The Planner

824 12 0
                                    

One: The Planner

“Namiss talaga kita! Sobra!”, naiiyak na turan ni Keith sakin bago niya ako tuluyang inamba ng mahigpit ng yakap.

Halos kagagaling lang namin ng Airport dahil sinundo nila ako. Halos limang taon din akong namalagi sa Barcelona. Limang taon akong hindi umuwi rito ng Pilipinas. Limang taon kong tiniis ang pangungulila ko sa mga taong mahahalaga sakin pero nalayo na rin sakin dahil sa pinili kong desisyon.

I've been away from all of my comfort zone for five years. And maybe that five years were already enough for me to heal and to grew much stronger and braver.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Duke mula sa gilid namin.

“Araw-araw kaya 'yang pabalik-balik dito sa bahay simula nung umalis ka.”

“Araw-araw din 'yang nakikikain dito”, narinig ko ring komento ni Kuya Gen saka niya ito sinundan ng mahinang tawa.

Agad na kumalas ng yakap si Keith sakin saka niya hinarap ang dalawa kong Kuya at pinameywangan ang mga 'to. “Kayo kaya ang umaaya saking dito kumain! Masama bang hindi tumanggi sa blessings?!”

“Minsanan dumadating ang blessings, Keith. Hindi araw-araw”, pabalik na untag ni Kuya Gen.

“Aba't—”

“Dinner's ready!”

Napasilip ako sa nagsalita mula sa likod ng dalawa kong Kuya. Si Kuya Adrian pala. Kalalabas niya lang ng dining room. Mukhang katatapos niya lang din atang magluto.

Pagkarating na pagkarating kasi namin dito sa bahay ay siya agad ang nagprisintang magluluto raw ng dinner namin. Kaya ayon, hinayaan na namin. Total mukhang siya lang naman ang masipag magluto saming magkakapatid.

“Tin, ikaw nang tumawag kay Dad sa taas”, utos ni Kuya Adrian sakin. Nakangiting tumango ako saka ko iniwan si Keith sa tatlo kong Kuya.

Umakyat ako sa kwarto ni Dad para katukin siya. Pinagpahinga ko kasi agad siya nang makarating kami rito ng bahay. Medyo tumatanda na rin kasi si Daddy kaya mabilis siyang napapagod.
“Dad, dinner's ready!”, malakas kong anunsyo sa labas ng kwarto niya pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses.

Maya-maya pa'y bumukas na ang pinto saka nito iniluwa si Papa. Ngumiti lang siya sakin saka niya ako inakbayan at sabay kaming bumaba papuntang dining room.

Hindi pa man namin nararating ng lubusan ang dining room ay halos rinig na rinig ko na ang malakas na boses nina Keith, Kuya Duke at Kuya Gen na nagtatalo.

“Maka-patay gutom ka naman sakin! Hindi ba pwedeng malakas lang akong kumain?!”

“Ganon din naman 'yon!”

“Hindi 'yon ganon! Magkaiba 'yon!”

“Pwede ba, Genesis Dale! Tumahimik ka!”

Binalingan ko ng tingin si Dad. Napakunot ang noo ko nang mahuli ko siyang lihim na nakangiti.

“Dad, ganyan na ba talaga sila simula nang umalis ako?”

Binalingan niya ako ng tingin saka nakangiting tumango. “Masasanay ka rin sa kanila.”

Sa limang taon kong pamamalagi sa Barcelona, hindi naman kami nawalan ng komunikasyon ni Keith. Palagi kaming nag-uusap through Skype kapag may libreng oras ako. Isang taon na ata akong nasa Barcelona nang maikuwento niya sakin isang beses na palagi raw siyang inaasar nina Kuya Duke at Gen tuwing pumupunta siya ng bahay. Palagi siyang nagrereklamo saking napipikon na raw siya kina Kuya. One time nga nagbiro siyang baka pag-uwi ko raw nakalibing na sina Kuya Gen at Kuya Duke dahil aksidenteng napatay niya sa sobrang pikon na rito.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon