Chapter 10 - hug..

4K 89 2
                                    

Chapter 10

*Jass*

“hindi na pwede! Dun ka na matulog sa inyo!”

Pagalit pero bulong na sabi ko sa phone ko nang tumawag ung bugok na un sa akin.. ang langhiyang lalaki kasi, tatatawag tawag sa kalagitnaan ng pagttrabaho ko, para lang sabihin na adobo naman daw ang lutuin ko mamayang dinner.. aba! Ung isang gabing pamamalagi nya sa amin, eh magiging isang linggo na!

Madami na ngang co-employee ko ang nakakapansin na palagi kaming sabay pumasok nung epal na un.. bakit kasi naimbento pa nila tito – Gelo’s father – na dito magtayo ng building nila malapit dito sa building ng boss ko, ayan tuloy, nape-perwisyo tuloy ako ng anak nya..

-_-

“Jasmine.. sabay na naman kayo nung lalaking un ah.. balita ko anak daw un ng bossing dun sa Lee Empires Inc. ah.. aba! Mayaman un ah! Tiba-tiba ka dun sa jowa mo na un ah..”

“hindi ko jowa un, pwede ba..” sabi ko dun sa ka-trabaho ko na muntik ng maging tsismosa.. “nakisabay lang ako dun, kasi nagloloko ung kotse ko..”

“aba! Makikisabay ka na nga lang, dun pa sa tagapagmana! Aba! Ang ganda mo naman, ‘ne!”

I faked my smile.. isa na lang talaga tong babaeng to, bingo na to sa’kin.. “kakilala ko naman un, te.. best friend ko ung kapatid nun, kaya nakasabay ako..”

“woah.. best friend! Sosyal! Dapat dun ka na lang nag-trabaho sa kanila.. malaki pa sahod mo dun kesa dito.. nako, if i were you, magre-resign na ko dito at magpapapasok na lang ako dun sa best friend ko.. may hunky-licious pa kong kasabay palagi sa pagpasok..”

Sabay layas nya na may kasama pang pag-flip ng hair nya.. alam nya kasing hindi ko siya mapapatulan dahil ayokong magka-gyera dito sa loob ng office.. ano pang silbi ng pagiging employee of the month ko for almost one year straight kung masisira lang ng dahil sa kanya..

I clenched my teeth same as my fist.. kalma, Jasmine. kalma.

Hunky-licious? Ha! As if patulan siya nung Gelo na un?

“ateng..” Luane – my close friend dito sa office dahil wala siyang bahid na ka-plastik-an pagdating sa akin –  pushed her swivel chair and went to my side saka ko kinalabit.. “hina-high blood ka na naman nung number one fan mo..” sabay tawa nya..

“hayaan mo na nga siya.. ayoko ng masira pa lalo ang araw ko..”

“pero teka nga, na-sight-sung ko din un kanina eh.. si Angelo Lee.. ang gwapo un ah.. teka nga, i-search ko nga un..”

Napa-irap na lang ako at nagpatuloy na lang sa paty-type ko nang marinig ko siyang tumili.. napalingon naman ako sa kanya at nakita ko sa monitor nya ung picture ni Gelo – hindi sa google, kundi sa facebook – na naka-sleeveless dark blue shirt at kasama si tito na naka-ganun din at may towel sa batok..

Katatapos lang siguro nila mag-bike ng kinuhanan yan..

“paano mo nadagit yan, Ja?” sabay turo sa monitor..

Napa-irap ako.. “Lu, hindi ko yan nadagit.. epal lang kasi yan..”

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon