Chapter 32
*Jass*
Hindi ako makatulog.
Ilang linggo na din kasi ang nakakalipas ng mangyari ung insidente na un, at hanggang ngayon, hindi pa din ako kinikibo ni Gelo.. para lang akong hangin sa kanya.. kundi lang siguro ako magpapasama sa kanya sa check-up ko, hindi nya ko kikibuin.. o di kaya kung may sasabihin siya sa aking importante, dun lang nya ko kakausapin.. palagi pa siyang nag-o-overtime sa trabaho nya, kaya hindi ko maiwasang hindi ma-freak out dito.. naiisip ko na baka nag-e-enjoy na siya kay Samantha o kaya dun sa secretary nya..
pero pilit kong inaalis un sa utak ko dahil kilala ko siya.. hindi siya gagawa ng ikakasama ng loob ko, dahil bawal akong ma-stress.. at kahit hindi naman sa dahilan na un,hindi nya gagawin un dahil matino si Gelo.. hindi siya katulad ng ibang lalaki na madaling matukso..
napahinga ako ng malalim..
bigla kong naalala si Aaron.. halos kalalabas lang ng ospital ni Aaron.. sinabi sa akin ni manang na kalalabas lang nya after nyang magpagaling sa ospital.. naka-ilang tahi yata siya sa dalawa nyang kilay nya pati yata sa pisngi nyang pumutok.. nag-sorry din yata ung dad ni Aaron kay Gelo dahil pumunta daw un sa office nya.. si manang lang ang nagbabalita sa akin, dahil ayokong ako mismo ang umalam nun, dahil baka mas lumala ang away namin ni Gelo..
and speaking of, un ang dahilan kung bakit hindi pa ako pinansin ni Gelo.. ung about pa din sa nakita nya..
narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.. nakatalikod ako sa may pinto dahil nakatagilid akong nakahiga sa kama nya.. alam kong siya ung pumasok dahil kabisado ko ung yabag ng paa nya.. at oo, dito ako nag-s-stay sa kwarto nya – hindi dahil sa nandun pa sa guest room ung lolo at lola nya kundi dahil gusto ko.. in fact, bakante na nga ang kwarto na un maging ung kwarto ni Angel kaya anytime ay pwede na kong lumipat kahit saan, pero ako mismo ang umayaw dahil nga gusto kong makipagkasundo kay Gelo..
pero lagi yatang wrong timing ung dating nya dahil kundi ako natutulog, ay hindi ko siya maaabutang nasa bahay dahil nasa ibang lugar siya minsan.. eto lang siguro ung time na nagkataong naabutan ko siya kung saan nagtutulog-tulugan pa ko..
kaluskos ng damit nya ung naririnig ko.. hula ko na nagbibihis siya.. nung akmang babangon na ko, bigla kong naramdaman na lumundo ung kama sa likod ko at naramdaman kong pumatong ung kamay nya sa tiyan ko.. he sighed.. napahinto ang paghinga ko ng maramdaman kong lumapat ang labi nya sa sentido ko.. mas lalo yata akong hindi nakahinga dahil bumulong sya sa tenga ko – na nagpabilis pa lalo ng puso ko..
“i miss you..”
Maiiyak yata ako.. narinig ko lang ung boses nya, parang maiiyak yata ako.. parang un lang ung hinahanap ng tenga at nung narinig ko na, parang na-overwhelmed yata ako.. lalo pa na hinalikan pa ko sa gilid ng ulo ko..
Grabe.. bati na ba kami?
Nung naramdaman kong aalis na siya, bigla kong pinigilan ung kamay nya at saka ako humarap sa kanya.. nagulat pa siya nang makita nyang gising ako, pero naging straight na naman ung mukha nya afterwards..
BINABASA MO ANG
The Hopeless
General Fiction"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..