Chapter 23
*Jass*
“Jass.. please.. pumayag ka na..”
Napabuntong hininga na lang ako sa pangungulit ni Gelo sa akin matapos nya akong pilitin na lumipat na ng bahay.. nag-aalala lang naman daw siya sa akin dahil minsan ko ng binanggit sa kanya na tatlong beses nang nalooban ang bahay ko.. hanggang ngayon pala ay naaalala pa nya ung nag-panic ako nung mismong birthday nya dahil nakabukas ang pinto ng bahay ko.. akala ko kasi noon na nalooban na naman ung bahay ko kaya ganun na lang ung inakto ko, un pala ay nasa loob na ng bahay ko sina Angel..
“Gelo.. saan naman ako lilipat? At tsaka, mas malapit to sa office ko kesa sa iba..”
“sa bahay ka na lang kasi, Jass.. mas gusto ko ngang nandun ka dahil nakikita kita dun na safe.. at wala ka ng gagawin dun dahil ung mga maid na ung gagawa ng lahat.. makakapagpahinga ka dun after mo sa trabaho..”
Umiling ako.. “ayoko maging pabigat.. tama na ung sinusuportahan mo ko sa kailangan ni baby.. ayoko namang pati ung luho ko, sundin mo pa..”
“hindi luho un, Jass.. inaalagaan lang kita dahil ikaw ang ina ng anak ko.. ayokong may masamang mangyari sa inyong dalawa.. importante sa akin ang anak ko, kaya importante ka na din sa akin..”
Pinilit kong hindi mangiti sa sinabi nya.. ayokong ipakita sa kanya na natutuwa ako sa sinabi nya, at kinikilig ako.. baka kasi kapag nakita nyang ganun ako, magkaroon pa siya ng lakas para pilitin pa ko lalo.. ayoko naman ng ganun..
“sige, lilipat ako.. pero hindi sa bahay nyo, Gelo.. ihanap mo ko ng mas mainam na lugar..”
Tumango siya.. “ipapa-ayos ko ung unit ko.. dun ka na lang tumira..”
“malapit ba un dito?”
“oo.. binili ko un in case na gagabihin ako sa office.. dun ako tumutuloy kapag masyado ng gabi..”
Mabilis lang nyang tinapos ang pagkain nya, maging ako ay ganun din, saka lang siya tumayo at isuot ung suit nya.. maaga kasi siyang nagtungo dito sa bahay para magluto ng breakfast namin.. lagi ding dito na siya nagb-breakfast at dito na din siya nanggagaling pagpapasok na siya sa office..
Hinarap lang nya ko saka siya tumango para sabihing aalis na siya.. ngumiti lang ako at tumango din saka lang siya tumalikod paalis.. narinig ko na lang ang tunog ng sasakyan nya, hudyat na nakaalis na siya sa bahay ko..
Nililigpit ko na ung mga pinagkainan namin, ng may kumatok sa pintuan ko.. lumabas ako ng kitchen at tinungo ung pinto para buksan..
“frenship..”
Rinig kong sabi nung nasa pinto habang lumalakad ako patungo dun at nalaman kong si Angel pala un.. three days na ang nakalipas, when they found out that i’m carrying Gelo’s child..
Ngumiti ako sa kanya pagkabukas ko ng pinto, saka ko niwestra ung kamay ko na pumasok siya.. may dala-dala siyang isang basket ng prutas..
“how are you, preggy?” sabi nya..
Napasimangot ako.. “kala mo namang hindi din siya buntis kung maka-preggy..”

BINABASA MO ANG
The Hopeless
Genel Kurgu"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..