kabanata 21

46K 1.1K 12
                                    


"Mom,wake up!! The sun is up!!"
Pambubulahaw ni Chiky at panay ang katok nito.

"Okay! Babangon na baby!" Sagot ko dito na nakapikit pa din, antok pa rin kasi ako. Ang aga yatang gumising ng batang yun, ano bang meron.

"Good morning!"

Napamulat ako sa bumati sa akin. Oo nga pala at tabi kami natulog ni Rick, myghad paano kung makita kami ni Chiky.

Nakapikit din ito at nagyakapan pala kami kaya naman ay agad akong bumitaw at tumayo.

At ngayong ko lang din narealize na wala akong bra at ang nipis ng nighties na suot ko.

"Get dress Julianne! Your killing me!" Impit nitong sabi at nang tinggnan ko ay sapo na nito ang kanyang kaibigan. Namula agad ako sa sinabi niya at Nagmadali akong pumasok sa banyo.

Naghilamus muna ako upang mahimasmasan.

"Dad? Anong ginagawa mo sa kwarto ni mom?" Boses iyun ni Chiky.

Patay! naluko na.

"Ahm...nakitulog lang sweetie."
Sagot naman ni Rick.

Idinkit ko yung tenga ko sa likod ng pintuan ng banyo upang mas marinig ang paliwanag nito sa anak.

"What happen to your room?"
Takang tanong naman ng anak.

Naku, pagbutihan mo Rick matalino yang anak mo.

"Ah. Kasi...may ano... May ipis! At daga!....oo tama papalinis ko muna Kay Nana Lorna." Sagot naman ni Rick.

Naku waley!

Kakagatin kaya yun ni Chiky?

"Kahit ba malinis ang room may ipis at daga pa rin dad? Papalinis ko din yung room ko,baka may ipis din. Yucky!"
Maarting sagot nito sa ama.

"Yes, sweetie kaya halika na at ng makapag breakfast na tayo."

Nakarinig ako ng mga yabag palabas.

We had an awkward breakfast, or ako lang yata ang na o-awkward. Buti nalang at panay ang kwento ni Chiky tungkol doon sa tagaytay. Aliw na aliw naman dito si Nana Lorna.

Chiky saves the morning.

Nag convoy sa amin si Rick papuntang trabaho kasi on the way naman ang opisina nila.

As usual, I gave Chiky a set work. Nasanay na rin ito sa set up namin at kailanman ay hindi ito naging sturbo sa akin.

"Baby?" Tawag ko sa kanya ng matapos sa aking ginagawa.

"Yes mom?" She answered without throwing me a sight. She's busy writing her name on the paper.

"Pupunta tayong Laguna this weekend, doon sa province namin." I said.

Nanlaki ang mga mata nitong tumingin sa akin.

"Really?" She giggles.

"Yes,kaya good girl always ha."

"I will, I promise... Pwede sama si dad?"
She asked.

Napaisip ako. Sasama kaya ito sa amin kung saka sakali?

"Siguro kong hindi busy."
Sabi ko nalang.

"I'll asked him."

Bandang hapon ay napadaan si Jared sa opisina namin, ayun dito ay wala silang pasok sa hapon dahil nanganak ang teacher nila. Nagkasundo naman sila ni Chiky sa set work nito at tinulungan pa niya ito. Para lang silang magkapatid kung titingnan, ang bait ni Jared walang duda doon. I'm sure Osang is so proud of him, napalaki niya ito ng mabuti at syempre kasama kami doon.

"Tita Lian, pwede sumama sa Laguna?miss ko narin kasi si Josiah." Saad nito.

Ilang beses narin kasi itong nakapunta sa amin noon at natutuwa ito sa anak ng kapatid ko kasi pareho silang lalake. Natutuwa din sila nanay sa kanya.

"Oo naman, sabihin mo sa mama mo at nang hindi ma boring itong si Chiky sa byahe." Nakangiti kong sabi.

"Sige Tita, sasabihin ko Kay mama."
Magalang na sabi nito.

--

Ako ang nagluto ng hapunan kaya may gulay para masanay si Chiky, hindi narin ito picky eater mula ng sabihin ko sa kanya na nakakabobo ang palaging prito at ayaw niya itong mangyari.
Natutuwa ako sa sinabi ni Nana Lorna na malaki daw ang pinagbago nito mula noong makilala ako. Good influence pala ako sa kanya, nakakataba ng puso. Hindi lang sa nakatulong ako sa kanila kundi ay nag eenjoy din ako sa pagiging mommy nito.

Humabol si Rick sa hapunan at masaya na naman si Chiky. Masaya din ako at nag eefort na talaga si Rick sa kanyang anak. Siguro kung aalis man ako sa buhay nila ay hindi na ako kawalan.

That night, Rick sneak again into my room at hindi lang pagtulog ang ginawa nito binaliw na naman niya ako.

"Just can't get enough of you."
He said before passing out after three rounds.

So ano na kami ngayon? Wala naman siyang sinasabi but we both like what we do.

Sabi nga nila fb.

Fuck Buddies.

Parang piniga ang puso ko sa sakit. Hanggang kailan ako magpapakalunod sa panaginip na ito? Anytime pwedeng dumating ang mommy ni Chiky at ako? End of contract ganoon?

Parang kailangan ko yata ng tibay ng damdamin sa mga panahon na yan.

Gabi-gabi na si Rick sa kwarto ko at gabi gabi rin niya ako pinupuyat. Hinayaan ko nalang dahil alam kong darating ang panahon na hindi na ito mangyayari pa kaya hanggang pwede akong lumigaya kasama siya ay susulitin ko. Ipinapadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal sa bawat siping na ginawa namin. Hinding hindi ako magsisisi nito dahil sa taong mahal ko ito ginawa.

"Sissy may sakit kasi ako,walang magbabantay Kay Jared ko doon."
Mahinang sabi ni Osang.

"Osang malaki na si Jared, he can take care of Chiky na nga e. Payagan mo na, nandoon naman ako." Pangungumbinsi ko sa kanya. Kawawa naman kasi ang bata nakanguso.

May tiwala naman ito sa akin pero hindi ito sanay na mawalay sa anak.

"I'll go with you Julianne, dalawang bata pala ang dala mo... Wag kang mag alala Anne, kami na ang bahala ni Julianne Kay Jared." Rick interrupt. Akala ko ba ay susunod lang ito bukas?

Hindi na ako nagtanong pa at baka matagalan pa kami sa byahe.

"Sissy, update me from time to time. Alam mo naman na mababaliw ako kapag hindi ko kasama ang anak ko."
Sabi ni Osang.

"Don't worry, full charge ang cp ko at andito naman si Rick, ibibigay ko ang number niya sayo." Sagot ko.

Tumango nalang ito at bumaling sa anak . "Be a good boy,OK? Wala si mama kaya wag ka maglikot baka maiwala ka ni tita Lian mo." Si Osang

"Mama, hindi po ako gagawa ng bagay na ikaiiyak mo. Two days lang mama at makikita din tayo." Sagot ni Jared.
Malungkot na ngumiti ni Osang.

" I love you, honey." Humalik ito sa kamay ng anak.

"I love you mama, salamat at pumayag ka. Magpapahinga ka mama at uminom ng gamot."

Ang sweet naman.

Ang ford ni Rick ang gamit namin, mas mabilis ito at komportable para sa mga bata.

Ang saya ko,sobrang saya. Para kaming buong pamilya sa lagay na ito kaya naman ay hindi ko maiwasang kumuha ng larawan naming apat.

"Smile!!"

Nasa backseat ang dalawang bata at tabi naman kami ni Rick Kay ang gandang tingnan.

Ginawa ko itong wallpaper sa aking cellphone.







❤5.02.2017

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon