Chapter 4 - moved on?

4.2K 71 0
                                        

Chapter 4

*Jass*

“frenship.. are you ready?”

Nagmadali na kong mag-suot ng shoes ko ng marinig ko na si Angel na tumatawag sa labas ng kwarto ko.. mabilis kong dinampot ung pabango ko sa vanity table ko at niwisik ko na un sa buong katawan ko.. konting lipstick, powder at suklay na mabilisan lang, katalo na..

“oo! Teka lang, palabas na..”

Sinakbit ko na sa balikat ko ung red sling bag ko at saka ko binuksan ung pintuan ng kwarto.. sa bahay kasi nila Angel ako natulog dahil sasamahan ko siya ngayon sa ospital para sa monthly check-up nya..

“i’m ready!” sigaw ko paglabas ko.. “Ok.. let’s go.. we’re in a hurry, diba?” hinatak ko na si Angel pababa ng hagdanan para makarating na agad kami sa garahe nila kung saan nandun ung ‘vintage’ car ko..

Pero hindi pa kami nakakababa ng ilang steps, nang bigla nya kong hatakin pabalik at napahinto naman ako.. tinignan ko siya with confusion at sinabing..

“why? Sobrang bilis ko ba?”

Napakunot-noo siya pero bigla siyang natawa ng malakas.. “frenship! Anyare sa fes?? Bakit naging coloring book??”

Napahawak ako sa mukha ko.. “bakit, frenship? Makapal ba ung make-up?”

Natatawa pa din siya, pero pinigilan lang nyang matawa ulit.. “h-hindi naman, frenship.. masyado lang mapula ang blush-on at lipstick..” pinantay nya ung blush-on ko gamit ung panyo nya.. “kapag ako kasi nagma-make-up, frenship, kapag makapal ang blush-on, light lang dapat ang lipstick and vice versa..”

“ay! Ganun, frenship? Pangit ung parehong makulay?”

“oo naman, frenship.. o.a sa make-up na un..” inayos pa nya ung gilid ng lips ko at ung buhok ko.. “pero sa beauty mo, mas maganda ang light blush lang at maiiwan ang red lipstick.. sabi nga sa isang teleserye, ‘mas gumaganda ang isang babae kapag pula ang labi’, oh diba! Ang fierce!”

Napa-atras ako ng bahagya at napahawak pa ko sa bibig ko.. parang hindi kasi si Angel ang kaharap ko, dahil may nalalaman pa siyang fierce-fierce.. malay ko ba sa sinasabi nya..

Bumaba na kami ng hagdanan at tuluyan na ngang pumunta sa kotse ko.. agad ko naman pinaandar un dahil baka nga mahuli siya sa schedule nya sa doktor nya, sisihin pa nya ko.. tatawa tawa pa din siya dun sa gilid ko at hindi ko na lang pinansin..

Mukha siguro talaga kong clown kanina.. -_-

“frenship..” tawag nya sa akin..

“yep?”

“bakit bigla ka namang nagpaganda ngayon? i mean, after how many months.. at last! My frenship is back! Make-ups, red sexy tank tops with black shorts and black wedge shoes? With red sling bag pa?” napatingin tuloy ako sa suot ko.. “sabihin mo nga, bakit?”

I looked back sa dinadaanan namin and then i smiled.. “because i can finally say... i’ve moved on!” masigla kong sabi.. “at ready na sa mga nagkakanda-haba-habang pila kong suitors!”

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon