Chapter 24 - baluktot ang katwiran..

3.8K 79 1
                                    

Chapter 24

*Jass*

Naalimpungatan ako ng makarinig ko ng mga yabag ng paa sa loob ng kwarto ko.. idinilat ko ng dahan-dahan ung mata ko at nakita ko si Gelo na pabalik-balik sa may closet ko at dun sa may maletang nasa tabi nya.. napatingin ako sa wall clock at alas-syete na pala ng gabi.. apat na oras din akong natulog at napahimbing ako kaya hindi ko namalayan ang pagpasok ni Gelo sa bahay..

Ibinaba ko ung binti ko sa ibaba ng kama at saka ako dahan-dahang bumangon.. napansin siguro ni Gelo ung pag-gising ko kaya lumingon siyang saglit sa akin saka pinagpatuloy ung pag-iimpake nya..

“nagising ba kita?” sabi nya habang busy siya dun sa pag-impake..

“hindi naman.. kanina ka pa ba?”

“kararating ko lang.. halos katatapos lang nung meeting, kaya natagalan ako..”

Tumayo na ko nun at kinuha ung suit nyang nakabagsak lang dun sa may lapag.. isinabit ko un sa may likod ng pinto saka ako humarap sa kanya..

“kailan tayo aalis?” sabi ko..

Humarap siya sa akin.. “bukas? Ok lang? Napa-ayos ko na naman ung condo eh..”

Tumango ako saka ako ngumiti.. “ok lang.. sige, bukas na lang.. kumain ka na ba?”

Umiling siya.. “gutom na nga ko eh.. hindi pa nga ko nakakapag-lunch..”

“lunch?! Anong oras na ah..”

“eh kasi nga ung meeting na un, kairita.. nawalan ako ng gana kanina kaya hindi na ko kumain..”

“ganun ba.. sige, magluluto na lang ako.. saglit lang..”

Palabas na sana ako ng kwarto ko ng marinig kong tinawag nya ung pangalan ko.. lumingon ako sa kanya at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko dahil hawak nya ung kulay red kong bra.. napansin nya siguro un kaya bigla nyang binitawan un, at nag-iwas siya ng tingin..

Takte.. sa lahat ng mahahawakan, bra ko pa.. badtrip!

“a-ano.. kaya m-mo bang magluto?” sabi nya habang pinagpatuloy ung pag-iimpake nya..

“o-oo.. s-sige na..”

Sabay alis ko sa loob at sinara kaagad un.. grabe lang.. nakakahiya!!

------------------

Halos kakatapos ko lang mag-hain ng makababa na siya at nagtungo dito sa kitchen.. sinipat nya kaagad ung niluto kong adobo sa mesa at napangiti siya.. hindi ko alam kung sa kaba ba un o talagang tumalon ang puso ko sa nakita kong pagngiti nya.. basta ang alam ko, twing makikita ko ung mata nyang sumisingkit kapag nangingiti siya, bumibilis ang tibok ng puso ko..

Ganun yata kapag buntis?

“ang bango ah.. let’s eat..”

Naupo na siya at sinimulan na nyang kumuha ng kanin.. pinagsandok din nya ko sa plato ko maging ung ulam ay ganun din.. hindi nya yata napapansin ung pag-ngiti ko dahil busy-ng busy siya sa ginagawa nya.. nung makaupo na siya at susubo na, napahinto siya at saka ako tinignan..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon