Choice

279 8 0
                                    

Twenty Five: Choice

Pagkatapos naming lahat na maglunch ay napagpasyahan agad naming manood ng isang sci-fi movie.

"Tamang-tama, may movie room doon sa itaas. Doon na lang tayo manood kesa sa dito sa sala na hindi tayo kasya sa sofa..", Sky suggested. Everyone immediately agreed on it.

Nauna nang umakyat sa taas sina Sky, Gab at Kurt. Sumama na sa kanila si Keith. Gusto kasi ni Keith ay siya mismo ang pumili ng sci-fi movie na papanoorin namin. Habang kami naman nina Terrence ay dumaan na muna ng kusina para kumuha ng chips na dadalhin namin sa taas.

"Okay na ba 'to?"

Nilingon ko si Terrence. May apat na klase ng chips siyang yakap-yakap na bahagya niyang inangat para ipakita sa akin.

Tumango ako, "Okay na siguro yan.."

"Okay, sige. Iaakyat ko na 'to."

Ulit kong tinanguan si Terrence bago siya tuluyang lumabas ng kusina para umakyat na.

Binuksan ko ang ref para tignan kung ano pa ang pwede kong dalhin sa taas. I was still busy scanning the fridge when someone unexpectedly hugged me from behind. Bigla akong napatili atsaka ako mabilis na lumingon sa aking likod. Ang malambing na ngiti ni Ken ang agad na bumungad sa akin. I quickly clutched my chest feeling my rapid heartbeats. Mas lalo lang na humigpit ang yakap niya sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"I just thought I'd find you here..", he mumbled then burried his face on my neck. It suddenly gave me goosebumps.

"Uh, uhm.. may hinahanap lang", mahinang tugon ko.

Halos dalawang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon lang. Ken silently hugging me from behind. Me, silently savoring the moment.

"They might.. see us", bigla akong kinabahan.

"Let them..", mahinang tugon ni Ken saka niya mas lalong isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

Kinalas ko ang yakap niya sa akin at tuluyan ko siyang hinarap. His thick eyebrows furrowed.

"We've already talked about this, Ken. We can't tell them.. yet."

Ayokong biglain sina Keith lalong lalo na si Marcus. They might misunderstood everything. Gusto ko munang maghanap ng tamang tyempo para sabihin sa kanila ang lahat. Because I can't keep this forever. We can't keep this. They have to know. They need to know. Because sooner or later.. they'll find out.

Ken heavily sighed, nonetheless he didn't took his eyes off mine. Na para bang natatakot siya na kapag saglit niya lang akong nilubayan ng tingin ay baka mawala agad ako.

"I understand, baby", paos niyang saad saka niya hinaplos ang buhok ko.

Mariin akong napapikit. Here goes his unusual endearment to me again. Nakakapanibago.

"I-love you..", I reluctantly whispered. I just feel like I have to tell him these three words. Maybe this time, the only thing he just needs more than anything in this world is my assurance. Maybe I have to make him feel secured. Na simula ngayon, sa laban na 'to, nasa likod niya lang ako. Na simula ngayon, hinding-hindi na ako mawawala sa tabi niya.

His face slowly lit up. Maybe he didn't really saw it coming.

"I'd be more than willing to do anything just to keep you this time, Alonzo..", he gently cupped my face. "I love you more than anything in this world", he whispered against my nose before he gave me a gentle peck on the forehead.

The movie lasted for two hours. Nang matapos ito ay bumaba rin agad kami para kumain na ng miryenda. Marcus made some pancakes for everyone.

"When will be the start of your class, Marcus?", biglang tanong ni Keith sa kanya habang kumakain kami ng miryenda sa sala.

His Wedding Planner (MNEBACP's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon