kabanata 13

44.7K 1.1K 9
                                    


We went to church first. Doon sa nakasanayan kong simbahan at naabutan namin yung mga kaibigan ko doon kasama ang kani kanilang mga asawa except for Osang na si Jared ang kasama.

"Tita Lian!!" Masayang sigaw nito ng makita ako. Hindi pa naman nagsimula ang misa.

"Hello young man,"

"Tita, Bakit ka lumipat ng bahay? Sabi kasi ni mama nang gusto sana kitang bisitahin sa floor mo." Napanguso nitong sabi.

"Pasensya na kana Jared, kinailangan ko kasing lumipat pero don't worry hindi naman permanent babalik din ako sa bahay ko." Ginulo ko ang buhok niya.

"Don't mess my hair! Tita."
Nagtaka naman ako, I usually mess his hair ang lambot kasi.

Nakangiti naman si Osang na lumapit.
"May crush na kasi..." Panunuksi nito sa anak.

"Mama!" May inis naman nitong sabi sa Ina. Ang laki na talaga ng baby namin, anim na taon na ito.

Nagtawanan naman kami.

"Mommy!" Biglang humawak sa kamay ko si Chiky, nakasunod na pala ito sa akin, nauna na kasi ako upang maghanap ng maupuan. Hihintayin daw niya ang kanyang daddy at sabay na sila.

"Chiky!" Hinawakan ko ito.

"Tita, why is she calling you mommy?"
Jared asked with his confused face.

Napangiti naman ako.
"She's my daughter." Sabi ko.

Lalo naman nangunot ang noo nito.
"But I don't see you pregnant like Tita Toni and Tita Amber."

"Naku,hahaba ang kwentuhan natin nito mag uumpisa na ang misa. Pwedeng mamaya nalang Jared? By the way she is Chiky at younger sister mo na rin siya."
Lahat kasi ng anak ng mga kaibigan namin ay kapatid ang ipinaturing namin sa kanya.

"Ang dami ko ng babantayan Tita, ang hirap pala maging kuya..." Bumuntong hininga ito.

"Hi!! I'm kuya Jared and I will protect you from bad guys." Pagpapakilala ni Jared Kay Chiky.

Chiky look up to me with her confused face. "Baby, anak siya ng friend ni mommy at itinuring ko syang parang anak kaya kuya mo na rin siya dahil mommy mo naman ako diba?"

Sa totoo lang ay naguguluhan ako sa pagpapaliwanag sa kanila. Paano ko ba dapat ipapaintindi sa kanila ang sitwasyon naming lahat? Baka kasi maka complicate sa pag iisip ng mga bata.

"Martinez!" Si Dwight iyun na papalapit sa amin karga ang kanyang anak na si Blake at si Amber naman sa kanyang tabi nakangiting karga si Bella.

"Mr.Arizona!" Sabi ni Rick at nakipag shake hands dito. I wonder if magkakakilala ang mga ito.

"Dwight nalang dude!...si Theo, Toni's husband and Lian's best friend." Pagpapakilala naman niya Kay Theo.

Parang nagkaigihan ang mga lalaki kaya may sariling mundo na ang mga ito.

Pumwesto naman kaming mga babae sa bakanteng upuan. Chiky and Jared are now in their kids convo. Nagkamabutihan agad ang dalawang bata, hindi kasi masabayan ni Jared ang maliliit pang mga anak nina Toni at Amber.

"Boys are boys..." Amber rolls her eyeballs. "So kumusta ang paglipat mo sa kanila?" She asked.

"Okay naman,maraming kailangan ayusin sa relasyon ng mag ama." Sagot ko dito.

"Saan ba kasi ang nanay?"
Si Toni.

Nagkibit balikat ako "hindi rin niya alam eh, iniwan lang sa kanya yung bata isang buwan pa lang."

"Kawawa naman..." Si Amber. "She's really pretty you know. Ang swerte ng nanay nito kung sakali." Dagdag niya.

"Kaya ikaw Julianne, mag ingat ka. Ang pogi ng tatay baka bigla nalang susulpot ang ina ni Chiky e nahuhulog kana dyan. Isipin mo nasa iisang bubung kayo." Panagaral ni Osang. Napaka advance niya talaga,pero tama naman ito.

The mass  is starting kaya tumabi na ang mga lalaki. Ang kambal ni Amber ay nakatulog kaya kinuha ng mga yaya upang sa sasakyan na patulugin. Magkatabi naman si Chiky at Jared,hindi na mapaghiwalay ang mga ito kaya si Rick ang katabi ko at si Osang sa kabila.

Ang homily ng Pari ay tungkol sa kung paano maging magulang at kung paano din maging anak. At napansin kung nakatutuk si Rick sa sinasabi ng Pari.
Sana nakatulong ang homily sa pagbukas ng isip niya para sa kanyang anak. Masaya ako na sinimulan niya ito ngayon.

After mass ay nag sindi kami ng mga kandila sa may malaking cross at pagkatapos doon naman kami ni Amber sa maliit na cross nag sindi. Ito palagi ang  routine ko. Noon ay tina tanong nila ako kung bakit ako nagsisindi doon, ang sinasagot ko nalang ay gustong kung ilawan ang mga angel na hindi nabibigyan ng pagkakataong mabuhay sa mundo.

I know Amber did it because she lost her child before.

After church ay naghiwahiwalay na kami. Dumiritso kaming mall upang manood ng Boss Baby na gusto ni Chiky.

"This is going to be fun, I have dad and mom. Thanks." Masayang sabi ni Chiky habang napagitnaan namin siya sa loob ng sinehan.

Pinagbigyan talaga ni Rick ang gusto ng anak sa araw na iyun. After namin sa senihan ay nag arcade sila. Lahat yata ng laro doon ay hindi nila pinalampas. Kumain kami sa fast food ayun sa gusto ng bata at nag gala pagkatapos. Pinag shopping din ni Rick ang anak.

Ang saya ni Chiky, panay ang ngiti niya kahit pa naglalakad ito. Masaya din ako at naisip iyun ni Rick, sana lang ay magtuloy tuloy na.

Napatingin ito sa bookstore, may kasing edad kasi niya na kumuha ng mga school supplies. Nakatutuk lang siya dito ng lapitan ko.

"Do you wanna go to school?"
She stares at me.

"Mabubully lang ako." Mahina nitong sabi at yumuko.

I held her face to face me.
"Bakit ka naman mabubully?"

May namumuong luha sa kanyang mga mata. "Because I don't have a mom, and dad don't have  time for me when we have school activities." Malungkot nitong sabi.

Bakit may ganoon mga bata? Sa school ni Jared hindi naman ito na bully kahit wala itong ama.

"Sa school ni kuya Jared mababait ang mga students doon. Gusto mo? Andito na naman ako at sigurado akong may time na ang daddy mo sayo,tulad ngayon." Pagbibigay ko sa kanya ng pag asa.

I look up to Rick na nanood lang sa amin,tumingin din dito si Chiky.

"You want to go to school sweety?" Lumapit ito at kinarga ang anak.

"But I don't know how to write and read.''
Nakanguso nitong sabi.

" e di,pag aralan natin yan gabi gabi. Tutulungan naman tayo ni mom mo diba?" Tumingin ito sa akin at alam ko ang gusto niyang iparating.

"Of course, mag papractice tayo."
Sabi ko.

Sumigla ang mukha nito at niyapos ang ama.

Masaya itong namimili ng mga gagamitin namin sa pagpapratrice niya sa writing.













❤pem

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon