Chapter 3
*Jass*
“frenship.. gora you sa’min!”
Napangiwi ako sa boses palaka ni frenship sa phone ng tawagan nya ko, pagkagising na pagkagising ko pa lang.. alam nya namang ayaw ko ng ganun ung boses nya, dahil alam kong kinikilig na naman siya sa jowa nyang si Carlos..
Hindi sa pagiging bitter, pero ayoko lang ung kinikilig siya dahil lang sa lalaki.. wala na kong tiwala sa mga lalaki na yan, alam nya un..
Carlos is one of the most handsome, sexy, or should i say, drop dead gorgeous bachelor in the whole universe na kilala ko, bukod sa ubod ng yaman nito.. my best friend was lucky to have a boyfriend like Carlos dahil kung gaano ito sobrang hot sa looks nya, ganito naman ito ka-down to earth.. as in, sobrang bait dahil ang faithful kay frenship.. kahit madaming magaganda bunhi ng palay ang nakalahad sa kanya – not that, hindi maganda si frenship, maganda si frenship pero natataob siya nung mga babaeng coloring book dahil sobrang simple lang nya – ay hindi nya pa din tinutuka, dahil nga si frenship lang daw ang mahal nya..
Eh ano naman??? Ganyan din si Aaron sa akin dati, kaya kahit sobrang bait pa nung Carlos na un, hindi pa din ako tiwala sa kanya para kay frenship..
“si Carlos na naman ba yan?”
Impit na tili ang narinig ko sa kabilang linya.. sinasabi ko na nga ba.. “yes! Yes, frenship! Nagdala siya ng madaming foods dito and..... halika na lang, lantakin natin!”
“baka naman letchon na naman yan?? Ay! Nako.. aawayin ko na talaga yan.. bobo nya..”
Paano naman kasi, nung last year yata un, nagdala ba naman ng letchon ang bugok.. eh may sakit nga sa puso si Angel so paano nya kakain un, diba? Pinigilan lang ako ni Angel sa gagawin ko nun sa kanya, kaya hindi ko naaway.. that time, wala pa si Gelo nun kaya ako pa ung tagapag-bantay ni frenship nun..
Speaking of Gelo.. siya ang dahilan kung bakit umuwi ako ng di oras sa apartment ko.. kung hindi kasi ako aalis dun, mabu-bully ako ng mabu-bully dahil napakasama ng langyang un.. sira-ulo siya.. kung hindi ako ihuhulog sa pool, ila-lock ako sa loob ng banyo o kaya pagttripan ung pagkain ko..
Bwiset sya!
“frenship! M-may dala nga siyang ganun.. pero para daw sa inyo un.. may dala siyang ibang pagkain na para sa akin lang.. at! Frenship.. be careful ha.. baka malunod ka pagtungo mo dito..”
As if.. “oh, eh bakit naman?”
“kasi bumabaha ng flowers sa amin.. yeeeee!!”
Sa inis ko, pinagbabaan ko na lang siya ng phone at saka ako nag-send sa kanya na i’m on my way, kahit hindi pa naman.. ni hindi pa nga ko nakakaligo.. naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan.. -_-
Hindi naman ako nagtagal at natapos na din ako.. sasama kasi loob sa akin nun kapag hindi ako pumunta.. mabilis naman ako nakarating dun dahil hindi naman natuloy sa junk shop ung kotse ko.. dito pala sa apartment ko dinala ni Gelo ung kotse ko ng hindi ko nalalaman – nung wedding day ni Aaron.. nung last week ko lang nalaman na nasa apartment ko na pala to kung di lang ako umuwi..
BINABASA MO ANG
The Hopeless
General Fiction"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..