Chapter 35 - sorry, pwede ba..

3.2K 93 0
                                    

Chapter 35

*Jass*

One week. One week pa lang ang nakakalipas pero parang ilang taon ng wala si Gelo sa tabi ko.. ibang iba talaga sa nakasanayan ko twing gigising ako.. pagkagising ko, eh may makulit na bubungad sa harapan ko, o kaya naman pagdating ng hapon, may pasalubong akong pagkain galing sa kanya.. o kahit ano pang malalanding gestures ang gagawin nya.. pero ngayon, si Angel lang ang kasama ko at hindi ko pa makausap ng matino dahil tulog ng tulog.. kundi naman tulog, kausap ung asawa nya..

Hindi din ako mapakali twing hindi siya tumatawag sa akin.. busy kasi siya at twing lunch at gabi lang siya nakakatawag.. mabuti na nga lang at may LINE na app sa phone naming dalawa at pwede kaming mag-video call..

“frenship..” tawag sa akin ni Angel..

Humarap ako sa kanya.. “bakit?”

“wag ka malikot.. hindi ako makatulog kaka-backs and fourths mo ng higa eh..”

I sighed.. “hindi kasi ako makatulog frenship..”

“pilitin mo.. matulog ka.. isang buong linggo ka ng ganyan.. baka makasama yan kay baby Andre..”

“pinipilit ko naman.. kaso lang, ewan ko ba.. ang hirap matulog..”

Napatingin ako sa wall clock, mag-e-eleven na nga ng gabi.. kung nandito lang si Gelo, baka inaway na ko nun dahil gabing gabi na ay hindi pa ko natutulog.. ewan ko ba, parang hindi na ko sanay na katabing matulog tong si Angel.. dito na nga kami natulog sa kwarto ng mommy at daddy nya para mas malaki ung bed, pero parang nasa-suffocate pa din ako..

Medyo tumagilid ako, para mas kumomportable ung higa ko.. limang minuto lang siguro ako nakaganun pero lumipat ulit ako sa kabila..

Ang hirap maghanap ng antok.. -_-

“frenship..” tawag ni Angel sa akin.. naaawa na ko sa kanya dahil mapungay na mapungay na nga ang mata nya sa antok..

“sorry, frenship.. sorry talaga.. last na position na to..promise..”

Napangiti siya.. “ang laki na talaga ng pinagbago mo..”

Napakunot noo ako.. “ako? Hindi naman ah.. paano mo nasabi?”

“eh kasi.. dati hindi ka balisa kapag ako ung katabi mo, pero ngayon parang ayaw mo na sa akin..”

“oy, hindi naman sa ganun frenship..” pagpapaliwanag ko.. “hindi lang siguro talaga ko dinadatnan ng antok..”

“talaga? So, one week kang hindi dinadatnan ng antok?” naka-taas kilay nyang tanong..

“eh kasi...”

Natawa na siya.. nagtaka na nga ko kung bakit, pero hindi ko na un pinansin.. baka talagang sa antok nya eh, dinadala na lang nya sa tawa nya..

“sige na, frenship.. lumipat ka na dun..”

“ha?”

“sige na.. makakatulog naman siguro na ko kahit wala akong katabi..” sabi pa nya.. “inaantok na naman ako eh..”

“pero, frenship.. eh hindi ka sanay ng walang katabi..”

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon