Chapter 16 - after party..

3.6K 67 0
                                    

Chapter 16

*Jass*

Masaya ang naging party nila Angel.. madami akong nainom.. nakikihalubilo pa din naman ako sa mga bisita pero hindi ko na nakita si Gelo.. iniwanan na nya kasi ako dun sa mga kaibigan naming babae kanina at nagtungo na siya dun sa may kumpulan nila Carlos.. pero wala na siya sa kahit saang parte ng bahay nila ngayon, kaya hula kong umakyat na un sa kwarto niya..

“oo girl! Nandun na sa waiter ung.. alam mo na..”

Rinig kong sabi nung nasa katabing table ko.. hindi na ko nakinig pa dahil magC-CR muna ko.. naiihi na kasi ako dahil ang dami kong nainom..

“oo teh! Effective daw un! Napaka-inosente kasi nung Carlos na un, kaya kailangan pang tulungan sa ano..”

Sabay tawanan naman nilang lahat.. Kaibigan un ni Angel nung college.. close friends yata niya un, at alam kong may balak na naman ung mga un.. napatawa na lang ako.. nung kanina kasi, binigyan nila ng regalo si Angel sa buong madla at nung buksan ni Angel ung gift, isang sexy-ng sexy-ng lingerie na kulay red and black ung laman at agad na namula ng husto ang kaibigan ko.. tawa pa kami ng tawa nun dahil ilang minuto pa bago nya nalaman na lingerie ung hawak-hawak nya bago nya binalik sa box..

Ngayon si Carlos naman..

Nakakatawa talaga..

Pagka-CR ko, hindi na muna ko bumalik sa labas.. naupo muna ko dito sa bar nila sa loob ng bahay at niyuko ko ung ulo ko.. para kasing bumigat ang ulo ko at pati ang mga mata ko.. inaantok yata ako na hindi ko maintindihan.. pero nung dumaan ung waiter, kumuha muna ko ng mga tatlong shots pa, bago man lang ako umakyat sa taas para matulog..

Mahimbing na mahimbing na siguro ang tulog ko nito.. lasing na ko eh..

“Jass..”

Napabangon ako.. napangiti ako dahil si Gelo pala ung tumabi sa akin.. ini-straight ko ung natirang hawak ko saka tumingin sa kanya.. napangiwi ako sa tapang nitong isang to.. gumuguhit talaga sa lalamunan ko ung init, pero ang sarap..

nakapagpalit na pala siya ng damit nya pagkatapos nyang itaboy si Aaron sa party.. yes, tinaboy nya talaga nang hindi nalalaman nung parents ni Aaron.. binantaan ni Gelo si Aaron na sasabihin nya sa asawa nya ang pakikipag-usap pa nya sa akin at pati ung nakaraan namin, kung hindi pa siya lalayas sa bahay nila..

Ayoko sana ng idea na un, pero un na yata ung dapat gawin.. para hindi na siya maghabol sa akin..

“antok ka na?”

he said in husky voice.. shocks! Ang sexy nun ah! Alam kong lasing na tong isang to, pero hindi ko alam na ganito pala ung boses nya kapag naka-inom! Grabe, ang sexy! Napatawa ako sa naisip ko..

umiling ako.. “hindi pa.. pero mabigat ung ulo ko tsaka mata ko..” sabi ko na lang at inubos na ung alak na hawak ko..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon