Chapter 12
*Gelo*
hinawakan kong bigla ung pulso nya nang iakyat na naman nya un sa itaas na parte, kahit hindi siya nakatingin dun..
“what?” sabi pa nung Kris.. talagang pinag-iinit ang ulo ko..
“what?” sabi ko sabay ngisi.. “ayoko sa mga manyak na katulad mo.. just so you know..”
“hindi ako manyak..” sabay bawi nung braso nya at tumayo..
“good..”
Nagtitigan kaming dalawa ng masama.. nalaman na siguro ng kapatid ko kung ano nang nangyayari sa akin, kaya agad nyang sinabihan ung MC na next program na at hinatak na ko palayo dun sa crowd.. nilingon ko na lang si Jass at nakita kong inalis na siya dun ni Carlos sa upuan at pinaupo dun sa table nila mommy..
Padabog akong binitawan ni Angel at saka nya ko hinarap..
“what’s wrong with you, Kuya?!” galit nyang tanong..
“wala!”
“anong wala.. muntik ka nang mag-eskandalo dun!”
“kung hindi ko un gagawin, mababastos ang kaibigan mo!” sigaw ko pabalik..
Napakamot siya ng malakas sa ulo nya.. “Kuya! It’s just a game! Parte un sa program at hindi minamanyak ni Kris si Jass!”
“look..” sabay hinga ko ng malalim.. “hindi mo kasi nakita ung nangyari kaya ka nagkakaganyan..narinig ko silang pinag-uusapan si Jasmine at alam kong may kalokohan silang gagawin sa kanya!”
“ano ung pinag-usapan kanina, Kuya?”
“about Jasmine!”
“and what else?”
Napakurap ang mata ko.. ano pa nga ba? Meron pa ba? “w-wala na! A-ano ba, Angel! Don’t look at me like that!”
“you almost ruined my wedding..”
“i didn’t mean to do that, Angel.. it’s just that.. bastos talaga ung mokong na un at naiinis ako sa kanya dahil si Jass pa ung napili nyang bastusin!”
Naningkit ang mata ng kapatid ko.. unti-unti din nyang kinukurba paitaas ang labi nya saka nya sinabing..
“kaya ka nagkakaganyan it’s because you are freaking jealous over that guy! Hah! I should have known earlier..”
J-Jealous?? Bakit naman ako magseselos?! Hah! Malabong mangyari.. concern lang ako sa kaibigan nya at nagawa pa nyang gawan ng malisya.. ganito ba epekto ng kakakasal lang? Nagiging weird..
“no i’m not..”
“you are, Kuya.. you’re jealous..”
Sabay ngisi nya sa akin sabay talikod.. bitbit bitbit nya ung gown nya at tumungo na sa asawa nyang hindi din mapuknat ang ngisi sa akin.. bagay nga silang mag-asawa, parehas may toyo..
-------------------
“dapat hindi ka pumayag!”
BINABASA MO ANG
The Hopeless
General Fiction"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..