Chapter 37 - baby Andre..

3.3K 85 2
                                        

Chapter 37

*Jass*

“hija.. ako na ang gagawa jan..”

Umiling ako kay manang habang patuloy pa din ako sa pagluto ko ng agahan namin.. halos mag-i-isang linggo na buhat nung incident sa aming tatlo ni Gelo at Aaron, at buhat din nun ay hindi pa kami nag-u-usap ni Gelo.. umuwi sya nitong gabi lang dahil hindi talaga siya umuwi nitong mga nakaraang araw.. sinabi lang sa akin ni Angel na nag-stay daw ang kuya nya sa condo unit nito, kaya ngayon lang siya nakauwi..

No, ngayon lang nya naisipang umuwi..

“ako na po manang.. gusto ko pong makabawi kay Gelo..”

“pero hija.. malapit ka ng manganak.. dapat eh hindi ka na gumagawa ng ganyang bagay..”

“kaya ko pa naman po eh.. sige na  po, hayaan nyo na ko..

Napabuntong hininga si manang.. “o siya sige.. titignan ko lang ang labahin ko sa kabila ha.. nandun lang ako.. kung kailangan mo ng tulong, tawagin mo lang ako..”

I nodded.. “thank you po..”

Tinapik lang ako ni manang sa balikat at saka siya lumabas ng kusina.. ako naman ay nagpatuloy sa pagluto nung kakainin ni Gelo bago siya pumasok.. hindi ko nga lang alam kung gising na siya, dahil hindi naman kami magkatabi matulog kagabi.. dun siya sa guest room natulog..

Sa sobrang galit nya sa akin, ni hindi nya ko kayang tabihan sa pagtulog..

Napapikit ako at napa-iling.. ayoko ng umiyak.. ilang araw na kong umiiyak, kaya tama na un.. kawawa naman ang anak ko..

Habang inaahon ko ung mga niluto ko, narinig ko na ang yabag ng paa nya pababa ng hagdanan.. alam kong sa dining area siya pupunta kaya nagmadali ako sa paghain.. kinuha ko na ung mga pagkain at saktong paglapag ko sa mesa, pumasok na siya dito at nakita nya kong naghahain..

“kain na..” sabi ko ng nakangiti..

Inayos nya ung necktie nya.. “bakit ikaw ang gumagawa nyan?” sabi nya nang hindi ako tinitignan..

“gusto ko kasing ipagluto kita bago ka pumasok..” sagot ko habang hinuhuli ko ung tingin nya.. “halika na.. kumain ka na..”

Lumingon siya sa kabilang pinto at sumigaw.. “manang! Bakit si Jasmine ang pinagawa nyo dito?!”

“Gelo.. Gelo..” awat ko sa kanya.. “ako nagsabi kay manang na ako ang magluluto..”

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy siya.. “manang! Diba inutos ko sa—“

“Gelo.. sinabi ko naman na—“

“hindi ko sinabi na ikaw ang magluto ng agahan ko, Jasmine..”

“pero Gelo—“

“manang! Ipag—“

“Angelo!!” sigaw ko..

napahawak akong bigla sa tiyan ko ng sumigaw ako.. kumirot kasi ng bahagya ung tiyan ko pati ung balakang ko.. napansin nya un, kaya bigla siyang napahinto sa ginagawa nya at napalitan ng pag-aalala ung mukha nya.. at pakiramdam ko na tutulo na ung luha ko..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon