Chapter 30 - stubborn

3.3K 77 0
                                        

Chapter 30

*Jass*

Ilang araw na ang lumipas simula ng mangyari ang bagay na un.. sa lumipas na araw na un, laging undertime si Gelo sa trabaho para bantayan lang ako.. at ilang araw na din akong hindi lumalabas ng kwarto nya dahil total bed rest daw ang kailangan ko.. hindi din ako pinabababa ng hagdan palagi, dahil baka daw mapaano ako.. bawal maglalakad, bawal kumilos, lahat na! Kapag mag-c-cr lang yata ako, saka ako nakakatayo..

At ngayon lang yata ako naeexcite, dahil after kong magpa-check up ngayon, sinabi ng doktor na safe na ang pagbubuntis ko.. i mean, makapit na daw ang kapit ng anak ko sa akin, dahil sa ipinahinga ko nitong mga nagdaang araw.. back to normal na daw ang pagbubuntis ko.. sino ba namang hindi masa-safe sa ginawa ko, kundi lang ako maliligo, hindi ako makakatayo sa kama..

sobrang bored na bored ako, dahil laging nakabantay si Gelo.. hindi ko naman matanggihan un, dahil nga baka mag-away na naman kami.. hindi na ko makakalayas.. kaya imbes na awayin ko, siya na lang binagbubuntungan ko ng pagka-bored ko..

“hindi ibig sabihin na safe na ang anak natin, eh pwede mo na naman akong layasan, Jass.. sinasabi ko lang sayo, mahahanap at mahahanap kita kahit saang lupalop ka magpunta..”

Un agad ang sinabi ni Gelo pagkapasok pa lang namin ng kwarto nya.. kauupo ko pa nga lang sa kama at hindi pa naaalis ung isang strap ng sandals ko, eh ganun na agad ung sinabi nya.. umirap na lang ako sa kanya nun habang tinitignan siyang kumukuha ng damit sa closet nya..

“oo na.. may sinabi ba kong lalayasan kita?” sabay hagis ko ng sandals ko sa tabi.. “kainis to.. ang sungit na naman..”

Habang nasa loob siya ng banyo, ay sinamantala ko na ang pagbihis ko.. mabilis lang akong nakabihis dahil dress lang naman ang sinuot ko at pati ung pamalit.. sakto lang ang pagbibihis ko bago nakalabas si Gelo galing sa banyo..

Naupo na din siya kagaya ko.. chine-check ko lang ung mga vitamins ko nang kunin nya ung hand bag ko sa side table.. kinuha nya ung isang papel dun at kita ko sa peripheral vision ko ang pagngisi nya.. napatingin tuloy ako..

“ningingiti-ngiti mo jan?”

Itinaas nya ung hawak nya.. “sabi ko na eh.. lalaki to..” kumikislap ang mata nya habang tinititigan ung ultrasound ko na hawak nya.. “Prince Andre na to ah..”

“oo na..”

“hindi ka ba masaya?”

“masaya..”

“eh bakit ganyan mood mo? Ang sungit mo..”

“ikaw tong masungit.. nahawa lang ako..”

Natawa siya.. kinurot nya ung pisngi ko at akmang yayakapin ako sa tiyan, nang may kumatok sa pintuan.. tumayo agad siya at binuksan ang pinto at lulan nun ay ang mommy nya.. ngiti agad ang rumehistro sa kanya nang makita nyang iniwawagayway ng anak nya ung hawak nya..

“ang apo ko na ba yan? Let me see..”

Binigay ni gelo sa mama nya ung ultrasound.. napangiti ito.. “si Prince Andre yan, ma..”

“lalaki?” gulat na sabi nya..

“yes ma.. my son..”

Ngumiti ng matamis ang mommy nya at humarap sa aming dalawa.. “congratulations to the both of you.. i’m so happy at may little Angelo na naman sa bahay na to..excited na ko makita siya..”

Ilang pambobola pa ang inabot namin kay tita, bago nya kami tigilan.. panay lang ang papuri nya sa magiging apo nya, kahit hindi pa naman nakikita ung mukha ni baby.. gwapo na daw ito, base na daw sa hawak nyang ultrasound..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon