Chapter 21
*Jass*
Ok.. masarap ang ulam namin ngayon.. seafoods lahat at may chicken curry at chicken savory.. favourite ko un lahat.. lalo na ung pinalamanang bangus.. lalo pa’t si tito ang nagluto nun kaya alam kong sobrang sarap nun..
Pero todo iwas ako, lalo na sa amoy nung pinag-halong kamatis, sibuyas, bawang at paminta dahil pakiramdam ko ay babaliktad na naman ang sikmura ko.. ayokong umeksena ako dito lalo na’t kumpleto kami ngayon sa hapag kainan kaya todo iwas ako ngayon sa favourite ko.. this is what i called, sacrifice.. -_-
Kinalabit ko si Gelo sa ilalim ng mesa.. napatingin siya sa akin kaya bumulong ako..
“Gelo.. alisin mo nga ung bangus sa harapan ko.. naaamoy ko eh..”
“ha? Bakit? Ayaw mo ba nun?”
“gusto.. pero ung anak mo, ayaw! Baka masuka ako..”
“eh.. saan ko naman ilalagay? Wala ng space..”
Habang nag-uusap kami, todo masid ang mata ko sa nakapaligid sa amin dahil baka mabuking kaming dalawa.. so far, wala namang nakakapansin sa amin, dahil busy sila sa pakikipagusap dun sa buntis na kaharap ko..
“ipalit mo na lang dun sa chicken savory.. dali na.. di ko na kaya!”
Agad naman kinuha ni Gelo ung plato nung chicken savory at ipinalit dun ung bangus na sinabi ko.. nakahinga ako ng malawag dahil hindi ko na un naaamoy.. nagiging stable na din ung pakiramdam ko, kaya nakakakain na ko ng maayos..
“am i late?”
Napatingin kaming lahat dun sa nagsalita, at kulang na lang ay lumuwa ang mata ko sa nakita ko.. it’s Kirsten Peterson.. na agad namang bumeso kina tita at kina Angel and next.. dito sa katabi ko..
“sorry, na-traffic kasi ako.. tsaka nag-alaga pa po ko nung anak nila Jack.. ayaw humiwalay sa akin, kaya natagalan ako..” umikot ang mata nya.. “hmm.. saan ako uupo?” malambing nyang sabi..
“di-dito ka na lang..” sabay ngiti ko..
“no, no.. jan ka na lang.. hihingi na lang ako ng isa pang upuan tapos dun ako sa tabi ni Angel..” sabay ngiti nya sa akin..
Bubuhatin ko na sana ung plato ko para umalis na dun, pero pinigilan ako ni Gelo.. napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa wrist ko at pati na din dun sa nakatayong si Kirsten sa likod namin.. nag-iwas na lang si Kirsten ng tingin at saka tumungo na dun sa katabing upuan ni Angel..
Bumalik naman kami agad sa dati.. ininvite pala ni tita si Kirsten na dito din kumain.. maingay ang loob ng dining room, pero kaming dalawa ni Gelo ay mas tahimik pa sa lahat ng tahimik.. hindi kami kumikibo.. kumakain lang kami dito at tatango lang kapag may itatanong sila sa amin..
“Carlos.. paabot naman nung bangus..” sabi ni Kirsten..
“sure..”
Inabot naman ni Carlos ung bangus na nilayo kanina ni Gelo sa akin.. hindi ko na sana un papansinin, kung hindi lang nilapag ni Kirsten sa harapan ko ung plato nun.. agad akong kinilabutan ng maamoy ko na naman un, at bigla na lang bumaliktad ang sikmura ko.. napahawak ako sa bibig ko, at saka ako tumayo para takbuhin ung banyo..
BINABASA MO ANG
The Hopeless
Ficção Geral"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..