Chapter 11
*Jass*
“bakit ka ba iyak ng iyak?!”
Sigaw na pabulong na galit na sabi sa akin ni Gelo nang tabihan nya ko dito sa upuan ko.. Halos basang basa na yata ung panyo niya kakapunas ng luha’t sipon ko dahil sa kakaiyak ko dito.. nasa simbahan na kasi kami at katatapos lang kasi ng kasal ni Angel, at isa lang ang masasabi ko..
Nakaka-bitter ang sweetness nilang dalawa..
Imagine, daig pa ang kasal nila Carmina Villaroel at Kristine Hermosa dahil sa sweetness overload ni Carlos.. mula sa pag-tapak pa lang ng aisle ni Angel hanggang sa ‘i pronounced you, husband and wife’ nung pari, hindi nauubusan ng ka-sweet-an si Carlos.. hindi kasi expected ni Angel na kakanta – live – si Carlos habang lumalakad siya sa aisle – at nakuha nya daw ung style na un kay Jack Peterson na idol na idol ko – at ung mga vows nila sa isa’t isa.. lalo na ung kay Carlos, pamatay sa sweetness.. dinaig pa ang hopeless romantic, dahil sa nakaka-diabetes na vows nya kay Angel..
And i admit.. really.. i envy them.. T^T
“wala kang pake, pwede? Moment ko to..” sagot ko kay Gelo..
“did you remember Aaron again? Ha? Naaalala mo ba ulit siya?” he furiously said..
“hindi ah! Move-on na ko dun..”
“eh bakit iyak ka pa ng iyak jan?”
“eh kasi nga.. nata-touch lang ako kay Carlos.. ano ba! Wag ka ngang makielam! Tsaka, bakit nandito ka na? Dun ung best man sa kabila ah..”
“i saw you crying like a little kid here, so what are you expecting me to do? Panuorin ka lang? Tss.. I’m worried sick, Jass!”
Napatigil ako sa kangangawa ko at napatingin ng gulat sa kanya.. Kung na-touch man ako kay Carlos, sa pagkakataon na to, parang mas na-touch yata ako kay kuya-high-temper.. hindi ko naman din kasi ineexpect na gagawin nya to, dahil kilalang kilala ko ang ugali ni Gelo.. it’s either aawayin ka dahil iyak ka ng iyak o lalaitin ka, or worst, dahil naiirita siya, ipapatapon ka sa bangin..
But it turned out that, he went to my side because his worried at me.. concern?
Touched. Promise.
“salamat..” sabi ko.. “sige na, bumalik ka na dun.. tatahan na ko..”
“you sure? Patapos na naman ung ceremony, ok lang siguro na dito na ko..”
Sinipat ko naman ung lugar nya kanina.. oo nga, patapos na ung ceremony at wala na ung ibang kasama nya dun.. “o sige, bahala ka.. baka hanapin ka dun..”
“sa laki kong to, di pa nila ko makikita?”
“wow ha.. muscle man ka ba?”
“sige, lait lang..”
“i’m just asking, yah know..”
Pinunasan nya ung luha ko sa pisngi gamit ung palad nya.. mata-touch na sana ako kung hindi lang padabog ung pagkakapunas eh.. para kasing hinilamos ng pilit ung parehas nyang kamay at nabura na ng tuluyan ung mukha ko dahil sa sobrang harsh.. napa-irap na lang ako..
BINABASA MO ANG
The Hopeless
General Fiction"hinding hindi na ko magmamahal ulit.. nadala na ko.. na-trauma na ko.. lagi na lang nila akong pinaaasa.. ayoko na.. magiging PHD na lang ako.. 'PANG-HABAMBUHAY na DALAGA'.." - Jass..