Chapter 22
*Jass*
“Bakit hindi ka pa matulog, frenship?”
Nilingon ko si Angel nang marinig ko siyang magsalita sa likod ko.. lumalakad na siya patungo dito sa porch nila kung saan nandun ako, nakaupo sa may rattan sofa nila.. napabuntong hininga ako at ngumiti sa kanya saka ako bumalik sa tinatanaw ko.. actually, gate nila ung tinatanaw ko..
Hindi nila ako pinauwi sa bahay.. dito daw ako matulog at bukas na lang daw ako umuwi dahil gabi na.. nakapag-usap na kami nung parents niya at bahala daw kami ni Gelo sa gagawin naming desisyon..
“pasok ka na sa loob.. matulog ka na..” Angel said..
“di pa ko inaantok, frenship..”
“asus!” sabay hampas nya sa braso ko.. “hinihintay mo si kuya, no?”
Napatingin ako sa kanya.. “hindi ah.. bakit ko naman hihintayin un.. dun siya sa Kirsten nya kung gusto nya..”
Natatawa siyang tumabi sa akin.. may isang hampas pa nga kong inabot sa kanya, pero hinayaan ko na.. di ko na papatulan, dahil, somehow.. tama nga ung sinabi nya.. hinihintay ko nga ung kuya nya..
“alam mo frenship.. kilala ko si kuya.. he’s settling things up, kaya nandun un.. hindi ugali ni kuya ang tinatakbuhan ang responsibility nya.. kaya don’t worry..”
Yea.. that’s right.. responsibility.. hindi ko alam kung bakit parang nalungkot pa ko sa sinabi ni Angel na un instead na sumaya.. it’s his responsibility.. na, akuin ang dinadala ko.. and by that, he needs to settle things up to Kirsten.. alam ko ang gagawin ni Gelo.. alam kong makikipaghiwalay siya kay Kirsten.. ayoko ng ganun.. parang lumalabas na dahil sa akin, hindi na sila pwede ng babaeng mahal nya..
“ano ka ba, frenship.. hindi ko naman iniisip yan.. at tsaka, hindi ko siya hinihintay, tapos..”
“frenship.. i know you.. sa akin ka pa ba magtatago?”
Umiling ako.. “nagpapahangin lang talaga ko.. nagpapa-antok..”
Hindi na kumibo si Angel nun dahil alam nyang wala ko sa mood makipag-usap.. she knew me at kahit sa bagay na ganito, kilala nya ko.. alam nyang hindi ako makikipag-usap sa kanya ng matino dahil sa sitwasyon.. kahit pinipilit nyang maging masaya sa harapan ko, alam kong nag-aalala din siya sa kuya nya at sa akin..
“Gel..” tinawag na siya ni Carlos na nasa may gilid na pala namin.. “let’s sleep? It’s getting late.. bawal ka mapuyat..”
“sige, matulog na tayo..” sagot naman ni Angel at tumayo na..
“and you too, Jass.. bawal ka mapuyat.. buntis ka din katulad ng best friend mo kaya matulog ka na din..”
Tumango ako.. “sige, matutulog na din ako mamaya, Alo.. magpapa-antok lang..”
He nodded.. “akyat na kami ha.. goodnight..”
“sige.. goodnight..”
Pero bago pa sila makapasok sa loob, hinawakan muna ni Angel ung kamay ko saka sinabing..
BINABASA MO ANG
The Hopeless
General Fiction"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..