Bumubuti sa araw na dumadating ang pakikitungo ni Chiky sa Ina at nagiging komportable na ito. Minsan nalang itong lumalapit sa akin.Si Rick ay naging busy narin kahit pa on recovery pa ito. Marami itong mga tawag na sinasagot at mga kasong pinag aaralan sa bahay. Madalas ay sa veranda niya ito ginagawa.
Kaya naman ay bumalik na din ako sa trabaho. Naninibago akong wala si Chiky sa opisina, kahit naman hindi niya ako kinukulit ay iba parin na nag iisa lang ako. Inabala ko nalang ang sarili ko sa trabahong tambak na.
Hindi ako umuwi agad after work nang araw na iyun, pakikiramdaman ko muna kung hahanapin ba nila ako. I expect na hindi na kasi gusto ko naring makaalis sa condo ni Rick, nasasakal na kasi ako sa selos. Most of the time ay para nalang akong anino. Nanliliit ako sa aking sarili, I never belong to this place kaya naman ay gusto ko ng umalis.
Umuwi muna ako sa aking condo. The place seem so lonely, lalo lang akong nalulungkot kaya naman ay umalis agad ako at pumuntang unit nila Osang. Naabutan kong nagluluto si Osang at nag aaral naman si Jared. Hinanap nito Chiky sa pag aakalang kasama ko ang bata ngunit sinabi kong nasa mommy niya kaya natigilan si Osang.
"So, balik kana dito?" Tanong niya.
Sa lalim ng tingin niya sa akin alam kong may iba pa itong gustong sabihin."Yeah, I'm planning to move back tomorrow." I said without looking at her.
Isang segundo din kaming natahimik.
"Hinayaan ka niya ng ganoon ganoon nalang?" She said breaking our silence.
Natigilan ako sa sabi niya.
"What do you mean?"
Maang maangan ko, she really knew me that well."Wag mo nga akong gaguhin Lian, alam ko ang mukha na ganyan...mahal mo na noh?" Wala na, wala talaga akong matatago sa babaeng ito.
"Hindi kami pwede."
"Nag usap na ba kayo?" She insist.
"Wala kaming dapat pag usapan!"
Matalim niya akong tinitigan.
"Wala nga ba?"I heaved a deep sigh.
"Buo na sila, ayokong sirain yun.""Kaya mag sasakripisyo ka?... Wow ha, ang humble teh!" Alam kong naaawa na ito sa akin kaya niya iyun nasabi.
"Ito sinasabi ko sayo, ipaglaban mo ang iyo, ipaalam mo ang nararamdaman mo hanggat may oras ka dahil kapag yan hindi mo naipaalam pagsisisihan mo yun." Sabi nito.
Kaya ba bitter siya sa mga lalake? Ang layo naman sa payo niya pero infairnes tama naman siya kung tutuusin pero mahirap yun iaply sa sitwasyon ko.
Umuwi ako around nine in the evening and I don't received any text or call from Rick na hinahanap ako, siguro nga ay naghihintay lang ako sa wala. Nang dumating ako sa condo nina Chiky ay wala pala si Rick umalis daw ito nang hapon kasama si Madeline. Saan kaya sila pumunta?
A pain hit again kaya iniwaksi ko agad ito.
Pinuntahan ko si Chiky sa kanyang kwarto assuming that she is still up again. And luckily she is. Nanood pa ito ng Sing na movie.
"Hi mama, saan po kayo galing?"
Yumakap at humalik ito sa akin."Ahm, kina kuya Jared mo."
"Really? Bakit hindi mo ako sinama?"
She pouted."Dumiritso na kasi ako from work, sorry."
Tumango naman ito at muling umupo sa Kama niya. Tumabi ako dito.
"Chiky? Ahm, I'm planning of moving out..." I started. Lumingon ito sa akin ng blanko.
"Do you have to?" She asked.
Ginagap ko ang kanyang dalawang kamay at Pinaharap ng maayos.
"Nandito na ang mommy mo, diba nandito lang naman ako dahil wala pa siya? She can give all the love and care you always wanted and long for...this time sa tunay na mommy mo na iyun makukuha. At ako? I have my own life, wala na naman akong gagawin dito diba? Pwede mo naman akong tawagan if you miss me or puntahan sa trabaho, you can always come to me." Mahinahon kong sabi dito, sana lang ay maintindihan niya.
Tumango tango ito.
Hay salamat at naintindihan niya.
"What about you and dad?"
She asked.Napakunot ang noo ko, may alam ba ito na hindi dapat?
"What about us?"
Kinakabahan kong tanong.Nagkibit balikat ito.
Hay...napabuga ako ng hangin...it gives me chills.
Nagkwentuhan muna kami bago ito natulog, at nagpasalamat akong hindi na ito Nangulit pa sa pag alis ko bukas. Kinausap ko din si Nana Lorna at nagpaalam dito. Si Rick nalang ang kulang.
I waited for him Until eleven ngunit wala pa din sila ni Madeline. Hanggang sa hindi ko na kinaya ang antok at natulog nalang, siguro bukas ng umaga nalang ako magpapaalam sa kanya.
Ayoko ko ng mag isip pa tungkol sa maaring ginagawa nila ni Madeline kung kaya sila natagalan. It's none of my business.
Hindi naman mailap sa akin ang antok kaya ay nakatulog agad ako.
I woke up feeling heavy. Ano bang nangyayari sa akin? Tinatamad akong bumangon at ang sarap pang matulog. Nakita kong 5:30 pa lang naman kaya umidlip muli ako. Ngayon ko lang yata na appreciate ang lambot ng Kama at ang sarap nitong humilata buong araw.
Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang cellphone ko sa bedside table,bigla tuloy akong nahilo.
I saw Joshua on the caller ID kaya kinabahan ako. Minsan lang itong tumatawag at sa ganito pa talagang oras.
O shit! Its already 10am.
I grab the phone immediately.
"Tol!"
"Tol, nasa hospital si nanay..."
Nanghihinang boses ang narinig ko mula sa aking kapatid."Bakit? Anong nangyari?" Nataranta kong tanong. Jusko!
Abot abot ang aking hininga sa pagmamadaling mag ayos.
"You have a lot of explaining to do, Julianne Salvation."
Ito ang huling sabi ni Joshua bago niya pinatay ang tawag. May ideya na ako kung ano iyun kung kaya ay magkahalong kaba at takot ang sumusuntok sa akin.
Nagpaalam ako Kay Nana Lorna. Si Rick at ang kanyang mag Ina ay maaga daw umalis dahil may pupuntahan daw ang mga ito at hindi na ako ginising dahil ang sarap daw ng tulog ko.
"Nana, ikaw na po sana ang bahalang magsabi sa kanila na umalis na ako. Kailangan lang po ako ng nanay ko, nasa ospital po siya ngayon." Naiiyak kong sabi.
"Ako na ang bahala iha, sige mag iingat ka. Sana walang masamang nangyari sa nanay mo."
Pagkarinig ko noon ay agad kong hinila ang maletang naihanda ko na.
I'm crying all the way to Laguna, its all my fault. Kung ano ang nangyari Kay nanay ay ako ang masisisi. Ang sama ko.
Siguro hindi niya talaga inasahan yun sa akin.
❤5.16.2017
BINABASA MO ANG
Mommy For Hire [SBH Series#3] (Completed)
General FictionSisters by heart series#3 Julianne Salvation, babaeng may masakit at madilim na kahapon. No one her friends knows about it nor her family dahil natatakot siyang mahusgahan at mag iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, kung...