Chapter 27 - few steps..

4K 92 3
                                    

Chapter 27

*Gelo*

“yes, yes, thank you so much..”

Sabi ko after matapos ung meeting sa conference room.. sa totoo lang, ang daddy ko naman ang may ka-deal dito sa lalaking ito, pero sinama sama pa ko ni dad.. instead na makasama ko si Jasmine, nandito ako ngayon at nakikipag-negotiate din sa taong to – na isinama din ang anak nyang babae..

At ang nakakairita pa, kulang na lang ay maghubad sa harapan ko ang anak nya at panay pa sa pagpapa-cute..

“susunod sa yapak mo itong anak mo, Anselmo..” sakto at nakabalik na pala ang anak nya galing c.r.. “napaka-husay!” sabi nung ka-deal ni dad..

“saan pa ba magmamana yan, Marco, kundi sa akin..”

Natawa silang dalawa.. “kung may oras ka, hijo..” napatingin ako sa kanya ng bigla nya kong kausapin.. ngumiti ako.. “you can date my daughter.. if you have some questions about the company, nandito lang si Samantha.. instead of calling me, might as well, date her..”

Ngumiti ako ng plastic sa kanila.. “sure..” ngumiti hanggang tenga ung babae.. “if my fiancée would allow me to do that..”

“f-fiancee?” tanong nung babae..

Tumango ako saka ngumiti.. “if you don’t mind, ahmm.. i have to go.. because she’s waiting at my office..”

Alanganin na tumango ung mag-ama sa akin habang ang tatay ko naman ay naka-angat ang gilid ng labi dahil sa pag-ngisi nya.. alam kong natatawa siya sa itsura nung dalawa na un dahil sa inasta ko.. alam kong nayayabangan din ang dad ko sa kanila kanina pa, kaya nung nabara ko ung mag-ama na un, alam kong natatawa siya sa akin dun..

Tumalikod na ko at nagtungo na sa office ko.. pagkapasok ko, naabutan ko si Jass na naka-slouch dun sa swivel chair ko, may nakasalpak na earphones sa tenga nya at tulog na tulog.. lumapit ako at tinignan ko ung pinapanuod nya sa laptop ko..

ok.. paano nga ba napunta sa laptop ko ung frozen? -_-

Yumuko ako para sana buhatin siya at ilipat siya dun sa couch, pero nagising na siya.. inalis nya ung earphones sa tenga nya at inayos ang upo nya dun..

“ang tagal ng meeting nyo.. nainip ako dito..”

Napangiti ako sa itsura nya.. para siyang nag-i-sleep-talk.. “kahit ako natagalan eh..”

Tumingin siya sa akin.. “nagugutom ako..”

Nanlaki ung mata ko habang nangingiti.. “gutom ka na naman?”

Tumango siya.. “bili tayo fries sa McDo.. tsaka cokefloat..”

“o sige..” sabi ko ng natatawa.. “diretso uwi na tayo, after..”

“ok..”

Tumayo na siya sa swivel chair ko at kinuha ung bag nya sa sofa tsaka siya lumakad patungo sa pintuan.. habang ako dito ay nakatayo pa din sa kinalalagyan ko habang natatawa ako ng tahimik.. hindi si Jasmine yung kausap ko kanina.. as far as i know her, maintain ang diet nya at hindi siya kain ng kain.. akala ko na hanggang pag-uwi na namin ung kinain nya kanina dahil ang dami nyang nakain, pero hindi ko alam na magpapabili pa siya sa akin ng pagkain ulit..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon