Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Lost Home

279 8 4
                                        

Thirty Six: Lost Home

I cried my heart out inside my room as soon as I got home. Sobrang hirap sa pakiramdam na sinusubukan kong huwag maiyak habang magkasama kami ni Keith kanina. Kahit na gustong-gusto ko na talagang sabihin ang lahat sa kanya kanina ay pinigilan ko ang sarili ko. I don't know, I feel like it's not yet the right time to tell her.

Magdamag akong nagkukulong sa kwarto ko nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Sky. I stifled a sniff as I answer his call.

“S-Sky, napatawag ka?”, tahimik kong pinunas ang panibagong luhang naglandas sa pisngi ko.

Damn it. I feel like my tearducts isn't empty yet.

“You okay, Tin? Umiiyak ka ba?”

I bit my lower lip and immediately composed myself. “Mhm, kagigising ko lang kasi. Nakatulog ako. What's up?”, I asked.

“Sorry, naistorbo ko pa tulog mo.”

“Tsk, ikaw talaga, ang ano mo... I'm fine. So ano nga? Bakit ka napatawag?”, bahagya akong napairap.

Saglit kong binalingan ang digital clock sa bedside table. Halos mag aalas singko na pala ng hapon.

“I want to invite you.”

“Mhm... invite saan?”

“Family dinner?”

“Okay—wait—what dinner?”, parang ngayon lang agad nagsink sa akin ang sinabi ni Sky.

Ano raw?

“Family, Tin. Family dinner”, he repeated, and I swear, I could imagine him rolling his eyes on the other line.

“Bakit mo ako iimbitahan? It’s a family dinner!”

Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya bago ulit nagpatuloy. He seemed frustrated na ewan.

“Si Ate Sheer kasi. Ipinagkalat niya na may girlfriend na ako. I was trying to stop her awhile ago pero ayaw niya paawat. Mom and dad wanted to see you...”

“Kasi...?”

Oh my god, don't tell me...

“Ate Sheer told them you're my girl”, he said. Halos naging pabulong na lang ang tatlong huling salita.

“She—what?”

Wala sa sariling napa-facepalm na lang ako sa mga sinasabi ni Sky. Oh my god.

“Valentine, please... I'll pick you up around seven P.M., okay? Just wear anything.”

Pagkatapos ay naputol na ang tawag.

“Sky? Sky? Jesus...”

Walang hiya yon! Pinatayan agad ako!

“Wear anything?” Pano kapag nagsuot lang ako ng pambahay? Okay lang ba yon? Geez! Hindi naman ako baliw para magsuot ng pambahay sa isang family dinner!

And seryoso ba talaga siyang iimbitahan niya ako?

Nakalimutan ko nang magdamag ko palang iniiyakan si Ken nang magpanic na ako sa kung anong uunahin kong gagawin. Halos madapa pa ako sa pagmamadaling makapag hanap ng damit sa closet ko.

“Come on...”, I frustratingly murmured while rummaging through my hanging dresses.

Sa huli ay isang kulay baby pink na knee length cut, sweetheart neckline dress ang napili kong isuot. Pumasok agad ako ng banyo para maligo. Good thing na ganito pa ako kaaga ni Sky tinawagan dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag one hour before the dinner niya ako in-inform! So much time for my rituals.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon