Chapter 19
*Gelo*
“Gelo! Nasaan ka bang bata ka?! Kanina ka pa dapat nandito ah..”
“ma.. may dinaanan kasi ako..”
“sino?”
Napatingin ako sa bahay ni Jass.. “a.. friend..”
“friend? Anak, nakuha mo pang dumalaw sa kaibigan mo.. wala ka bang jetlag?”
Napangisi ako.. totoo naman kasi.. may jetlag pa ko, pero dito na kaagad ako dumiretso..
“wala, ma..” pagsisiningaling ko..
“kanina pa si Kirsten dito, hinihintay ka..”
Napabuga ako ng hangin sa sinabi ng mommy ko.. napasandal ang ulo ko sa sandalan at napapikit.. bakit ba ko nandito? Ilang linggo na kong nagpapabalik-balik dito noon sa lugar na to pero wala naman akong napapala.. lagi lang akong nakakulong sa kotse ko at iniisip kung ok lang ba siya o hindi..
Nandito ako palagi sa may tabing kalsada kung saan natatanaw ko dito ung apartment ni Jass.. kung hindi nga lang sana ako umalis ng bansa, edi sana naka-usap ko na siya noon pa, at hindi ako patago-tago pa dito..
Naduduwag kasi ako nung una.. hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat pa naming pag-usapan.. gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko siyang panagutan kahit wala namang nagbunga.. hindi kasi ako pinapatulog ng konsensya ko sa nangyari.. nasa ulirat pa ko nung nangyari un, pero hindi ko pinigilan ang sarili ko.. instead, ginawa ko pa talaga sa kanya un and i realized that i’m her..... first.
nung time naman na handa na kong makipag-usap sa kanya tungkol dito, saka ako biglang nagka-conference sa Vietnam.. -_-
may dalawang buwan na din ang nakalipas nang maka-alis ng bansa ang kapatid ko at si Carlos.. ang alam ko ay isang buwan lang sila dun, pero lagpas na ang dalawang buwan, wala pa din sila dito.. nag-e-enjoy pa daw kasi sila kaya hindi pa sila makauwi.. naiinis naman ako dahil sila ang susi ko para makausap ko si Jass..
simula nung umalis silang dalawa, hindi na bumalik pa si Jass sa bahay.. ni hindi na nya kami napupuntahan sa bahay at twing tatawagan naman siya ni mommy, sasabihin na naman nyang busy siya o di kaya ay may-field work sila sa trabaho..
At kung hindi lang siguro ako na-assign sa Vietnam, malamang eh nasa dalawang buwan ko ng routine to..
“Gelo? Gelo, are you still there?”
“yea, ma.. tell Kirsten come back tomorrow..”
“what?! Dalawang oras na siyang naghihintay dito.. mahiya ka naman..”
“malayo pa ko ma.. mas nakakahiya kung paghihintayin ko siya ng mas matagal pa diba? Sige na ma, nagd-drive ako.. bye..”
I ended the call.. hindi pa kami official ni Kirsten.. at hindi din totoo ung bali-balitang engage na siya.. at dapat ay natutuwa ako dahil dun, pero hindi.. dahil dun ay iniiwasan ko pa siya at tumatakbo ako dito sa lugar na to, kung saan natatanaw ko si Jass kahit sa malayo..

BINABASA MO ANG
The Hopeless
General Fiction"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..