Charpter 26 - pictures..

3.4K 81 1
                                    

Chapter 26

*Jass*

Ilang linggo na kong nagta-trabaho dito sa kompanya nila Gelo, at tama nga ang hinala ko, nagpapa-init lang ako ng puwet sa upuan ko.. ni hindi man lang ako bigyan ng trabaho dito, at puro ‘pabigay daw nito kay sir Gelo’ o kaya naman ‘paki timplahan daw si sir Gelo ng kape, Jass..’ sa totoo lang, admin staff ang in-apply-an ko dito, pero para yatang secretary ni Gelo ang labas ko.. at ang nakakainis pa, wala akong magawa dito. Period.

“Jass.. pinatatawag ka sa office ni sir Gelo..”

Napaismid ako.. “bakit na naman daw?”

“nandun si sir Anselmo tsaka si mam Gelou, kakausapin ka yata..”

Nanigas ang likod ko sa sinabi nung ka-trabaho ko.. inaasahan ko na kaya lang ako pinatatawag ni Gelo ay baka patulugin na naman ako nun sa couch nya, o kaya ay pakainin na naman ako ng lychees, un pala ay nandun sina tita..

Kinakabahan ako.. alam ko kasing galit sa akin ung mga un, dahil nga ngayon lang ako magpapakita sa kanila after nung revelation nung nakaraang ilang buwan..

Tumayo agad ako at mabilis na tinahak ung opisina ni Gelo.. kumatok ako ng tatlong beses at saka ko binuksan ung pintuan.. bumungad sa akin ang naka-ngiting si tito Anselmo at ang seryosong mukha ni tita Gelou.. si Gelo naman ay busy pa din sa kata-type nya sa laptop nya, kahit na napansin nyang dumating na ko..

“come in, Jass..” tito said.. “na-miss ka ng tita mo..”

Napakamot ako sa ulo ko.. “g-ganun po ba? So-sorry po..”

“Jasmine, hija..” si tita..

“po?”

“sa condo ka daw tumitira?” seryosong sabi ni tita..

Napalunok ako.. “opo..”

“bakit ayaw mo sa bahay? Kasama mo dun si Gelo.. may galit ka ba sa anak ko kaya ka nagkakaganyan? Pati ung tungkol sa magiging apo ko, sa kasal nyo na dapat ay pinagpaplanuhan na.. lahat un ayaw mo.. ano ba talaga ang meron, Jass?”

Ayan na.. galit na talaga si tita.. napayuko pa kong lalo..

“eh kasi po tita...” i sighed.. hindi ko naman pwedeng sabihin ung dahilan ko.. lalo lang silang magagalit.. “eh kasi po..”

“ma.. ako ang may gusto nun, hindi si Jass..”

Out of nowhere na sabi ni Gelo.. napatingin akong bigla sa kanya.. nakatingin na siya sa mommy nya saka siya natingin sa akin.. inalis nya nga lang bigla un, dahil nakita nyang nakatitig ako sa kanya..

I know, pinagtanggol na naman nya ko.. palagi na lang siyang ganun.. lagi nyang sinasalang-alang ung sarili nya para sa kapakanan ko.. i should thank him for that.. but by the looks of him right now, mukhang bad idea pa un.. mukha din kasing galit ang itsura nya.. baka mapahiya ako..

“this is weird..” sabay iling ni tita.. “dapat nasa iisang bahay na kayo.. magkaka-anak na kayong dalawa.. dapat nga ay makasal na kayo, pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nyo pa.. naguguluhan na ko sa inyong dalawa..”

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon