Chapter 18 - hindi ako.....

3.9K 65 0
                                    

Chapter 18

*Jass*

Lumabas na ko ng bahay ng sobrang sama ng pakiramdam ko.. ang bigat-bigat ng ulo ko at ang sarap iumpog sa pader para mawala ung sakit.. sinalubong naman ako nung tricycle na service namin ni ate Beng patungo sa may palengke.. sabay kasi kami palagi ni ate Beng mamalengke, at si Mang Dado ung palagi naming service patungo dun..

Ilang linggo na din ang lumipas matapos ang kaganapan between me and Gelo.. at pilit ko un inaalis sa utak ko.. pinipilit kong kalimutan ang lahat para bumalik kami sa dati naming turingan ni Gelo.. pero sa twing makikita ko siya, naaalala ko lang ang lahat.. kaya ilang linggo na din akong hindi nagpupunta sa kanila – since, wala na naman dun sina Angel para dalawin ko pa – para maiwasan ko na din si Gelo..

My phone beeped at kinuha ko un sa bulsa ko.. it’s Gelo again..

“how are you? You always ignored my messages.. me, actually.. iniiwasan mo ba talaga ko? Text me, i’m worried..”

lagi akong nakakatanggap ng message galing sa kanya, pero hindi ko nire-reply-an.. kapag tinatawagan naman nya ko, hinahayaan ko lang mag-ring ung phone ko hanggang sa huminto na un sa pagtunog.. hangga’t maaari kasi, ayoko munang makipag-usap sa kanya.. kinakabahan ako na ewan, simula nung dumating si Kirsten sa bahay nila..

kinakabahan ako pero may kirot dito sa puso ko..

my phone beeped again at sa kanya na naman galing ung text..

“Jass.. talk to me.. please.. kung hindi lang ako busy ngayon, pupuntahan kita jan sa bahay mo.. nag-aalala na ko.. ok ka lang ba?”

Di-nelete ko lang ung message nya at sakto namang nakalabas na din ng bahay si ate Beng dala ung bayong nya.. natawa ako dahil nanay na nanay ang itsura.. pinagdadala nga din nya ko ng bayong, pero sabi ko na siya na lang.. dahil konti lang naman ang bibilhin ko at makikisingit na lang ako sa malaki nyang bayong..

“Jasmine!” sigaw nya sabay lapit sa akin.. “ayos ka lang ba? Napaka-putla mo!”

Tinignan ko siya ng nagtataka.. “o-ok naman ate Beng.. medyo hindi lang maganda ung gising ko.. parang mabigat kasi ung ulo ko”

Sinalat nya ung noo ko.. “eh wag ka ng sumama sa akin.. ipamimili na lang kita.. baka magkasakit ka ng tuluyan nyan! May sinat ka..”

Umiling ako.. “hindi, ate.. uminom na ko ng gamot.. mawawala din to mamaya..at tsaka, kaya ko naman..”

Tinignan nya muna ko saglit saka lang siya pumayag.. kinagat ko na lang ung labi ko para hindi na mukhang maputla at sinubukang maging alive sa pakikipag-usap ko sa kanya para hindi na siya mag-alala..

Sumakay na kami sa tricycle at mabilis kaming nakarating dun dahil sa kabilang kalsada lang naman ung palengke.. kaya lang kasi kami nag-tricycle dahil walang dumadaang jeep sa lugar namin.. magpapahintay lang kami kay mang dado para hindi na kami tumawag pa ng iba.. at para na din may taga buhat kami, in case na mabigat ung mapapamili namin..

after that, lumabas na kami ng tricycle at pumasok na sa loob ng palengke..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon