Chapter 20 - slipped

3.6K 69 0
                                    

Chapter 20

*Jass*

Halos halikan ko na yata ung toilet pagkagising na pagkagising ko ngayong umaga.. wala akong pasok ngayon at balak kong gumising ng tanghali ngayon para makapagpahinga ng mahaba, pero nagising ako dahil bumaliktad agad ang sikmura ko.. wala naman akong naisusuka, dahil wala pa naman akong kinakain ngayon.. puro tubig lang lahat ng lumalabas..

Mas malala pa tong nararamdaman ko nung may 40 degrees akong lagnat.. mas matindi to, promise..

Naghilamos na ko after kong pakiramdaman ang sarili ko na ok na ko.. hindi na ko bumalik sa kama dahil feeling ko, babaliktad na naman ang sikmura ko kapag nahiga pa ulit ako.. bumaba na ko at nagtungo kaagad sa sala, only to find out na may isang paper bag dun na ang laman ay pandesal at toasted na hotdog, dalawang sunny side-up egg tsaka lychees..

Yes, may lychees kaya un agad ang nilantakan ko..

Isang buwan na ang nakakalipas ng malaman kong nagdadalang-tao ako.. sinabi ng doktor na going 8 weeks na nga akong buntis nun ng mahimatay ako at nung nag-away kami ni Gelo.. pero nagka-bati din naman kami agad, dahil ayaw nya daw na ma-stress ako dahil bawal sa akin ang stress..

He consider himself as one of my stressors, kaya nagpapakabait na siya ngayon..

Katulad na lang nito.. nagpagawa siya ng duplicate key siya ng bahay ko, para malaya siyang nakakapasok sa bahay ko para gawin ang mga ito..

si Gelo ang nag-prepare ng mga almusal ko dahil alam nyang puro instant noodles ang kinakain ko kapag inatake ako ng katamaran.. bawal daw un sa anak nya, kaya magvo-volunteer na lang daw siyang maging cook, kesa daw sa instant noddles ang ipakain ko sa anak nya.. at ito daw ung pambawi nya sa akin.. naguguluhan na nga ko sa taong un, dahil alam kong ako ung mas may kasalanan sa amin, pero siya ung bumabawi..

Hindi pa kasi alam sa kanila ang tungkol sa amin.. not actually, about us dahil wala namang ‘kami’, pero ung nasa sinapupunan ko.. ako kasi ang nagsabi sa kanya na wag muna naming sabihin to sa kanila, dahil gusto ko siyang makapag-isip muna.. isipin nya kung ano ang sasabihin nya kay Kirsten once na nalaman ang sitwasyon ko.. o kaya naman ay maisipan nyang iwan ang bata sa akin at mamuhay sila ni Kirsten ng tahimik, ok lang sa akin..

Gusto ko siyang sumaya..

At oo, gusto ko siya.. may nararamdaman na ako sa kanya, pero hindi nya pwedeng malaman un hangga’t may ugnayan pa sila ni Kirsten.. alam kong malilito siya kapag nangayri un..

Napatingin ako dun sa papel sa mesa.. May note na nakadikit sa plato.. kinuha ko un at binasa..

I’ll pick you up later.. nasa house sina Angel, gusto ka makita.. even mom and dad.. nagtataka na sila sayo.. pati sa akin.. we’re both acting weird these days daw.. kaya, wag ka ng kumontra, punta tayo sa house after ko sa office..

P.S.. pa-kiss sa anak ko.. tnx..

-A. Lee

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon