Up To The End

271 8 1
                                    

Thirty One: Up To The End

“Are you enjoying my fianceé that much?”, nanginginig ang boses ni Amber katulad ng kung paano nanginginig sa kaba at takot ang buong sistema ko ngayon.

Yumuko ako para pulutin ang mga nagkalat na litrato sa sahig. Nanginginig ang mga kamay ko nang isa isa ko 'yong pulutin. Kaming dalawa ni Ken ang nilalaman ng lahat ng litrato. Litrato noong gabing kumain kami sa McDo. Litrato noong hinatid niya ako pauwi sa bahay.

“A-Amber..”, ni hindi ko mahanap ang sarili kong boses. Parang biglang nagkaroon ng malaking bikig sa lalamunan ko.

Nakatanggap ulit ako ng isang malakas na sampal. Pangalawa. Pangatlo. Halos namanhid na ang pisngi ko sa sunod sunod na sampal ni Amber. Nasaktan ako, oo. Pero ang sakit na nararamdaman ko ay walang wala sa sakit na nararamdaman ni Amber ngayon. She just found out that I'm secretly dating his soon-to-be husband. She just found out that the person she trusted the most with her dream wedding turned out to be the person who will steal her fianceé away from her.

“Kelan niyo pa ako niloloko?! Ha? Kelan pa?”, halos umalingawngaw ang boses ni Amber sa buong Café.

Mabilis kaming nakakuha ng atensyon sa ibang customer.

Her gaze dropped on the floor. Unti-unting yumugyog ang mga balikat ni Amber. Kasabay ng pagbuhos ng mga luha niya ay siya ring sunod sunod na pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

“I trusted y-you, O-Olivia.. ”, her voice is shaking. “I t-trusted you w-with o-our upcoming wedding..”, unti-unti siyang nag angat ng tingin sa akin. Basang basa ng luha ang kanyang pisngi. “Ni wala a-akong kaalam-alam na dati r-rin pala kayong m-magkasintahan ng fi-fianceé ko..”

Wala sa sariling napaiwas ako ng tingin. She already knew. Maybe Ken already told her. Maybe the two of them already talked about this.

“I-I'm s-sorry..”, halos pabulong ko nang sabi.

Alam kong dadating din ang araw na 'to. Kung kelan malalaman din niya ang lahat tungkol sa aming dalawa ni Ken. I just didn't expect it would be this early. Patuloy ang pagbuhos ng luha ko.

“All this time.. ang tanga-tanga ko..”, puno ng hinanakit ang bawat pagbitiw ng salita ni Amber. Ramdam na ramdam ko ang sakit niya. “Now it makes sense..”, Amber said already puzzled. “The way you two stare at each other.. the way my fianceé stares at you.”

Kagat labi kong sinubukang pigilan ang mga luha kong halos ayaw na tumigil. I shouldn't be the one crying here. Villains don't cry after intentionally hurting someone. Villains don't share the same pain with their victims. At sa kuwentong ito, ako 'tong kontrabida. Sa kuwento ni Amber, ako ang mismong nagnakaw ng bagay na nagpapasaya sa kanya.

“All this time.. pinagmukha niyo akong tanga!”, nabasag ang boses ni Amber.

And all I could do is apologize. Apologize for something I intentionally did to cause her big time heartache. Kahit ilang beses niya pa akong sampalin, hindi matutumbasan ng pisikal na sakit na mararamdaman ko ang emosyonal na sakit na nararamdaman niya ngayon.

Nagulat ako nang biglang lumuhod sa harapan ko si Amber. “A-Amber..”, sinubukan ko siyang patayuin pero ayaw niya.

Parehong bumubuhos ang luha naming dalawa.

“P-Please, O-Olivia.. P-Please, i-ibalik mo s-si K-Ken sa a-akin.”

My heart slowly fell apart. I know that's the least I could do for her. Pero bago pa man humantong ang lahat sa ganito, binali ko na ang lahat ng prinsipyong meron ako. Na kahit gaano ko pa kagusto gawin ang tama, minsan mas okay din palang piliin 'yong mali—kung saan ako mas magiging masaya. Kasi hindi ko alam kung mararamdaman ko pa ba ulit ang saya sa mali kapag mas pinili ko tama. Who knows? It might not come along my way anymore. Who knows? It might not come forever. Kaya kahit mali, kahit may masasaktan, kahit ang selfish-selfish nitong desisyong pinili ko.. hindi na ako aatras. My love for Ken is so selfish that I can bear seeing someone get hurt as I steal him away from her. My love for him is so selfish that I will do everything just to have him back in my arms again.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon