Chapter 40
*Jass*
Napangiti ako..
may nabungaran kasi akong kakaiba pagkadilat pa lang ng mata ko.. Umagang umaga naman tong surprise nya sa akin.. at umagang umaga din naman kung kiligin na ko ng husto.. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung bubungad sayo eh three red roses na nakapatong sa side table at naghe-hello sayo..
Napangiti ulit ako..
ang sarap pala na maligawan ulit.. lalo pa na si Gelo ang manliligaw sayo.. to tell you the truth, si Aaron lang ang nanligaw sa akin noon, dahil siya lang ung pinayagan kong manligaw sa akin.. ayoko sa mga lalaki noon, pero nireto siya sa akin ni Angel noon, isa pa, kaibigan ni Angel si Aaron kaya ganun..
Pero hindi ko alam na mas mahusay pa lang manligaw tong loko na to kaysa sa kanya.. parang nagpapasalamat pa ko na nagka-galit kami dahil ngayon ko lang naramdaman sa kanya ung ganito.. ilang buwan na ba ko nagpapaligaw? Siguro magdadalawang buwan na..
Yes, magdadalawang buwan na.. ewan ko ba, ang saya saya kasi ng nililigawan ka pa din kahit na may anak na kami.. no one knows, baka kapag bati na kami eh bumalik na naman siya sa dati.. kaya susulitin ko na.. at isa pa, by that, nabui-build na namin ung tiwala at ung love na nawala sa amin noon at alam kong kailangan din namin to..
“good morning..”
Napatingala ako sa may pintuan, at nakita ko si Gelo na papasok na sa loob, buhat-buhat ang anak namin.. nakangiti siya sa akin habang papunta sa lugar ko..
Ang mag-ama ko..
Napangiti na naman ako.. ang pinag-biyak na bunga dahil sa sobrang magkamukha..
Bumangon ako at ngumiti din pabalik sa kanya.. galing siguro sila sa labas at nagpa-araw.. inabot nya sa akin ung anak namin na gising na gising at saka siya naupo sa tabi ko.. natawa nga lang kami dahil nung saktong nabuhat ko na si Andre, bigla na lang tong umiyak at parang nagutom siyang bigla..
“nagugutom na nga yan, Jass.. kanina pa yan umiiyak kaya bigla kaming umakyat eh..”
“saan ba kayo galing?” sabi ko habang inasikaso ko na ang anak ko..
“jan sa garden.. nagpa-araw kami eh..”
“ah..” I nodded.. “sabi ko na eh..” hinarap ko siya.. “ahmm.. Gelo.. thanks..”
Nangunot ang noo nya.. “para saan?”
Ninguso ko ung flowers na nasa table.. “dun..”
“ah.. nagustuhan mo ba?”
I smiled.. “oo naman..”
He smiled back.. “buti naman.. kulang pa nga yan para makabawi ako sa mga sinabi ko sayo noon, Jass eh.. alam ko masasakit lahat ng sinabi ko kaya kahit man lang jan, makabawi ako..”
“wala na naman un sa akin, Gelo..”
“kahit na.. sorry nga pala dahil dun ah..”
Natawa ako ng bahagya.. “pang-isang libo mo ng sorry yan..”

BINABASA MO ANG
The Hopeless
Fiksi Umum"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..