Chapter 17 - someone else..

3.6K 72 1
                                    

Chapter 17

*Jass*

Idinilat ko ang mga mata ko ng dahan-dahan.. bumungad kaagad sa akin ang orasan sa may side table at nakita kong alas-onse na ng umaga.. napa-hawak akong bigla sa ulo ko dahil sobrang sakit nito.. pumipitik ito kada ililipat ko ang tingin ko sa paligid.. hindi ako makatihaya dahil masakit din ang buong katawan ko.. kaya nanatili akong nakadapa at pinapahinga ang ulo ko.. ito na yata ang pinaka-tanghaling gising ko sa talambuhay ko.. mabuti na nga lang at Sunday ngayon at wala akong pasok..

Ipipikit ko ulit sana ang mata ko nang maalala ko nga palang nasa bahay ako nila Angel.. nakakahiya naman kung katukin pa ko ng katulong nila dito kung hindi pa ko babangon.. and worst, baka dalhan pa ko dito ng pagkain dito sa bed.. ayoko namang mangyari un..

Kinusot ko ang mga mata ko at dahan-dahan akong tumihaya para madali akong makabangon.. pero nung titihaya na ko, may naramdaman akong kumibot sa likod ko kaya lumingon ako dun.. nanlaki talaga ang mata ko sa nakita ko.. nagulat ako dahil likod un ng isang lalaki!

“SH*T!!”

Napasigaw ako.. gumalaw bigla ung lalaki kaya dali-dali kong sinipat ang ilalim ng kumot namin bago pa siya makaharap sa akin.. at mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko..

WALA AKONG SUOT!

“T*ng*na!!”

Sigaw ko ulit sabay bangon ko.. hinihingal ako dahil nagha-hyperventilate yata ako ng ma-realize ko ang nangyari kagabi.. wala akong matandaang nakasama ko sa buong gabi nung party na un kundi si Gelo lang.. at ang buong naaalala ko lang ay ung hinatid ko siya hanggang sa kwarto nya at wala na!

Napalibot ang tingin ko sa paligid ko.. oh, shoot! Kilalang kilala ko ang kwartong ito.. wala ako sa kwarto ko, o sa kwarto man ni Angel, o nang kahit kanino.. kundi nasa kwarto nya ko! Kwarto ni Gelo!

“SHHHHHHH*TTT!!!!” tili ko..

“what? What?!”

gulat na sigaw ni Gelo habang natatarantang bumabangon kahit nakapikit pa siya.. hindi pa yata siya oriented sa paligid nya kaya nagawa nya pa ko titigan pagkadilat nya ng may pagtataka.. hawak-hawak ko ang kumot nya at ibinalot ko ito sa katawan ko habang nililibot ng tingin ko ung mga nagkalat na damit namin sa lapag..

gusto kong maiyak.. alam kong may nangyari nga sa amin kasi.. masakit kasi ung.......katawan ko.. shocks!!

Napahagulgol na lang ako dahil sa katangahan ko.. itinakip ko ung parehas kong kamay sa mukha ko at dun ko na lang binuhos lahat ng luha ko.. maingay at nakakabinging iyak ang nagawa ko ngayon.. bakit kailangan pang humantong sa ganito?? Naiinis ako kay Gelo pero mas naiinis ako sa sarili ko!

“Ja-Ja-Jasmine!!!”

sigaw nya.. siguro aware na siya sa ginagawa ko ngayon.. napatingin ako sa kanya at nakita kong wala din siyang saplot.. napahagulgol na naman ako dahil dun.. wala na! Syeeeet!! Wala naaaaaa!!

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon