan ko ang pang apat na bote ng beer at nilagok ng tuloy tuloy.

"Tsaka, halos isang buwan mo siyang inaabangan sa school dati e hindi mo naman matyempuhan." Patuloy nito. Uminom din ito ng beer.

"I got her pregnant... Damn!"

Napatingin ito sa akin at tinatantya kung Totoo ba ang sinasabi ko.

"Man! all this time, iniisip niya si Bruce ang kasama niya ng gabing yun!" I got furious about the idea. Siguro kung natuloy ang pagbubuntis niya iisipin niyang si Bruce ang ama nito.

Ibinato ko bote ng beer na wala ng laman sa sahig doon.

"So may anak na kayo? At hindi ikaw ang kinikilala nitong ama?" May pag alinlangan nitong tanong.

I look up to the dark skies hoping to find the answers there.

"Wala... Na aksidente siya noon dahilan upang makunan siya." Masakit kong sabi. May anak na ako Kay Julianne, hanggang ngayon ay hindi ko pa masyadong na absurd yun sa isip ko.

Lumapit ito sa akin at tinapik ang aking balikat. " that hurt man"

"Siguro kung naabutan ko siya dati sa school nila ay hindi mangyayari yun... Kaya lang naman hindi kami nagkatagpo ay sa likod ito ng school ito dumadaan para iwasan ang pagkikita nilang muli ni Bruce... Pambihira."

Inaabangan ko ito lagi sa school nila mula ng takasan niya ako sa bahay ngunit wala akong naabutan hanggang sa umabot ng buwan ang pag aabang ko sa kanya ay wala pa rin ito. Kaya ng maenroll muli ako sa ibang paaralan ay naging busy na ako. Naging working student ako upang maigapang ang aking pag aaral. Hindi kasi ako kayang suportahan ni nanay na may cancer din.

"So anong plano mo?" Paulo asked as he handed me the another bottle of beer.

Bumuntong hininga ako, sasamahan ko siya sa pagharap niya sa mga magulang niya pero bago yun ay aamin muna ako sa kanya. I'll make this mess right.

Hindi ako umuwi ng gabing iyun, doon ako nagpalipas kina Paulo.

"Problema mo Martinez?"
Tanong ng asawa ni Paulo na si Evelyn sa akin.

Umiling ako at tumawa ng bahagya.
Inihagis niya sa akin ang kumot at unan.
Kapag dito ako nakikitulog sa kanila ay sa salas ako natutulog, masyadong abala kung sa guestroom kahit pa mapilit silang dalawa.

Nang maiwan akong mag isa ay nag iisip ako kung paano ko sasabihin Kay Julianne ang lahat. Sigurado akong magagalit ito pero okay lang I deserve it. I'm an asshole for Pete sake.

Two years ago when I saw her in the hospital with Dwight's wife, sigurado akong siya yun. Gusto ko siyang lapitan at kausapin pero paano naman ako mag uumpisa? I'm sure magugulat siya kaya hindi ko na itinuloy.

Sa kasal ni Dwight at Amber ay siya ang pinakamaganda sa paningin ko, she is the maid of honor. And she is really gorgeous wearing that cool mint long gown. I never thought she's this beautiful, ganoon siguro ako ka busy sa pag iwas sa kanya dati upang hindi ko mapansin na ganito pala siya kaganda.

The next time I saw her was Dwight's kids christening. She is always blooming, smiling widely with those luscious lips but when she stare the babies  there's a sadness in her eyes.

Now I know why.

I always been distant every time Dwight invited me an occasions of their lives, Simula noong nahawakan ko ang kaso ng kanyang kapatid ay ginawa na niya akong asset at connection sa mga police.

And then the fate played us when Chiky accidentally ride on her car. I tried to ignore her when her eyes turn to me, I felt something inside me wanted to go near her but I stop myself. Okay na naman siya.

Chiky always wanted to have a mom, pero hindi ko naman alam saan ang nanay niya. Matagal ko na itong hinahanap ngunit na sa kamay ito ng isang malaking sindikato at matagal na rin namin itong tinutugis.

Nanggigil ako sa grupong yun, si Raul  Gamulo. Isa sa malalaking drug lord ng Luzon. At ang taong pumatay sa aking kasamahang naging matalik ko ring kaibigan.

Ginawa kong rason ang paghahangad ni Chiky ng mommy upang mapalapit Kay Julianne.

I never had a chance to know her before because I was busy hiding from her. Pero ngayon, hindi ko alam gusto ko siyang kilalanin. Ayoko ko ng nakatingin nalang sa malayo sa kanya, gusto kung ibalalik ang dati.

I don't know, pero gusto kong magpapansin sa kanya. Pati pa ang pakikipagtalo tungkol kay Chiky ay sinadya ko, mailap na kasi siya sa akin.

At ang malaman ang kanyang pinagdaanan dahil sa akin ay kinakain ako ng guilty.

My phone beep and it was Johnny my team.

Johnny:

May location na Kay Gamulo.

Napabangon ako at inayos ang aking damit, totoo o hindi ang location na binigay ng source magbabakasali ako upang makita na ni Chiky ang mommy niya.

I only leave a note before leaving Paulo's unit at dumiritso na akong opisina.











❤5.09.2017

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon