Chapter 15
*Jass*
Hindi na kami nag-usap ni Gelo after that incident.. natapos ang tatlong araw namin na hindi man lang kami nagkikibuan.. wala ding may gustong kumausap sa aming dalawa, dahil hindi na nga maipinta ang mukha naming dalawa.. dito nga lang sa sasakyan nila Angel – kung saan dun na ko nakisabay – saka lang ako kinausap ng frenship ko dahil sa attitude ko..
“frenship.. ano ba talagang nangyari sa inyo ni Kuya?”
“wala!”
At hanggang sa inihatid na nila ko sa apartment ko, wala na talagang kumakausap sa akin.. lumipas na din ang ilang linggo na walang kibuan.. naninibago na nga ako sa routine ng buhay ko eh.. wala nang nangungulit sa akin, bukod kay Aaron..
And speaking of Aaron, Lumipas ang ilang linggo na lagi nya akong pinapadalhan ng bulaklak at chocolates ng patago.. lagi nya kong inaayang lumabas kahit sa patagong lugar lang daw.. tinetext at tinatawagan nya din ako ng patago – katulad ng pag-gamit nya ng ibang phone at ibang simcard na hindi alam ng asawa nya.. ayokong ng puro patago.. hindi naman sa gusto ko ng bulgaran, pero ayoko ng mga ginagawa nya.. pagtataksil un sa asawa nya at isang malaking kasalanan un at ayokong ma-involve sa ginagawa nya..
At sa totoo lang, ayoko na talaga mismo kay Aaron..
ngayong bumalik na siya ay saka ko lang na-realize na hindi ko na pala talaga siya mahal.. ayokong si Aaron ang nangungulit sa akin.. dahil may ibang hinahanap ang sarili ko and i don’t like the idea na hinahanap hanap ko pa siya ngayon, gayung hindi naman kami bati ngayon..
napabuntong-hininga ako.. nababaliw na yata talaga ko..
Nakatanggap na lang ako ng text kay Angel na sinabing dun na ko dumiretso sa kanila after ko sa work.. send-off party daw nila un dahil aalis na daw sila patungong Spain ni Carlos..
May despedida pang nalalaman, eh babalik naman din sila after a month..
Kayamanan talaga ng Carlos Salvador na un, nakakalula..
Nang mag alas-singko na, nag-taxi na lang ako patungo sa kanila para sa despedida nila kuno.. pagkarating ko dun ay medyo gabi na kaya nagsisimula na ung party.. madaming tao kaya dumiretso na ko sa loob para batiin sina Angel.. pero instead na si Angel ang makita ko, si Gelo pa talaga..
Sinamaan ko siya ng tingin.. akala nya ba nakalimutan ko na ung pagpapahiya nya sa akin dun sa pamilya nya nung nasa probinsya pa kami.. pinagtawanan kaya nila kong lahat matapos nyang sabihin na nagseselos ako kay Kirsten! Kainis!
Lumiko ako.. ayoko siyang masalubong.. naiinis pa din ako sa kanya..
Mas binilisan ko ang lakad ko, dahil naramdaman ko na sumusunod siya sa akin..
“Jass..”
Boses nya un, at alam kong nasa likod ko na siya kaya medyo napatakbo na ko.. ayoko siyang harapin ngayon dahil kahit hindi ko aminin ung inakusa nya noon sa akin sa probinsya, mahahalata’t mahahalata niya ang pagiging guilty ko dun.. hindi kasi ako nakakibo after nyang sabihin na nagseselos ako.. pwedeng pwede naman akong huminde, pero hindi ko nagawa.. instead, nag-walk out pa ko na parang sinabi kong.. ‘oo, nagseselos ako kaya ako magwa-walk-out’..

BINABASA MO ANG
The Hopeless
Narrativa generale"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..