Chapter 38 - hate..

3.3K 93 1
                                    

Chapter 38

*Jass*

“o sige hija.. uuwi na kami at gagabihin kami sa daan.. pupunta na lang kami next week para bisitahin ang apo namin..”

“sige po tita..”

“Jass.. you should call me mommy.. ina ka ng apo ko..”

Napatingin ako kay Gelo na nanigas dun sa kinatatayuan nya at saka lang ako tumango.. hinalikan lang ni tita – ni mommy si Andre at saka bumeso sa akin pati kay Gelo.. after that, lumabas na sila ng kwarto at tuluyan ng umalis..

Kakauwi lang namin kaninang tanghali galing ospital, at dito na kumain ng lunch pati dinner sila mommy.. hindi na nga lang nakakain sina Angel dito dahil biglang sumama ang pakiramdam ni Angel.. sipa daw ng sipa ang anak nya at kada sipa daw ay naduduwal siya.. kaya sina mommy lang ang kasama namin kaninang kumain at pati hanggang kanina hapunan..

Pero ngayon, kami na lang dalawa ni Gelo ang naiwan..

At balik na naman sa dati ung ugali nya..

Nagising ang anak namin at umiyak ito ng bahagya.. tatayo na sana ako sa kama ng biglang tumungo doon si Gelo at kinuha ang bata.. siya na ang nag-buhat dito at tinry nyang patahanin ang anak namin.. pero iyak pa din ito ng iyak.. chineck naman ni Gelo ung diaper nito, pero hindi pa naman puno un..

“Gelo..” tawag ko..

Tumingin siya ng alangan sa akin.. “bakit iyak ng iyak?” nag-aalala nyang tanong.. “may masakit kaya sa kanya?”

Napangiti ako.. “baka nagugutom..”

Napakunot-noo siya.. “ano kakainin nito?”

“Gelo.. hindi yan makakakain.. dedede lang yan..”

Napa-ah siya at saka lumapit sa akin.. “oo nga no..” inabot nya sa akin ung bata.. “i-breast feed mo na.. baka kabagan kakaiyak..”

Tumango na ko at saka ko pinadede ung anak ko.. hindi na ko naiilang katulad dati dahil nasanay na ko kaagad, kahit dalawang araw pa lang akong nagpapa-dede.. hindi naman din siya naiilang at pinanuod lang nya ung anak nyang tumahan sa bisig ko..

Medyo gumaang ng konti ung nararamdaman ko dahil hindi na siya malamig sa akin, katulad nung isang araw..

“parang ayokong pumasok bukas, Jass..” bungad nyang sabi sa akin..

Napangiti ako.. kinakausap na nya talaga ko.. “bakit? Importante daw ung pupuntahan nyo ni tito..”

“leave ko naman eh.. tsaka.. parang ayokong iwan muna ang anak ko..”

“uuwi ka naman diba?”

Tumango siya.. “kaso gagabihin ako.. baka tulog na si baby..”

“pagising gising naman ang bata, kaya baka abutan mong gising yan.. pumasok ka na”

He nodded at hindi na ulit kumibo.. medyo ayos na yata ung atmosphere between us, kaya pwede na siguro akong mag-explain sa kanya.. gusto ko kasi na maliwanagan siya at wala ng samaan ng loob sa aming dalawa.. gusto ko ding linawin na wala akong ginagawang masama nung time na un, at ipapaintindi ko sa kanya na tama lang ang sinadya ko kay Aaron..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon