Chapter 34
*Jass*
“Jass? Jass!”
Tawag sa akin ni Gelo nang makababa na sya galing sa kwarto namin. Nandito kasi ako sa kusina ngayon at nagp-prepare ako ng kakain nya bago siya umalis.. wala kasi si manang dahil namalengke ito, at ako din naman ang nag-volunteer na magluto ngayon, kaya maaga akong nagsing para dito..
“Jass!” ulit nya..
“oh! Nandito ako sa kusina..”
Inahon ko na sa kawali ung niluto kong chicken at isinunod ko na ung mga hindi pa luto.. muntik ko na nga lang mabitawan ang sandok ko, nang may maramdaman akong pumulupot na braso sa tiyan ko at may pumatong na ulo sa balikat ko..
Sino pa nga ba to kundi si Gelo lang..
“bakit ikaw ang gumagawa nyan? Nanjan si manang and friends ah.. sa kanila mo na yan ipagawa..”
Napatawa ako.. nasanay na din siya sa tawag kong manang and friends kina manang.. “eh gusto kong ako magluto ng breakfast mo bago ka umalis..”
“kahit naman hindi mo na gawin un..”
“eh kasi gusto ko, bago ka umalis, ipagluto kita.. diba gusto mo un? At tsaka, para hindi mo ko masyadong ma-miss..” sabay tawa ko..
Napabuntong hininga siya.. “eh parang mas lalo yata kitang mami-miss ng lagay na yan eh..”
Aalis kasi siya ng bansa ngayon.. mahigit isang buwan din siya dun, kasama sina daddy nya at si Carlos.. magtutungo ulit silang Vietnam dahil may conference na naman sila dun at the same time, contract signing daw sa isa sa mga partners nila dun..
Ang hilig kasing magpayaman, kaya maiiwan na naman kami dito.. hay nakooo.. :(
Simula nung sinabi ko sa kanyang mahal ko din siya, hindi na siya nauubusan ng ka-sweet-an sa akin.. para ngang sumosobra pa, kasi ang corny na ng iba.. sabi nya din kasi na kaya nya un ginagawa ay para daw mas lalo akong ma-inlove sa kanya.. nung sinabi ko naman na mahal ko na siya noon pa, muntik na kong batukan.. -_-
Kung sinabi ko lang daw ng maaga, edi hindi na daw siya nahirapang kumuha ng lakas ng loob nung time na nag-confess siya sa akin at dapat daw ay matagal ng kami..
Natawa na lang ako..
“on the way na si Angel dito.. si mommy naman, mamayang gabi pa makakarating dito kasi ihahatid pa nga kami nila dad sa airport.. si Angel lang ang kasama mo dito at sina manang, kaya mag-iingat ka ha..”
Napanguso ako.. “isang buwan ka ba talagang mawawala? I mean.. walang tawad?”
Natawa siya.. “kung pwede nga lang Jass eh.. kung pwede nga lang bukas nandito na ko..” hinimas nya ung tiyan ko.. “para hindi ko kayo masyadong ma-miss ng anak ko..”
Pinahinaan ko muna ung kalan at binitawan ung sandok saka ako humarap sa kanya.. “mas malungkot pala ngayon, no? Mamimiss din kasi kita eh.. dapat pala hindi ka muna nag-confess sa akin.. dapat after na lang ng conference nyo, saka ka na lang nag-confess para hindi masyadong nakakalungkot..”
BINABASA MO ANG
The Hopeless
General Fiction"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..