------------------------
Prologue
Isang malakas na malakas na pagsinga ang ginawa ko after kong mag-ngangawa sa loob ng sasakyan ko nang marinig ko na ang kampana ng simbahan.. ibig sabihin ay magsisimula na ang seremonyas na siyang lalong nakapagpa-ngawa sa akin..
“grabe sila.. sinarado pa talaga ung pintuan para di ko makita?!” sigaw ko sa asong naka-display sa harapan ng kotse ko na tatango-tango at walang ibang magawa kundi tumango lang..
Sa inis ko, bumaba ako ng kotse ko at pilit na sinilip sa pagitan ng pintuan ung loob ng simbahan.. pero bigo ako dahil ang lapat-lapat pala nun kaya kahit konting butas ay wala doon at wala akong masilip..
Gusto kong suntukin ung pintuan ng simbahan sa sobrang inis ko, pero hindi ko natuloy dahil baka marinig nung mga nasa loob, at magkaroon pa ko ng eskandalo.. pero frustrate na frustrate na ko at gusto kong makita ung hinayupak na un, kaya gumawa ako ng paraan para makita ko siya..
Lumigid ako at laking pasasalamat ko na lang dahil may nakabukas na bintana doon.. lumapit ako sa may bintana – pero hindi naman ako kita – at saktong pagsilip ko dun, eto ung eksenang naabutan ko..
“Aaron Villania, do you take, Kendra Lopez, to be your lawfully wedded wife, for richer and poorer, in sickness and in health, till death do you part?”
“i do..”
At iyon ang halos nakapagpa-durog ng puso ko matapos mag-i do ng hinayupak na un sa fiancée nya – sa magiging asawa pala nya.. ramdam na ramdam ko ang sakit na dulot nito na halos hindi na ko makahinga sa kakaiyak dito sa gilid ng simbahan..
Masokista na kung masokista, pero gusto ko lang kasi makasiguro na totoong magpapakasal na nga ang hinayupak na un kaya siya nakipaghiwalay sa akin.. muntik ko nang ibigay sa kanya ang lahat-lahat ko, un pala may fiancée na siya..
Natigil lang ang pag-iiyak ko dito nang mag-ring ang phone ko.. nakita kong si Angel – best friend ko – ang tumatawag at agad ko un sinagot..
“hel—“
“where the hell are you?! Kanina pa kita hinahanap dito sa apartment mo, pero wala ka naman! Nasaan ka ba?”
Huminga ako ng malalim.. “puso mo, frenship.. remember, my sakit ka sa puso..”
“aatakihin talaga ako lalo sa puso kapag hindi mo sinabi kung nasaan ka?!”
“ok.. ok..”
napatingin ako ulit dun sa loob ng simbahan, at kung mamalasin ka nga naman, ayun pa talaga ung makikita kong eksena nila..
“you may now kiss the bride..”
And in just that, Aaron leaned down against Kendra and they kissed like there’s no tomorrow.. kita ko pa ang malagkit na pagtitinginan nila at unti-unti na namang umaahon ang sakit na nararamdaman ko at hindi ko mapigilang hindi na naman maiyak..
BINABASA MO ANG
The Hopeless
General Fiction"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..