Chapter 42
*Jass*
Weird.
Weird talaga ang atmosphere, simula ng magising ako..
Iwas ang mga maids sa akin at maging si Gelo ay ganun din.. kinakausap naman nila ko, pero hindi katulad dati.. after akong kausapin – na wala pa yatang isang minuto – aalis na sila at hindi na ko papansinin.. medyo naiinis na nga ako, pero hindi ko na lang pinansin, dahil baka naman ganun talaga ung trip nila..
Nandito kami ng anak ko sa garden nila at nagpapahangin.. nagre-reminisce na din at the same time.. naalala ko kasi noon na dito pa ko naglalasing noon, dahil sa sobrang depress kay Aaron.. naalala ko pang kasama ko dito si Gelo noon, at puro pangaral ang inabot ko sa kanya..
Nakakamiss din ung pagiging strict ni Gelo, kahit papano..
Kasi ngayon, parang ako na ung strict sa aming dalawa.. sa akin na siya sumusunod at ang amo amo.. natatawa tuloy ako kapag naaalala ko un.. nung dating akala mong daig pa ang mga magulang ko kung bantayan ako, ngayon eh ako na ang nagbabantay ngayon..
But he likes it.. higpitan ko pa nga daw hangga’t kaya ko.. parang sira..
Dumaan si Gelo sa sala, kung saan tanaw siya dito.. it almost lunch na naman kaya naisipan kong dito na lang mag-lunch..
“Gelo..” tawag ko..
Napahinto siya at tumingin siya sa akin.. “yes, mahal?”
Tsss.. mahal daw.. napatawa ako.. “dito na lang kaya tayo kumain? Presko dito saka ang lakas ng hangin..”
He nodded.. “ok sige.. sabihin ko na lang kina manang ha..”
I nodded.. “paki dala mo na lang din dito ung stroller ni Andre..”
“ok, mahal..”
Tumalikod na ko sa kanya na natatawa at may pagtataka sa isip ko kung bakit ganun na lang siya makipag-usap sa akin.. hindi kasi normal ung kinikilos nya kanina pa, kaya nag-aalala na ko.. baka mamaya ay may sasabihin na naman siya sa akin tungkol sa pambababae nya.. ay nako, talagang kukutusan ko na siya ng matindi kapag tama nga ako..
Hindi naman nagtagal ay nakarating na siya sa lugar ko dala-dala ung stroller ng anak nya.. in-assemble lang nya un agad, saka lang siya humarap sa akin.. sinabi nya din na ibaba ko na daw si Andre dun at maupo na kami sa upuan dahil padating na daw ung lunch namin..
Sinunod ko.. sabi nya kasi eh.. isa pa, gutom na din ako dahil inubos na yata ni Andre lahat ng kinain ko kanina.. panay kasi ang breast feed ko, dahil gutumin ang bata kaya gutom na gutom ako.. ganun naman daw kasi talaga un eh..
“taba mo..”
Napabalikwas ako ng tingin dahil sa biglaang sinabi ni Gelo sa akin.. “excuse me??” sabi ko, sabay taas ko ng kilay sa kanya..
BINABASA MO ANG
The Hopeless
General Fiction"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..