Chapter 6 - fitting..

4.2K 69 3
                                    

Chapter 6

*Jass*

“on the way na daw si kuya.. dun na lang daw tayo magkita..”

Mula sa paglalantak ko ng mga free taste dito sa mall, napalingon ako kay Angel na katatapos lang makipag-usap sa kuya nya thru phone.. napatango na lang ako sa kanya nun at kumuha na ulit – for the last time – ng free taste na hotdog dun sa may tray at saka umalis..

“frenship! Mahiya ka nga.. mauubos mo na un..”

Ngumisi ako sa kanya.. “it’s free taste, yah know.. it’s free, kaya sulitin na..”

“oo nga, kaso lang naubusan mo na ung mga batang nakapila..”

Bumalik ang tingin ko dun sa pinanggalingan namin, at lahat ng bata ay nakatingin nga sa akin.. ung babae namang nagpapamigay dun eh hindi magkamayaw kaka-slice nung hotdog.. napangiti na lang ako ng pilit at bumalik ng tingin..

Shockings, Jasmine.. mukha ka talagang hotdog!

Nagpatuloy na lang kami palabas ng mall, dahil dun na nga lang daw kami magkikita nila Gelo sa may Quezon City, kung saan nandun ung wedding couture na gumawa sa wedding dress ni Angel.. well, ung gown ko din naman at ung suit ni Gelo, dun din, kaya magkikita-kita na lang kami dun.. isusukat kasi namin kung kailangan pa ba ng adjustments o hindi na..

Sinabi ko nga kay Angel, na wag nya na ko isama at si Carlos na lang ang isama nya, dahil siya naman ung mapapangasawa nito.. ayaw naman ni Angel, dahil baka daw hindi matuloy ung kasal kapag nakita ng future-groom na suot ung wedding gown ng future-bride..

Anong klaseng pamahiin naman un??

In the end, wala din akong nagawa dahil patungo na nga kaming dalawa dun.. malapit lang naman ung mall na pinuntahan namin sa pupuntahan namin ngayon kaya agad kaming nakarating.. sinalubong lang kami ng isang middle-aged woman at pinaupo na kami sa receiving area nung shop nila..

“nakarating na po ba dito ung kuya ko? Kung natatandaan nyo po noon, ung kasama kong nagpasukat na lalaking may kulay ung buhok?” tanong ni Angel dun sa babae..

“hindi pa hija.. wala pa siya dito..”

“ah.. ganun po? Pati po siya ifi-fit ung suit nya po no?”

Natawa na lang ako sa pagiging magalang ni Angel.. puro ‘po’ ung nilalabas sa bibig nya..

“yes, mam.. pati po si Ms......” tinignan nya muna ung nasa notebook nya at humarap sa akin.. “Ms. Jasmine po..”

Ngumiti naman ako.. “opo, sige po..”

Pinauna muna – syempre, si Angel dahil siya ung bride.. pinapunta lang ako dun sa may waiting area, kung saan may malaking kurtinang nakatakip sa may mini flatform na nandun and once na nai-fit na ung gown, hahawiin ung kurtina at makikita ko na si Angel na suot ung gown nya..

Para tuloy akong na-excite.. parang nasa koreanovela lang.. kung si Carlos ung nandito, siguro natatae na un sa kaba at mukhang na-hypnotize dahil nganganga talaga siya once na makita nya si Angel..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon