Chapter 39 - reason

3.2K 98 1
                                    

Chapter 39

*Gelo*

“sir, may gusto pong kumausap sa inyo. si Mr. Aaron Villania..”

Napatigil ang daliri ko sa pagpindot ng intercom dito sa office ko, nang sabihin ng secretary ko kung sino ung gustong kumausap sa akin.. actually, kanina pa nga daw iyon nandito at hinintay lang matapos ang ginagawa ko.. ayoko sanang mag-entertain ng bisita ngayon, dahil sobrang stress at pagod na ko sa trabaho ko at the same time, pati na din kay Jass, pero nagpupumilit daw tong si Aaron..

At isa pa tong taong to na dadagdag sa sakit ng ulo ko..

“sir?”

I snapped back.. “let him in..”

Ibinalik ko ang atensyon ko sa laptop ko at nag-encode ng mga dapat i-encode, nang marinig kong pumasok na si Aaron sa loob at nag-diretso talaga sa upuan sa harapan ko.. i smirked.. hindi talaga siya nagbabago.. makapal pa din talaga ang mukha..

I heard him sighed and then..

“i want to talk about Jasmine..”

I faced him.. “hello to you too, Aaron..”

“hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa, Gelo.. gusto kong pag-usapan natin si Jasmine ngayon..”

“anong pag-uusapan natin? Babawiin mo na naman siya? kukunin mo na naman siya sa akin?” i faked laugh.. “in your dreams, dude..”

“puro ka dada, Angelo.. alam ko kung paano mo tratuhin si Jasmine ngayon.. i heard, ni hindi mo daw pinapansin ang presensya ng nobya mo.. madali naman akong kausap eh.. kung ayaw mo na sa kanya, kukunin ko na siya sayo.. isang sabi mo lang.. sa ngayon kasi, parang mas mapapabuti siya sa akin dahil ganyan ka sa kanya ngayon..”

“ano bang alam mo, ha?!” singhal ko.. nanggigil akong bigla dahil sa mga sinabi nya.. wala siyang ka-alam alam sa nangyayari sa amin ni Jasmine ngayon.. napakuyom-palad ako..

“katulad mo, madami din akong koneksyon.. madami akong nalalaman tungkol sa inyong dalawa..” he hissed.. “ilang linggo na nakalipas, Angelo.. ka-liit liit na bagay, pinalaki mo.. ni hindi mo pinakinggan kung ano sasabihin sayo ni Jass..”

“maliit na bagay?” singhal ko ulit.. “sa tingin mo bakit lumaki tong gulong to? Dahil sayo, hindi ba?! may asawa ka na’t lahat, dumidikit ka pa din kay Jasmine..” i leaned forward and looked at him intently.. “at May gana ka pang gumanyan sa akin, eh ikaw naman ang puno’t dulo ng lahat ng to..”

He sighed.. “kaya nga nandito ako, dahil gusto kong pag-usapan natin un, Angelo..”

“kitang-kita na ng dalawang mata ko, Aaron, so bakit pa natin pag-uusapan?”

“do you really think that she can do that to you?” bigla nyang sabi.. “she only gave back my ring at wala na siyang ginawa pang iba..” he laughed..  “Sabi mo mahal mo ung tao, pero ni katiting na tiwala, wala ka man lang ilaan sa kanya.. what kind of love is that?”

“you don’t know anything..” sabi ko..

He nodded.. “maybe.. pero nung kami pa, alam mo, hindi ako nawalan ng tiwala sa kanya.. un kasi ang importante sa kanya eh.. ung tiwala.. kaya kung hindi mo kayang magtiwala sa kanya at kung hindi mo kayang ayusin ang relasyon nyo, Gelo.. hindi ako magda-dalawang isip na kunin siya sayo.. pati ang anak mo..”

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon