Chapter 13 - Aaron..

4K 64 1
                                    

Chapter 13

*Jass*

“sira ulo kang babae ka! Bakit ka nagpahalik?!”

Sermon ko sa sarili ko sabay higa ng padabog sa kama.. pumasok na ko kaagad sa kwarto ng isara na ni Gelo ung kwarto nya.. nakatingin ako sa kisame, pero mukha ni Gelo na nakapikit ang nakikita ko habang hinahalikan nya ko..

Sinampal ko ung mukha ko saka ko un hinawakan.. Ano bang nangyayari sa akin? nung hinawakan pa lang nya ung baba ko kanina, alam ko nang hahalikan nya ko eh.. may chance pa ko para batukan siya, pero hindi! Hindi ako umalis.. instead, hinintay ko pa yung labi nya sa labi ko at ang malala pa nito, humalik pa ko pabalik!

Mula sa pagkakahawak ko sa pisngi ko, bumaba iyon sa labi ko.. dito ako hinalikan ni G-Gelo..

Oh my.. what is happening to me??

“waaaaahhhhh!!”

Nagpa-gulong gulong ako sa kama.. lahat na yata ng mahablot kong unan, nabalibag ko na dun sa lapag.. ubos na din yata ung buhok ko dahil sa kakasabunot ko.. hindi ako makatulog dahil dun.. naka-ilang sipat na ko sa orasan, at nakita kong pang-apat na oras ko na tong nagpapa-ikot ikot sa kama.. gusto ko nang matulog.. pero twing pipikit naman ako, nakikita ko na naman ung mukha nyang nakapikit kanina..

Malala na yata ako..

Pero naalala ko ung sinabi nya kanina.. napabangon akong bigla.. kung move-on na daw ako, siya na dapat ang nasa isip ko at hindi na si Aaron.. dapat ay SIYA na DAW at hindi na si Aaron? Anong ibig nyang sabihin dun?

wala un sa hinagap ng utak ko.. totoong naalala ko si Aaron dun, pero hindi nawaglit sa isip ko na si Gelo ang may gawa nun sa akin.. in fact, mas natutuwa nga ko dahil nahigitan pa ni Gelo ung mga ginagawa sa akin ni Aaron noon, the fact na mas matagal ang pinagsamahan naming dalawa kesa kay Gelo..

hindi sa nagkukumpara ako.. akala ko kasi na wala nang makakagawa sa akin ng ganun – at mas higit pa – dahil nga na-set na sa utak ko na sobra-sobra na ung mga actions ni Aaron.. hindi ko akalain na mas higit pa ung mga ginagawa ni Gelo kesa sa kanya..

napangiti ako..

pero bakit naman nasabi ni Gelo na dapat, siya na??!

dahil sa mga kaiisip ko na un, nakatulog na pala ako.. nagising na lang ako ng may kumakatok sa pintuan ko kaya napabangon ako agad at binuksan ko na un.. nagulat akong si Gelo un na naka-topless at naka jogging pants.. katatapos lang siguro tumakbo..

“Jass..”

Tapos ung... ung abs.. potek! Busog na ko agad! Pandesal sa umaga?? Swak na swak! Potek!

“Jass!!”

Napitlag ako sa sigaw nya, saka ko napatingin sa kanya.. “ano?!” sigaw ko..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon