Chapter 1 - Gelo..

6.8K 101 12
                                    

-dedicated to YGDara.. haha, daragon shippers eh.. xD JiYonggie <3

Chapter 1

*Jass*

“baa.. baa.. black sheep, have you any wool? Yes sir! Yes sir, three bags full.. one for my master, one for my—“
“AARRGGHH!! Jasmine!! will you stop singing?! Ang sakit sa tenga!”

Mas lalo yatang sumakit ang tenga ko nang biglang sumigaw si Gelo na siyang nakagulat sa akin.. nakasandal ang braso ko sa nakababang bintana ng kotse nya at nakapatong ang baba ko dun ng masigaw siya kaya napatayo kaagad ang likod ko sa gulat..

Pinunasan ko muna ung luha ko sa mukha ko at saka ko siya hinarap.. dinuro-duro ko pa talaga siya at sinundot-sundot ko ung braso nya..

“ano bang problema mo, ha?” sabay singhot ko.. “hindi mo ba maintindihan na masakit dito ha?!” sabay turo ko sa puso ko.. “masakit..”

“te-teka lang naman.. ang—“

“tapos kung makalait ka pa, akala mong kagwapuhan ka! Oo na! Gwapo ka na.. pero naman, Gelo.. hayaan mo na lang muna ako..”

“oo nga pero—“

“ano pa ba gusto mo ha?? Kinasal na ung taong mahal ko, na sa dalawang taong pagsasama namin, my pending fiancée pala siyang hinihintay sa ibang bansa.. tapos—“

Nahinto akong bigla sa paglilintanya ko ng bigla nyang ihinto ang sasakyan at ka-muntik-an pa kong masubsob sa may dashboard.. gulat na napatingin ako sa kanya, at ayun na naman tingin nyang parang makikipag-basag ulo at natakot talaga ako..

Humarap siyang bigla sa akin.. matalim ang tinging binato nya sa akin, kaya lahat ng liquids na gustong lumabas sa katawan ko ay biglang umatras..

“sinabi ko lang na tumigil ka sa pagkanta mo! Hindi ko sinabing ikwento mo ung talambuhay mo!”

Literal na napahawak ako sa dibdib ko at pinalo-palo iyon dahil sa sobrang kaba ko.. huminga ako ng malalim at unti-unting inalis ang tingin ko sa kanya.. tumingin na lang ako sa labas ng bintana at napaisip..

Oo nga naman.. wala naman siyang sinabing ganun sa akin.. sorry naman.. sabi ko sa sarili ko..

Dun ko lang napagtanto na nasa may tapat na pala kami ng bahay nila at kita ko sa veranda nila si Angel na nakaupo doon at mukhang hinihintay nga ako.. muli ko syang tinignan at nakita kong diretso lang ang tingin nya na para bang hinihintay na lang niya kong bumaba at nandun pa din ung pambasag-ulo nyang mukha..

“bababa na ko..” i opened the passenger seat door, and then i faced him again sabay sabing.. “salamat!” and then i kicked his door pasara at nagulat pa siya nun dahil binlag ko talaga..

Tumakbo na ko papasok sa loob ng bahay nila at nakita kong sasalubungin na ko ng best friend ko.. muli na namang umahon ang sakit na nararamdaman ko kanina at hindi ko maiwasang hindi na naman maiyak..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon