kabanata 32

41.3K 1.1K 23
                                    


Napaka tahimik ni Chiky sa byaheng pauwi sa condo kahit panay naman ang salita ni Madeline sa kanya. Napapangiti naman si Rick kapag tipid na sumasagot si Chiky dito.

Nakakaselos, sobra.

Madeline is away for five years in there life pero ganon niya lang ito napakadaling napatawad. Unlike me kamakailan lang niya tinratong mabuti.
Nakaka insecure talaga. Napakaswerte niya.

Sa bahay ay hindi umaalis sa tabi ni Chiky si Madeline kahit pa panay ang sulyap nito sa akin, I just cheer her up.

Inaalam nito ang mga hilig ni Chiky, at nandoon naman si Rick upang sumuporta Kay chiky at minsan Kay Madeline.

Pumasok akong kwarto ng hindi makayanan ang insecurities. Buo na ang pamilya ni Rick, ano pa ba ang ginagawa ko dito?

Habang tinatanaw ko na nagkakamabutihan silang mag anak ay pianapatay ko naman sa sakit itong puso ko.

Iniligpit ko ang mga gamit ko sa aking maleta, kung hindi man ngayon ay alam kong isa sa mga darating na araw ako papaalisin ni Rick. O hahayaan ko ba siyang pagsabihan pa ako? Ang sakit noon. Ano kaya kung aalis nalang ako ng hindi nagpapaalam? Pero masasaktan si Chiky. Kakausapin ko nalang siya kung may pagkakataon ako.

At dinner ay napapansin kong na o-awkward pa din si Chiky sa nanay nito. Napapansin ko din na alam ni Madeline paano asikasuhin ang bata, siguro nga ay totoo ang mother instinct. Tahimik lang ako sa hapag habang ang ingay nila Rick at Madeline sa kakakwento ng kung ano ano sa bata. Rick seem so happy and excited. Ang sakit talaga na masaya na ito habang ako ay nagluluksa na naman.

That night bago matulog ay nakiusap si Chiky na sumaglit sa aking silid, hindi ko din alam pero niyakap lang niya ako ng pagkahigpit higpit. I miss her so much, kahit magksama naman kami buong araw.

"What's wrong baby?"

Kamalas ito sa pagkakayakap sa akin.
"I just miss you mom..."
Malungkot nitong sabi.

"Magkasama naman tayo buong araw ah." Hindi ko alam kong si Chiky ba ang inaalo ko o ang sarili ko.

"Nasanay lang po ako na ikaw yung mommy ko." Umayos ito ng upo sa Kama ko at idinantay ang kanyang ulo sa aking dibdib.

"Chiky, para hindi ka malito sa amin ng mommy mo e pwede mo naman akong tawaging Tita." Malumanay kong saad dito.

Bigla itong lumayo sa akin at tinitigan ako ng may takot.

"What?" Nabahala naman ako.

"Ayaw mo na ba sa akin?"
Naiiyak niyang sabi.

"Of course not... Kung pwede lang kitang angkinin ay ginawa ko na pero hindi pwede, your dad did everything just to complete your family. He even got shot."
Hinawakan ko ang kamay niya. "Diba ito naman ang gusto mo? Ang magkaroon ng visible na mga magulang? Hindi ka ba masaya?"

I can see confused in her eyes.

"Pero naging masaya ako noong dumating ka...can you stay with us mom?" Nanunubig na ang kanyang nga mata.

Pinaupo ko ito sa aking kandungan. Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi niya. Kung pwede lang sana.

"Hindi kasi pwede e, someday magkakaroon din ako ng pamilya tulad niyo. Syempre kailangan ko silang alagaan at sa kanila ako titira,but don't worry I'll keep in touch on you and someday maiintindihan mo din ang naging sitwasyon natin...kaya from now on you'll call me Tita, para masanay kana...at wag mong kalimutan na mahal na mahal Kita. Itinuring na kitang parang akin." Napaluha ako sa sinabi kong iyun. Ang sikip ng dibdib ko na kailangan ko na talaga silang layuan. Para din ito sa aming lahat.

"Bakit ba kasi bumalik pa siya? Kailangan mo tuloy umalis." Ewan ko kung matutuwa o masasaktan ba ako sa sinabi niya pero may bahage sa akin na ang isinigaw ay sana nga hindi nalang bumalik si Madeline sa kanila.

"Wag ganon baby,pakinggan mo ang paliwag niya at subukan mong intindihin...alam kong matalino ka at malambot yang puso mo, nagtatampo ka lang." Sabi ko dito.

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa amin.

"Can I just call you mama instead?"
She said.

" I don't see you as a Tita even in our first meet. Like kuya Jared, mama ang tawag niya Kay Tita Anne. Gusto parin kasi kitang mommy." My heart melt when I heard her. Hindi niya talaga ako mapakawalan.

I smiled. "Baka mag selos ang mommy mo?" I tease her.

"She won't, mabait naman siya gaya ng pinapakita niya...mama gusto ko po siyang mas makilala pero nahihiya po ako." Sabi niya na ikinatawa ko ng mahina.

"Bakit ka naman nahihiya sa kanya? Mommy mo naman siya."

"Ngayon ko lang kasi siya nakilala, at mula noong naging mommy Kita hindi ko na iniisip na darating pa siya kaya nahihiya ako, I'm not ready."

Natawa ako lalo, para bang ibang tao ang tinutukoy nito. Wala bang lukso ng dugo itong nadama?

"E sa akin noon, hindi ka naman nahiya ah."

She giggled. "I don't know, I'm just comfortable with you."

Wow, I'm flattered ha.

I kiss her hair. "O siya, matulog kana at mahaba na ang gabi...goodnight sweetie." I kiss her cheeks also.

"Goodnight mama, I love you." She hugged me. Ang sweet niya talaga.

Inihatid ko ito sa kanyang kwarto ngunit nadaanan namin sa salas na ginagamot ni Madeline ang sugat ni Rick.

"Hi sweetie, matutulog kana?" Rick asked.

"Yes dad!" Lumapit ito upang humalik sa ama." Goodnight dad."

"Goodnight..."

"Goodnight ...mom." Nahihiyang sabi ni Chiky.

"Sweet dreams sweetie..." And she kiss her cheeks. I can see amazement in her eyes.

Hindi ko na inabala pang pansinin ang mga detalye nina Rick at Madeline, masasaktan lang ako. Hinatid ko na si Chiky sa room niya at pinatulog muna ito bago ako bumalik sa kwarto ko.

"You can sleep at my room.." I heard Rick says. Pipihitin ko pa lang ang siradura ng aking pinto ng hindi ko sadyang marinig ang dalawa.

"Well thanks, but I wanna sleep beside Chiky. Gusto ko talagang bumawi." She replied.

Hindi ko na hinintay ang iba pa nilang pag uusapan. What would I expect? Syempre matagal na panahong hindi sila nagkasama, babawi yun.

Kahit may sugat si Rick?

Tanong ng utak ko.

Malay ko ba.

I wear my usual nighties at nag ready na upang matulog, ayaw ko ng mag isip pa bahala na sila.

Nanghihilahin na sana ako ng antok ay narinig kong may pumihit sa aking pintuan. Wait! Na e lock  naman yun ah.

Sumilip ako at bulto ni Rick ang nakita ko.

"Anong ginagawa mo dito?"
Nagtataka kong tanong. A horse kick inside my chest.

"Makikitulog lang..."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito.










❤5.15.2017
Sorry walang update kahapon, sinulit ko lang ang mother's day. Hihi

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon