Chapter 7 - concert

3.6K 65 0
                                    

Chapter 7

*Jass*

“Spain?!”

“yes, frenship.. sa Spain daw.. one month..”

Halos himatayin na yata ako sa sinabi ni Angel na sa Spain daw sila magho-honeymoon ni Carlos.. hindi ko ba alam kung bakit napunta ung usapan namin dito samantalang ung palabas sa t.v ung pinaguusapan namin kanina.. nang-iinggit lang yata talaga siya dahil noon pa lang eh, gusto ko din tumungo sa Spain – nung bata pa lang kami..

“sama ko..” sabi ko.. natahimik naman ung kabilang linya.. “i know, i know, hindi pwede.. i’m just kidding..”

Narinig ko pang huminga ng malalim si Angel.. “kala ko totoo na! Alam mo naman siguro isasagot ko..”

“oo na!”

“kapag nagtungo na kami dun, frenship, pabantay si Kuya ah..”

I hissed.. “pabantay? Ano siya, baby?”

“hmmm.. pwede.. baby isip nun eh..”

“di din..”

May sinabi pa si Angel sa kabilang linya, pero hindi ko na masyadong narinig.. tutal, napagusapan naman din namin si Gelo, bakit hindi na namin sulitin? In fact, kanina ko pa nga gusto tong itanong sa kanya ang nasa isip ko eh.. nung naglilinis kasi ako ng bahay nila, may picture ng isang babae akong nawalis sa ilalim ng kama ni Gelo.. nagtataka lang ako kung sino un..

“Frenship..” tawag ko sa kanya..

“yes, frenship?”

“ahmm.. nagka-jowa na ba ung kuya mo?”

I’m not sure kung huminga nga ng malalim si Angel, pero parang huminga nga siya ng malalim after kong masabi ung gusto kong sabihin.. nagtaka naman ako, kaya iniba ko na lang ung usapan..

“ano.. frenship—“

“yes.. he had.. one..”

Napa-awang ung bibig ko.. tumango-tango ako kahit hindi naman nakikita ni Angel ung pag-tango ko.. “ah.. kaya pala lagi nyang sinasabi un..”

“ang alin?”

“na, hindi ko pa daw siya kilala kaya wag ko daw siyang sabihan na hindi pa nagkaka-love life.. you know.. pero dapat naman sabihan nya ko diba? Para di na maulit un..”

“aahh.. he don’t want to talk about that thing kasi, frenship.. basta.. wag na nating pag-usapan..”

Na-ge-gets ko naman ung gustong mangyari ni frenship, kaya pumayag na ko.. nagpaalam na din naman si Angel dahil may gagawin pa daw siya.. and in the end, pinutol na din naman namin ung linya at binalik ko na ung phone ko sa bulsa ko.. kita mula dito sa bintana ng bahay ko ung bahay nila ate Beng at nakita ko ung anak nyang pagka-cute cute, kaya lumabas ako at nagtungo dun..

“ate beng!”

Lumingon mula sa pagkakayuko si ate beng – dahil nagwawalis siya ng bakuran nya – at nilingon ako.. ngumiti sa akin si ate beng at kumaway sabay turo dun sa anak nyang nasa may crib nya na nakatayo dun at nakatanaw sa mommy nya.. agad akong tumungo sa lugar ng anak nya at binuhat na ito saka pinanggigilan..

The HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon