Last Chapter - part 1

3.4K 77 3
                                    

Last chapter

*Jass*

“are you ok?”

Napalingon ako kay tita – kay mommy ng tanungin nya kong bigla at pisilin ang kamay ko.. nandito na kasi kami sa labas ng simbahan at naghihintay na lang na buksan ang pintuan nito para makapag-martsa na din kami sa loob..

Yes, it’s our wedding..

At sa totoo lang, kinakabahan ako na na-e-excite.. hindi na siguro maipinta ung mukha ko kaya natanong sa akin un ni mommy..

I looked at her.. “ok lang po ako..”

“you look not.. may sakit ka ba?”

“wala po, mommy.. kinakabahan lang po ako.. sobra..”

Natawa si tita, maging si tito na nasa tabi ko din.. “oo nga ano..” sagot ni tita.. “bakit nga ba ko nagtatanong, eh kasal mo nga pala to at nakakakaba naman talaga kapag ikakasal na..”

Napalabi na lang ako dahil hindi naman nakatulong ung sinabi ni mommy dahil mas lalo pa kong kinabahan dahil dun.. lalo na nang biglang bumukas ang pintuan ng simbahan, at bumungad sa akin ang altar, ang red carpet, and mga bulaklak sa gilid nito, at ang mga taong nakatingin sa aming tatlo na nag-aabang sa bawat hakbang ng paa namin..

Pumainlalang din sa buong simbahan ang kantang nagpakilig sa akin noon pa lang.. ang unang unang kanta na kinanta sa akin ni Gelo..

“beautiful as you, kasi you are beautiful..”

Yan ang hindi ko makakalimutang dahilan ni Gelo.. kahit ano naman ang i-dahilan sa akin nun eh palaging baluktot.. natatawa na lang ako..

Ngayon ako nagsisisi kung bakit mas pinili ko pa na dito kami ikasal ni Gelo sa simabahan na to.. not that, ayoko mismo sa simbahan na to, but because, sa haba ng aisle nito.. akala ko kasi na mas mainam kapag mas mahabang aisle ung lalakaran ko, para sana ma-feel ko ung pagiging bride ko, pero parang mas naf-feel ko ang matinding kaba sa dibdib ko kesa sa excitement..

“relax, hija..” bulong ni tita sa akin.. “malapit na tayo sa harapan.. smile! Chin up! Baka pangit ang mga pictures mo..”

“o-opo, opo..”

“hija.. nanunuod ang nanay at tatay mo somewhere..”

“po?” gulat na tanong ko.. “paano nyo po nasabi?”

“nararamdaman ko.. at masaya sila..” she chuckled.. “natupad na kasi ung gusto naming mangyari..”

“mangyari po?”

“i remember that time, napag-usapan namin na ipagkasundo kayong dalawa.. kundi lang siguro napunta si Angelo sa probinsya, baka siguro mas napa-aga ang kasal nyo..”

“parang... arranged marriage po?”

She chuckled.. “oo hija..”

Hindi na nya ko kinibo nun at tumingin na sa harapan.. ngumuso ng konti si tita doon para sabihin sa akin na tumingin na ko sa harapan at sinunod ko naman.. kahit nalilito ako, hindi ko na lang inisip ang bagay na un at tumingin na lang sa harapan.. just as i shifted my gaze at the front, i met Gelo’s sparkling eyes.. yes, it is sparkling.. and he is wearing his smile that can melt my heart right away.. pati ang mga mata nito ay nakangiti din sa akin kaya napangiti na din ako sa kanya..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon