Chapter 14 - Kirsten..

3.7K 67 0
                                    

Chapter 14

*Jass*

Inaya akong mamasyal ni Gelo sa buong bayan sa nila.. nagpalipat-lipat kami sa iba’t ibang bukirin ng kapit bahay nila pati sa mais-an at palayan nila.. sumakay din kami sa may kalesa pati sa kalabaw.. natutuwa na nga ko kasi hindi na siya badtrip hindi katulad kanina..

Bumili lang siya ng madaming ice candy para may makain kami habang namamasyal.. panay nga lang ang reklamo nya dahil ang bilis daw natunaw ung mga un.. malamang, nasa ilalim kami ng initan, tapos ice candy ung binili nya.. -_-

Nagpahinga muna kami sa may ilalim ng puno.. naka-sandal si Gelo sa may puno habang ako ay nakasakay sa may duyan na gulong.. nagdu-duyan lang ako dito nang bigla siyang magsalita..

“anong naramdaman mo?”

Tumingin ako sa naka-shades na si Gelo at hininto ko ung pag-duyan ko.. “saan?”

“sa... e-mail nya..”

Napahinto ako.. ano, pag-aawayan na naman ba namin to? Huminga ako ng malalim.. “wala..”

“anong wala?”

“wala.. wala akong naramdaman.. may dapat ba kong maramdaman?”

Inalis nya ung shades nya saka siya tumingin sa akin.. “eh bakit ganun na lang ung pagsinghap mo nung nakita mo un? Para pa ngang natuwa ka pa eh..”

“oy! Hindi ah.. nagulat lang ako kasi ang tagal ng panahon nung huling mag-email siya sa akin..”

“siguraduhin mo lang ah..”

“bakit ba? Lagi kang galit jan kapag si Aaron na ung topic natin..”

“paanong hindi ako magagalit? Kapag sinagot mo na naman yan, gagawin ka nyang kabit, tapos iiyak iyak ka na naman kapag iniwan ka na naman? Tapos makakasira ka pa ng pamilya..”

“sinabi ko bang sasagutin ko?”

Inirapan lang nya ko.. “basta Jass ah.. wag mo na siyang papansinin..”

“oo na..”

Medyo nagtagal pa kami dun ng ilang oras pa.. palubog na ang araw ng maisipan naming umuwi na.. baka kasi gabihin kami sa daan at mag-alala pa ung lola nya sa amin.. umalis na ko sa duyan at tumayo na siya saka siya nagpagpag ng pantalon nya..

hinawakan nyang bigla ung kamay ko na siyang kinagulat ko at pinagsalikop pa nya ang mga ito.. dahan-dahan kaming lumalakad patungo sa pinag-parkan ng sasakyan nya..

Napatingin ako sa kamay naming magkasalikop ngayon habang nags-swing ng bahagya.. hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, pero parang overwhelmed ang puso ko.. mabilis ang tibok nito at ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko..

I admit.. simula nung hinalikan nya ko, ganito na agad ang nararamdaman ko.. no, simula pa lang na naging superhero ko na siya, unti-unting naaalis ang pagiging bigo ko sa pag-ibig dahil sa kanya.. dahil sa kanya, mabilis kong nakalimutan na niloko pala ko ni Aaron..

“Ge-Gelo..”

“hmmm?” sabay lingon nya sa akin..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon