kabanata 34

40.1K 1K 21
                                    


Nanlumo akong naabutan si nanay na walang malay. Ang tingin ng aking kapatid sa akin ay hindi ko matagalan, ang talim, at ang bigat. Si tatay ay walang imik.

Tumaas daw ang blood pressure ni nanay at may pumutok na ugat sa kanyang ulo. I was to blame here, kung hindi sana ako malaking duwag ay hindi ito mangyayari Kay nanay.

Nalaman ni Tita Anna ang lagay ni nanay kaya gusto niyang doon sa America si nanay gagamutin, doctor kasi ang asawa nito at mas makabago ang kanilang mga medical services.

Hindi na nila hiningi ang desisyon ko, inasikaso na agad ng kapatid ko ang pagtransfer ni nanay sa America. Gamit ang impluwensya ng asawa ni Tita Anna ay napadali ang pag asikaso ng mga papeles. Akalain mong sikat pala ang asawa ni Tita Anna sa larangan ng medisina, mapa America man o dito sa Pilipinas.

Hindi ako kinakausap ng kapatid ko at si tatay naman ay Kay nanay nakatutuk. I am really felt guilty na gusto ko nalang na makipagpalit sa sitwasyon ni nanay.

Ito ang unang beses na ma ospital si nanay at natatakot agad kaming lahat. Napag desisyunan kung sumama sa kanila kaya inihanda ko din ang aking mga papeles, nagpaalam din ako sa aking mga kaibigan na mag indefinite leave na muna ako at pumayag naman sila kilala kasi nila si nanay at naawa ito sa kanya.

Before I leave inamin ko sa mga kaibigan ko ang pagkakamaling kinasangkutan ko dati,and they're all shocked.

"Kaya ka pala nagsisindi ng kandila sa mga unborn children sa simbahan tuwing nagsisimba tayo...akala ko ba naawa ka lang sa mga batang nawalan ng pagkakataong mabuhay, e nawalan ka pala talaga ng baby." Amber said.

"Nakakatampo ka sissy. Nandito naman kami bakit mo sinulo sana na buhay si baby, tulad ni Jared." Emotional na sabi ni Toni. Noon kasing nabuntis si Osang ay hindi namin siya hinusgahan bagkus ay sinuportahan at tinulungan sa kanyang pinagdadaanan. Siguro nga buhay pa ang baby ko kung hindi ako natakot noon.

"Trouble talaga ang mga lalake."
Saad naman ni Osang.

Kahit ganoon ay naging open minded naman ang aking mga kaibigan, napatawad nila ako. Ngayon ay ang pamilya ko nalang kulang.

In a short of time ay nakabyahe agad kami patungong America at doon ay inaskaso agad si nanay. We stayed at Tita Anna's house. Kaming tatlo lang naman ang sumama, hindi na sumama ang asawa at anak ni Joshua dahil walang maiiwan sa farm at bahay, hindi rin naman kasi magtatagal si Joshua dito.

"Magpaliwanag ka!" Malamig na sabi ni Joshua.

Kaharap ko sila ni tatay. Nasa coffee shop kami malapit sa ospital kung saan na confine si nanay. Naging successful ang operasyon nito kaya nakahinga na kami ng maluwag. Uuwi na rin si Joshua ng Pilipinas kaya nila ako gigisahin ngayon.

"I'm sorry, alam kong naging duwag ako noon kaya hindi ko nasabi kahit kanino."

"At inakala mo talaga na matatago mo ito habang buhay?" Asik sa akin ni Joshua.

Tumulo ang luha ko, kailan man ay hindi niya ako pinagtasan ng boses. Kahit papaano ay ako parin ang nakakatanda kahit pa mas matangkad ito sa akin.

"Tama na Joshua, hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan. Ang importante ay nalaman natin at kung ano ang rason niya. Magpasalamat nalang tayo at walang mas masama ang nangyari sa kapatid mo." Sabi ni tatay sa mas mahinahong salita. Ngayon ko lang uli ito narinig magsalita.

"Kaya namimihasa yan kasi pinagtatanggol niyo, ang nangyari Kay nanay? May nagawa bang mabuti yan sa kanya? Muntik ng mawala sa atin si nanay dahil dyan sa kaduwagan niya."
May hinanakit pa ring sabi ng kapatid ko.

"Ayoko ko kayong e disappoint-"

"Well, we are right now." Putol niya sa akin.

"Tama na sabi. Bumubuti na naman ang lagay ng nanay niyo kaya yun nalang iisipin natin."
Q
Alam kong masama talaga ang loob ng kapatid ko, kahit pa hindi siya showy dati madalas pa rin itong naglalambing sa akin. At wala itong naitatago sa kin.

"Nagagalit ako dahil wala akong nagawa upang ipagtanggol ka o kaya depensahan man lang sa taong nanamantala sayo." Nakatalikod nitong sabi nang nasa airport na kami upang ihatid siya, babalik na kasi itong Pilipinas.

"Salamat....t-tol."
At niyakap ko siya mula sa likod. He is still my brother.

Hindi paman nila ako tuluyang napatawad at least nalaman na nila. Ang gaan lang sa loob na wala na akong tinatago pa. Si nanay nalang ang haharapin ko. Dalawang linggo na kami dito sa America at hindi pa ako kumukontak sa mga kaibigan ko. Hindi ako ng online sa social media accounts ko, ilalaan ko muna ang panahong ito sa aking pamilya at sa aking sarili.

Gising na si nanay at hindi pa ako nagpapakita sa kanya kasi baka mapasama na naman ito, pero ngayong araw na ito ay gusto niya akong makausap. Inihanda ko ang sarili ko, nagiging mang mang ako kapag si nanay na ang gigisa sa akin.

"Nay?" Tawag ko sa kanya habang nakatingin ito sa bintina ng kanyang silid. Napalingon ito sa akin. Maputla ito at may benda pa ito sa ulo. Ngayon ko lang uli ito nakitang gising mula ng pumunta kami dito, sa tuwing dumadalaw kasi ako ay tulog ito.

She tap the bed beside her. Sinyales na gusto niya akong tumabi dito.

Papalapit palang ako sa kanya ay tumulo na ang luha ko, kahit naman hard si mama sa kin minsan ay para naman iyun sa akin. Si tatay kasi kinukunsinti ako habang si nanay naman ang taga disiplina sa amin ni Joshua.

Nang makalapit ako sa kanya niyakap ko ang kanyang bewang at humagolgol.
"Patawarin niyo po ako nay."
Ang bigat ng loob ko feeling ko ako ang pinaka masamang anak sa mundo.

"Pinag isipan kong mabuti ang ginawa mo anak, at naisip kong hindi ako dapat magalit sayo. Ikaw ang naghirap anak, ikaw ang nasaktan at ikaw ang nawalan. Naaawa ako sayo anak at sa kabilang banda humanga ako sayo... Ang tapang mo dahil nalagpasan mo yun mag isa...siguro nagulat lang ako sa nalaman ko dahil akala ko ganoon Kita ka kilala."
Sabi niya.

Mas lalo akong nanlumo sa sinabi niya at the same time ay nabunutan ako ng tinik.

Kumalas ako sa kanya at tinuyo ang mga luha ko. "Hindi ka galit sa akin nay?"panigurado ko dito.

Tumango ito at ngumiti sa akin.
Napapikit ako at yumakap muli sa kanya.










❤5.19.2017

Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon